14/08/2026
ANG DAIGDIG NG KAGALAKAN
MARAHIL, karamihan sa atin ay nagnanais ng panahong wala nang lungkot, sakit, pagluha, o kamatayan—isang panahong punong-puno ng kapayapaan, pagmamahalan, at walang-hanggang ligaya.
Mga minamahal, iyan ang ipinangako ng Diyos: Ang Bagong Daigdig; ang Daigdig ng Kagalakan! Bakit nga ba tatawagin itong daigdig ng kagalakan? Hindi ito haka-haka lamang o pangarap na hindi matutupad—may matibay at dakilang mga dahilan na nakabatay sa Salita ng Diyos.
Una at pinakamahalaga: dahil naroon ang Diyos kasama natin, at aalisin Niya ang lahat ng nagdudulot ng pagdurusa.
Pangalawa: Dahil tayo ay makakasama at maghahari kasama ng Panginoon magpakailanman.
Totoo, sa kasalukuyang panahon, napapaligiran tayo ng maraming pagsubok, hirap, at kalungkutan. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito tulad ng sinabi ko sa itaas, mayroong naghihintay sa atin na isang dakilang kinabukasan—isang kahanga-hangang tahanang inihanda ng ating mapagmahal na Diyos: ang Bagong Daigdig! Ang ang Bagong Daigdig na ito ay tatawagin nating Daigdig ng Kagalakan, sapagkat doon ay magkakaroon ng ganap at walang-kapantay na ligaya na hindi na muling mawawala. At ito ay tiyak at totoo!
Bakit tiyak at totoo ang kagalakang ito?
(Alamin po natin ang mensaheng iyan sa JESUS FIRST CHRISTIAN MINISTRIES-Palangoy, ikalawang palapag ng Villarin Bldg., sa taas lamang ng Gareza Drugs, Palangoy, Binangonan, Rizal. Magkita-kita po tayo sa Linggo, ika-16 ng Agosto, taong kasalukuyan.)