23/12/2025
ANG PAGSILANG NG PAG-ASA
Panunuluyan 2025
Ang lahat ay inaanyayahan na saksihan ang pagtatanghal ng "Panunuluyan" na inihanda ng Parish Youth Commission, isang pagsasadula ng paglalakbay nina Maria at Jose sa gitna ng unos at baha ng ating panahon -isang paanyaya sa pagtanggap, malasakit, at pag-asa na muling isinisilang sa bawat pusong bukas.
Ito ay gaganapin sa ganap na ika-8 ng gabi bago magsimula ang Banal na Misa ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon.