29/08/2026
Wala pong misa sa ating kapilya ngayon, August 29, 2026. Mag ingat po lahat at tayong manalangin na umayos ang panahon.
ORATIO IMPERATA LABAN SA MASAMANG PANAHON AT PAGBAHA
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Panginoong Diyos na Makapangyarihan,
Kami ay lumalapit sa Iyo nang may pagtitiwala at kababaang-loob.
Sa gitna ng malakas na ulan, hangin, at pagbaha na nararanasan ng aming bansa,
hinihiling namin ang Iyong awa at paglingap.
Ilayo Mo kami sa kapahamakan.
Pigilan Mo ang malakas na ulan at hangin.
Iligtas Mo kami sa baha, pagguho ng lupa, pagkalunod, at lahat ng uri ng sakuna.
Ingatan Mo ang aming mga tahanan, paaralan, ospital, at lahat ng lugar ng aming pamumuhay.
Pagkalooban Mo kami ng sapat na ulan para sa aming mga pananim at pangangailangan,
ngunit iligtas Mo kami sa labis na ulan na nagdudulot ng pinsala.
Bigyan Mo ng lakas at tapang ang aming mga rescuer, frontliner, at lahat ng tumutulong.
Aliwin Mo ang mga nawalan ng mahal sa buhay, tahanan, at kabuhayan.
Pagkalooban Mo kami ng pusong handang magmalasakit at magtulungan.
Iniaalay namin sa Iyo ang aming sarili, pamilya, at bayan.
Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon,
kasama ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan.
Amen.
Mahal na Birheng Maria, Ina ng Laging Saklolo - ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel - ipagtanggol mo kami sa lahat ng panganib.
San Roque at San Isidro Labrador - mga patron laban sa sakuna at para sa ani, ipanalangin ninyo kami.
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.