04/05/2023
Nagpahayag si Apostol Pablo na isang dakilang bagay ang makilala at magtiwala kay Jesus: “Ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa pagkakakilala ko kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Itinuturing ko na parang basura ang lahat ng bagay makamtan lang si Cristo (Filipos 3:8-9). At paano tayo magtitiwala kay Jesus? “Kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli Siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka” (Roma 10:9).
Maraming mga bagay ang itinuturo sa Biblia na makatutulong para makilala si Cristo. Pero ang tanging daan lang para magkaroon tayo ng kaligtasan sa kaparusahan sa kasalanan ay tanggapin at pagtiwalaan ang dakilang ginawa ni Jesus sa krus. Si Jesus ang kailangan nating makilala at pagtiwalaan sa ating buhay.
Amang Diyos, idinadalangin ko po ang mga taong hindi pa nakakakilala at nagtitiwala sa Panginoong Jesus. Kung isa man ako rito, ipinapahayag ko po ang aking pagtitiwala kay Jesus na Siyang aking Tagapagligtas. Amen!