28/04/2026
“Bakit mahalaga ang Kids Ministry?”
Sa totoo lang, iba na ang mundo na kinalalakihan ng mga bata ngayon.
Habang mas nagiging advanced ang technology, mas nagiging complicated din ang buhay, even for them.
Maaga silang exposed sa social media, comparison, pressure, at iba’t ibang ideya tungkol sa identity at truth.
Kaya minsan, kahit hindi natin napapansin, may mga laban na silang kinakaharap sa murang edad pa lang.
At dito pumapasok ang isang mahalagang tanong,
Kung hindi natin sila gagabayan ngayon,
sino ang huhubog sa kanila?
“Let the little children come to me and do not hinder them, for to such belongs the kingdom of heaven.” Matthew 19:14
Hindi aksidente na binigyang halaga ni Jesus ang mga bata.
Alam Niya na ang puso na maagang nahubog ay may matibay na pundasyon na pwedeng dalhin hanggang paglaki.
Sa Gitna ng Magulong Mundo, Kailangan ng Matibay na Ugat.
Habang ang mundo ay pabago-bago ng standards,
ang mga bata ay madaling maapektuhan, sa tingin nila sa sarili nila, sa kung ano ang tama, at sa kung saan sila nabibilang.
“…tossed to and fro by the waves and carried about by every wind of doctrine…”
Ephesians 4:14
Kaya hindi sapat ang “bahala na paglaki.”
Kailangan intentional ang paghubog—ngayon pa lang.
At dito nagiging mahalaga ang pagkakaisa ng Church, Teachers, at Parents.
Ang Children's Ministry ay hindi lang programa,
ito ay partnership.
At kapag tama ang pagkakahanay, mas nagiging malinaw ang direksyon ng bata.
1. Ang Church ang nagbibigay ng klarong direksyon.
Sa gitna ng ingay ng mundo, ang church ang nagpopoint sa katotohanan,
na may Diyos na nagmamahal, may layunin ang buhay, at may pag-asa kay Cristo.
Pero mahalagang tandaan, ang ilang oras sa church ay simula pa lang, hindi kabuuan.
2. Ang Teachers ang nagtatanim ng katotohanan sa paraang naiintindihan.
Dito nagiging personal ang mensahe.
Sa simpleng kwento, sa pasensya, sa pakikinig, ang teachers ang nagiging tulay para maramdaman ng bata na ang Diyos ay totoo at malapit.
Sa mundo ng distractions, sila ang nagiging intentional voice of truth.
3. Ang Parents ang nagpapalago araw-araw sa loob ng pamilya.
At sa huli, sa bahay nasusubok ang lahat.
“You shall teach them diligently to your children…” Deuteronomy 6:7 (ESV)
Kung ang church ang nagtuturo at ang teacher ang nagtatanim, ang parents ang patuloy na nagdidilig sa ordinaryong araw ng buhay.
Sa usapan, sa halimbawa, sa paraan ng pamumuhay, doon nagiging totoo ang faith.
Kapag nagtulungan, doon nagiging matatag ang mga bata,
Kapag iisa ang mensahe, sa church, sa kids room, at sa bahay nagkakaroon ng consistency.
At sa consistency na iyon,
nabubuo ang batang hindi madaling matangay ng agos ng mundo.
Hindi lang sila natututo kung ano ang tama,
natututo silang tumindig para dito.
Sa generation ngayon na puno ng confusion at pressure, ang Kids Ministry ay hindi na “optional.”
Ito ay kailangan.
“Train up a child in the way he should go…”
Proverbs 22:6
Maaaring hindi agad makita ang bunga.
Pero sa bawat aral, bawat panalangin, bawat oras na ininvest, may isang batang natututong,
kilalanin si Jesus
pakinggan ang katotohanan
at tumayo sa pananampalataya
At balang araw, sa gitna ng magulong mundo,
siya ay magiging matatag, dahil may mga taong nagkaisa para hubugin siya. 🙌
Thank you Church, Teachers, and parents for molding the next generation.
Glory belongs to God 🙏
God bless little children of God!
Ctto