02/08/2026
HAPPY PRIEST DAY!
Sa araw na ito, buong puso naming ipinagdiriwang at pinasasalamatan ang lahat ng aming mga pari na buong katapatan at pagmamahal na naglilingkod sa Simbahan at sa Sambayanan ng Diyos.
Lubos naming ipinagdarasal na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng kalakasan, karunungan, mabuting kalusugan, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ang inyong banal na misyon bilang mga pastol ng Kanyang kawan.
"Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa."
— Juan 10:11
Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod, paggabay, at pagmamahal sa aming parokya. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Diyos at gabayan sa inyong bokasyon, sa pamamagitan ng panalangin at halimbawa ni San Jose, ang Manggagawa, huwaran ng katapatan at mapagkalingang ama.