ANG KASAYSAYAN NG PAROKYA NG
NUESTRA SEÑORA DELA PAZ Y BUENVIAJE
ni BRYAN JAYSON T. (2022)
Sang-ayon sa matatandang kasulatan, ang Biñan ay natuklasan ng mga
Kastila noong magtatapos ang Hunyo 1571. Pinamunuan ni Kapitan Juan de
Salcedo, 44, pamangkin ni Miguel Lopez de Legaspi, ang humigit kumulang
na 45 sandatahang Kastila na sumalakay sa Taytay at Kainta. Tinawid nina
Salcedo taglay ang kanil
ang arkabus at mga mumunting kanyon ang Lawa ng
Laguna pagkatapos sakupin ang Morong. Nagtuloy ang mga Kastila sa
Pinagsangahan (ngayon ay Pagsanjan), sinakop nila ang bayan na kanilang
tinawag na Bahi (ngayon ay Bay). Buhat sa Bahi, ang mga Kastila ay muling pumalaot patungong
kanluran at humantong sa isang malawak na pook na pinangalanan nilang
Tabuko (ngayon ay Cabuyao). Matapos maitatag ang Tabuko, si Salcedo at
ang kaniyang mga kasama ay muling pumalaot hanggang itaboy sila ng
hangin sa bunganga ng isang malaking ilog na naglalagos sa pagitan ng mga
bahayan. Ang ilan sa mga mamamayan sa dakong kaliwa ng ilog ay kumilos
ng mahigpit na paglaban sa pamamagitan ng kanilang mga pana, sibat, tabak
at talibong subalit hindi naglaon ay napayapa sila ng mga Kastila sa
pamamagitan ng mabubuting salita at paliwanag ng ilang kabalat na kasama
ni Salcedo. Mula noon ang pook na nabanggit ay pinangalanang Manlalaban
(ngayon ay ang Barangay Malaban). Tinawid ng mga Kastila ang malaking
ilog at dahil sa mabuting paliwanag, sila ay tinanggap ng mga mamamayan
dito (ngayon ay ang Barangay Dela Paz). Sa tapat ng pampang itinirik ang
isang krus bilang tanda ng pagyakap ng mga mamamayan sa Kristiyanong
pananampalataya, habang ang mga taga-Manlalaban ay nakatanaw sa kabila
ng pampang at ang mga bapor ng Kastila ay nakadaong sa may talawra (ito
ang tawag sa parola noon). Dito sa pinagtirikan ng krus itinayo at
kasalukuyang makikita ang simbahan ng Nuestra Señora Dela Paz y
Buenviaje – sa birhen na rin ipinangalan ang barangay. Taong 1867 naging
opisyal na kapilya ng Biñan ang simbahan ng Nuestra Señora Dela Paz. Pruweba nito ang pinakalumang kampana na mayroon ang simbahan na
nagsasaad ng taong “1867”. Ang kapilyang yari sa “stone and mortar” ay naipatayo sa loob ng
1,172 square meters na lote na donasyon noong 1868 mula sa Arsobispado
ng Lipa. Sabi-sabi na ang lupa raw ay orihinal na pag-aari ni “Kapitana” Maria
Yaptinchay-Almeda (asawa ni Kapitan Andressing Almeda, kapitan ng Biñan
taong 1888) bago ito naibigay bilang donasyon sa Archdiocese of Lipa. Nagpadagdag sa kulay ng kasaysayan ng simbahan ng Dela Paz ang
naging pagbisita rito ng batang si Jose Rizal noong mga panahong siya ay
nag-aaral sa Biñan taong 1869 hanggang 1871. Ang mga kaganapang ito ay
isinulat ni Rizal mismo sa kaniyang talaarawan na Memorias de Un
Estudiante de Manila (1878). Ang pari ng kapilya ng Dela Paz ay nagmumula pa sa simbahan ng San
Isidro Labrador sa “bayan”. Tuwing pistang bayan at pasko lamang
nagkakaroon ng mga misa sa kapilya. Taong 1910 nang ang mga Katolikong simbahan sa Lalawigan ng
Laguna ay napasailalim sa Archdiocese of Lipa. Nobyembre 28, 1966 nang
naitatag ang sariling diocese ng Laguna na Diocese of San Pablo bilang
suffragan diocese ng Archdiocese of Manila. Abril 18, 1967 nagsarili ang
Diocese of San Pablo nang ito ay magkaroon ng sariling obispo sa katauhan
