Lingkod ng Dambana Parokya ni San Antonio de Padua Lungsod ng Biñan

Lingkod ng Dambana Parokya ni San Antonio de Padua Lungsod ng Biñan Official Page of the Altar Servers' Ministry of Saint Anthony of Padua Parish, Biñan, Laguna.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pagdalo ng Lingkod ng Dambana sa Prusisyon ng Bisperas Fiesta | Hunyo 12, 2026  Buong puso at pananampalatayan...
12/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pagdalo ng Lingkod ng Dambana sa Prusisyon ng Bisperas Fiesta | Hunyo 12, 2026

Buong puso at pananampalatayang nakilahok ang Lingkod ng Dambana sa Prusisyon ng Bisperas Fiesta bilang paghahanda sa Dakilang Kapistahan ng ating Mahal na Patron. Sa bawat hakbang, dala namin ang panalangin at pasasalamat para sa buong parokya.

𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮, 𝗜𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶!




𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 | Pagbati ng Lingkod ng Dambana sa Dakilang Kapistahan ni San Antonio de Padua | Hunyo 13, 2026  Maligayang Kapi...
12/06/2026

𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 | Pagbati ng Lingkod ng Dambana sa Dakilang Kapistahan ni San Antonio de Padua | Hunyo 13, 2026
Maligayang Kapistahan, mahal naming Patron, San Antonio de Padua!

Pagbati ng pasasalamat at pagmamahal mula sa inyong Lingkod ng Dambana. Sa araw na ito, ginugunita namin ang iyong buhay ng kababaang-loob, pag-ibig sa Eukaristiya, at masigasig na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Bilang mga tagapaglingkod sa altar, hinahangaan at tinularan ka namin sa disiplina, katapatan, at puso para sa misyon. Nawa’y sa bawat pagtayo, pagyukod, at pag-serve namin, maipakita rin namin ang iyong halimbawa.

Sa gitna ng selebrasyon, sama-sama kaming nananalangin para sa aming parokya, pamilya, at sa lahat ng nangangailangan ng iyong pagdalangin.

𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮, 𝗜𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶! 𝗩𝗶𝘃𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼!



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Mga Litrato ng Lingkod ng Dambana kasama ang mga Nagmisang Pari | Misa Nobenaryo 2026Ibinabahagi namin ang mga...
12/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Mga Litrato ng Lingkod ng Dambana kasama ang mga Nagmisang Pari | Misa Nobenaryo 2026

Ibinabahagi namin ang mga kuha ng ating mga Lingkod ng Dambana kasama ang mga paring nagmisa sa ating Parokya ngayong Misa Nobenaryo. Sa bawat larawan, makikita ang pagkakaisa sa paglilingkod at pagmamahal sa Banal na Misa.




𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pagsasanay ng Lingkod ng Dambana para sa Kapistahan | Hunyo 11, 2026  Nagsagawa ng practice ang mga miyembro n...
12/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pagsasanay ng Lingkod ng Dambana para sa Kapistahan | Hunyo 11, 2026

Nagsagawa ng practice ang mga miyembro ng Lingkod ng Dambana bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ng ating Parokya. Sa bawat galaw at tugon, isinasabuhay nila ang diwa ng paglilingkod nang may kaayusan at paggalang sa Banal na Misa.



ᴍᴀʟɪɢᴀʏᴀɴɢ ᴋᴀᴀʀᴀᴡᴀɴ Bro. LUCAS!Maligayang kaarawan Bro. Lucas, Nawa'y magpatuloy at pagsikapin mo pa lalo ang paglilingk...
03/06/2026

ᴍᴀʟɪɢᴀʏᴀɴɢ ᴋᴀᴀʀᴀᴡᴀɴ Bro. LUCAS!

Maligayang kaarawan Bro. Lucas, Nawa'y magpatuloy at pagsikapin mo pa lalo ang paglilingkod sa Panginoong Diyos.

Naway ikay maging inspirasyon pa sa ibang kabataan para mag lingkod sa panginoon.

𝐀𝐌𝐀𝐑𝐄 𝐄𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐑𝐄


ᴍᴀʟɪɢᴀʏᴀɴɢ ᴋᴀᴀʀᴀᴡᴀɴ Bro. EDVEN!Maligayang kaarawan Bro. Edven, Nawa'y magpatuloy at pagsikapin mo pa lalo ang paglilingk...
30/05/2026

ᴍᴀʟɪɢᴀʏᴀɴɢ ᴋᴀᴀʀᴀᴡᴀɴ Bro. EDVEN!

Maligayang kaarawan Bro. Edven, Nawa'y magpatuloy at pagsikapin mo pa lalo ang paglilingkod sa Panginoong Diyos.

Naway ikay maging inspirasyon pa sa ibang kabataan para mag lingkod sa panginoon.

