04/10/2026
Be Content
- Ptr. Reynante Tan
UPC Binangonan Host Pastor
Tunay na Kasapatan ay Matatagpuan sa Panginoon
Anuman ang ating makamit sa buhay, kayamanan, tagumpay, ari-arian, o mahabang buhay, hindi nito kayang punan ang puwang sa ating puso. Ang tunay na kasiyahan at kasapatan ay hindi nagmumula sa mga bagay na mayroon tayo, kundi sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng pagpapala.
Matuto tayong maging kontento sa anumang kalagayan, panahon man ng kasalatan o kasaganaan. Lumapit tayo sa Panginoon, magtiwala sa Kanya, at manatili sa Kanyang presensya. Siya ang nagbibigay ng tunay na kagalakan, kapayapaan, at kasapatan sa ating kaluluwa.
Ang tunay na kasapatan ay isang pagpapala mula sa Diyos. Kaya maglingkod tayo sa Kanya nang tapat, magpasalamat sa bawat araw, at magalak sa Kanyang presensya.
Sunday Worship Service | October 4, 2026