ni Pedro N. Enero taong 1967 nang ang kapilya ng Dela Paz ay nagkaroon ng sarili
nitong pari sa katuhan ni Benito Pagsuyuin. Dito nagsimula ang paglulunsad
ng mga regular na pagdaraos ng misa at pagbibigay ng iba’t ibang mga
sakramento sa bawat isang nasasakupan ng kapilya ng Dela Paz. Angeles, sa tulong ni Inhinyero
Rogelio A. Karamihan at pagsubaybay ni Monsignor Estanislao Cabrera, kura
paroko ng San Isidro Labrador, nagkaroon ng mga pagkilos upang gawing
ganap na parokya ang kapilya ng Dela Paz noong 1967. Pinagtibay ni Obispo
Pedro N. Bantigue ang kahilingan matapos ipabatid dito na may 15,000 na
mamamayan sa Dela Paz ang makikinabang dito. Noong Enero 24, 1968,
pinasinayaan ang nagsasariling parokya ng Nuestra Señora Dela Paz y
Buenviaje. Ito na rin ang naging araw ng kapistahan ng parokya. Ang Parokya ng Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje ay ang kaunaunahang parokya sa Biñan na naipangalan sa Mahal na Birhen. Taong 1987-1988 nang mapagpasiyahan na ang maliit na istruktura ng
simbahan na yari sa “stone and mortar” ay mapalaki sapagkat mas
dumarami na ang mga mananampalataya sa Dela Paz. Taong 1990-1991
nang matapos ang bagong istruktura ng simbahan na may wangis sa pre-war
Katedral ng Antipolo. Taong 1993 nang ang katabing lote ng simbahan na pag-aari ng
Cerdeña Family na may sukat na 852 square meters ay napagtulungan ng
mga mananampalataya upang mabili. Ito ang naging Bahay Pari o kumbento
ng simbahan hanggang sa kasalukuyan. Taong 2016 idineklarang Barangay Historical Site (Barangay Ordinance
04-2016, iniakda ni Kag. Bryan Jayson T. Borja) at Local Historical Site (City
Ordinance 04-2016, iniakda ni Kon. Jonalina A. Reyes) ang simbahan ng Dela
Paz dahilan sa mga kaugnayan nito sa kasaysayan ni Rizal. Nagpasinaya
noong Disyembre 30, 2016 ng monumento ng Batang Rizal ang Pamahalaang
Barangay ng Dela Paz sa bakuran ng simbahan kaugnay sa mga deklarasyon. Ang monumentong yari sa bato ay likha ni Arnold Vergara. Noong 2018, nagdiwang ng 50th Canonical Er****on Anniversary ang
parokya. Kasabay ng pagdiriwang na ito at sa bisa ng City Resolution 19-2018
idineklara at kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan ang orihinal na
imahen ng patrona ng simbahan bilang “Reyna ng Biñan” – ang imahen ay
kinoronahan ni Obispo Buenaventura Famadico noong Enero 21, 2018. Isa
ring imahen ng Birhen ng Dela Paz na yari sa bato (gawa rin ni Arnold
Vergara at donasyon ng Angeles Family) ang pinasinayaan sa bakuran ng
simbahan sa kaparehas na araw. Kasabay ng pagdiriwang na ito ang
makasaysayang kauna-unahang pagdalaw ng opisyal na imahen ng Birhen ng
Antipolo sa mga mananampalataya ng Dela Paz. Sa kasalukuyan, pinagpaplanuhan ng pamunuan na maisaayos at mas
mapalaki ang simbahan. Sa tulong at awa ng Diyos, ang mga nais na ito ay
matutupad sa tamang panahon. TALAAN NG MGA NAGING KURA PAROKO
1968 Rev. Benito Pagsuyuin
1971 Rev. Pedro Silva
1974 Rev. Santiago Espeleta
1979 Rev. Nicanor Domingo
1981 Rev. Agustin Espillardo
1983 Rev. Ramon Carillo
1984 Rev. Rolando Abarca
1986 Rev. Rudy Lorico
1987 Rev. Jeremias Arcos
1987 Rev. Benjamin Esquinas
1989 Rev. Eduardo Garcia
1992 Rev. Zaldy Fortuno
1994 Rev. Anthony Ricafort
1997 Rev. Alberto Ciolo
1999 Rev. Antonio Pablo Hidalgo
2002 Rev. Frederick Yapana
2007 Rev. Rizaldy Urgena
2013 Rev. Isagani Pasawa
2019 Rev. Raul Matienzo