𝐀𝐌𝐀𝐑𝐄 𝐄𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐑𝐄


𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝘁𝗲𝗸𝗼𝘀𝘁𝗲𝘀 | Mayo 24, 2026Hango sa wikang Griego na Πεντηκοστή (Pentēkostē), ang “Pentekostes” ay ...
23/05/2026

𝐏𝐀𝐀𝐍𝐘𝐀𝐘𝐀 | 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝘁𝗲𝗸𝗼𝘀𝘁𝗲𝘀 | Mayo 24, 2026

Hango sa wikang Griego na Πεντηκοστή (Pentēkostē), ang “Pentekostes” ay nangangahulugang “ikalimampung araw” mula sa Maluwalhating Pagkabuhay ni Hesus.

Mula noong ikaapat na dantaon, ang Pentekostes ay pag-aalaala ng Simbahan sa pagbaba Niya sa mga alagad ni Hesus at unti-unti nang naging pista ng Espiritu Santo. Sa pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga Apostoles ay nabalot sila ng tapang ipahayag ang Ebanghelyo at grasya ng Diyos. Ito ang naging hudyat ng pagpapahayag ng Simbahan na itinatag ni Hesus kaya kung minsan, ang araw na ito ay sinasabi ring “Kaarawan ng Simbahang Katolika”

𝗧𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻.

Ang Pentekostes na simula ng pakikipamuhay sa atin ng Espiritu Santo ay napakadakila sa atin. Siya ang Diwa ng Pag-Ibig at Pagkakaisa ng Diyos na sumasaatin upang maging buhay at gabay natin sa lahat ng oras. Mula ng Siya’y sumanib sa Simbahan patuloy niya itong ginagabayan patungo sa katuparan ng paghahari ng Diyos na siyang inihayag ni Kristo at patuloy na ihahayag ng Simbahan.

Ang Espiritu Santo ay nanatili na sa Simbahan. Siya rin ang tumatanglaw at tumutulong sa mga nagpapahayag ng Mabuting Balita ng pag-ibig ng Diyos at balangkas ng kaligtasan para sa lahat.

Panalangin para sa Linggo ng Pentekostes

Aming Amang Makapangyarihan,
Sa araw na ito ng Pentekostes, inaalala namin ang pagbubuhos ng Iyong Espiritu Santo sa mga apostol. Puspusin Mo rin kami ng Iyong liwanag at lakas, Upang maging matatag sa pananampalataya, mapayapa sa aming mga salita, At matapat sa paglilingkod sa aming kapwa.

Espiritu Santo, aming Patnubay,
Ipagkaloob Mo sa amin ang Iyong pitong kaloob:
Karunungan, unawa, payo, lakas, kaalaman, kabanalan, at takot sa Diyos.
Gisingin Mo ang aming puso upang mas mapalalim ang aming ugnayan sa Diyos at sa kapwa.

Sa gitna ng kaguluhan ng mundo,
Maging gabay Ka nawa sa aming mga desisyon,
Liwanag sa aming mga tanong,
At pag-asa sa oras ng pangangailangan.

Ito ang aming dalangin, Sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon at Tagapagligtas.
Amen.


PAGBATI | Maligayang kaarawan, Bishop Junnie!  Isang taos-pusong pagbati mula sa Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San An...
18/05/2026

PAGBATI | Maligayang kaarawan, Bishop Junnie!

Isang taos-pusong pagbati mula sa Lingkod ng Dambana ng Parokya ni San Antonio de Padua. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng kalusugan, karunungan, at kasiyahan habang ginagampanan ang inyong mahalagang misyon. Maraming salamat po sa inyong inspirasyon at malasakit.

[May 18] A blessed birthday, Bishop Junie!

The diocese wishes its bishop continued good health, fulfillment in ministry, and holiness in life.

LUSONG MULI | “Hindi maaaring manatili lamang sa pagpaplano sa loob ng simbahan” “kailangan lumabas at makinig sa bayan....
08/05/2026

LUSONG MULI | “Hindi maaaring manatili lamang sa pagpaplano sa loob ng simbahan”
“kailangan lumabas at makinig sa bayan.”

Noong ika-7 ng Mayo, ang mga Lingkod ng Dambana ay nakiisa sa House-to-House Consultation Training na pinangunahan ni PPC Moderator Laurence Baban.

Ito ay bahagi ng Diocesan Synodal Pastoral Planning, isang Simbahan na naglalakbay, nakikinig, at nagmamahal kasama ang sambayanan.

Taos-pusong pasasalamat sa mga Lingkod na handang tumugon, makinig, at maglingkod nang may malasakit.



04/05/2026

𝑳𝑵𝑫 𝑺𝑷𝑶𝑹𝑻𝑺 𝑭𝑬𝑺𝑻 2026

Muli nating tignan at sariwain ang masayang naganap sa ating LND Sports Fest!

Mula sa mainit na laban sa court hanggang sa masiglang hiyawan ng mga manonood, bawat sandali ay puno ng tawanan, pagkakaibigan, at diwa ng sportsmanship.

Hindi lang ito tungkol sa kung sino ang nagwagi, kundi sa samahang nabuo at sa mga alaalang babaunin natin. Salamat sa bawat atleta, coach, at taga-suporta na naging bahagi ng tagumpay na ito. Hanggang sa susunod na palaro.




Address

Binãn
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lingkod ng Dambana Parokya ni San Antonio de Padua Lungsod ng Biñan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share