18/05/2026
“TIGNAN ANG MGA LARAWAN: Ikalawang bahagi ng ginanap na Prusisyon at Sagala bilang bahagi ng Flores de Mayo 2026 nitong Mayo 16, 2026 na may temang: Unang Alay ng Bulaklak, Simula ng Walang Hanggang Pag-ibig.’ Patuloy na naging makulay at makahulugan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng taimtim na pakikiisa ng bawat kalahok at mamamayan na nagbigay-buhay sa tradisyong ito ng pananampalataya at pagkakaisa.
Sa bawat paglalakad ng prusisyon at pagpapakita ng kagandahan at debosyon sa Sagala ay muling nasilayan ang pagpapahalaga sa ating kultura, relihiyon, at mga kaugaliang Pilipino na patuloy na isinasalin sa bawat henerasyon. Ang okasyong ito ay hindi lamang simpleng selebrasyon kundi isang paalala ng sama-samang pananampalataya, pagmamahalan, at pagtutulungan ng buong komunidad.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong at naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito — sa mga barangay officials, Barangay Kinaboogan Binangonan Rizal hanay ng kabataan, Sa pangunguna ni Charlie Doblada hanay ng mga sakristan, sa pangunguna ni Cyrus Ruiz Anonical hanay ng choir, ng mga camarero, sa pangunguna Charles Bryan Anievas Miguel Alexander Labao dancel Zyron Lazartigue at wopic na sa pangunguna ni Marilyn Silahis at Victoria Anonical Cristina Silahis at kasama ang mga officers
at sa lahat ng mga sumali at nakiisa sa programa. Ang inyong suporta, dedikasyon, at walang sawang pakikipagtulungan ay naging mahalagang bahagi upang maging maayos, ligtas, at matagumpay ang Flores de Mayo 2026.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa’y magpatuloy ang diwa ng pananampalataya, bayanihan, at pagkakaisa sa ating komunidad. 🌸🙏✨”