San Pedro Apostol ad Vincula Parish

San Pedro Apostol ad Vincula Parish The official page of San Pedro Apostol ad Vincula Parish - Biñan City
Contact us: (049)511-9199

Annual Parish Formation | Agosto 21, 2026Noong Agosto 21, 2026, ganap na ika-5:00 ng hapon, matagumpay na isinagawa ang ...
24/08/2026

Annual Parish Formation | Agosto 21, 2026

Noong Agosto 21, 2026, ganap na ika-5:00 ng hapon, matagumpay na isinagawa ang ating Annual Parish Formation, isang makabuluhang pagkakataon para sa patuloy na paghubog sa pananampalataya, paglilingkod, at pagkakaisa ng ating mga parish workers.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng parish workers na naglaan ng kanilang oras, panahon, at puso upang makibahagi sa gawaing ito. Ang inyong patuloy na paglilingkod ay isang mahalagang bahagi ng buhay at misyon ng ating parokya.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Bro. Jared Almazora, ang ating guest speaker, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, pananampalataya, at mga makabuluhang mensahe na nagsilbing inspirasyon at gabay sa ating patuloy na paglilingkod.

Nawa’y ang mga aral at inspirasyong ating natanggap ay patuloy nating maisabuhay sa ating paglilingkod sa Diyos at sa ating kapwa.

🙏 “Patuloy tayong hubugin upang maging mga tapat na lingkod ni Kristo.”

‎"𝐊𝐚𝐫𝐚𝐤𝐨𝐥 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐨𝐝𝐚" | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔‎‎Sa saliw ng musika at masiglang hakbang ng Karakol, sama-sama nating ipinagdiriwa...
11/08/2026

‎"𝐊𝐚𝐫𝐚𝐤𝐨𝐥 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐨𝐝𝐚" | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔

‎Sa saliw ng musika at masiglang hakbang ng Karakol, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐚𝐝 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚. Sa bawat indak at paglakad, dama ang buhay na pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal ng bawat deboto sa ating Pintakasing si San Pedro Apostol.

‎Kasama ang ating mga kapatid sa pananampalataya, ating sinamahan at pinarangalan ang Mahal na Patron sa pamamagitan ng Karakol at Pagoda, dala ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingang buong pusong inihahandog sa Panginoon.

‎Sa sama-samang paglalakbay ng ating pamayanan, maging patuloy na buhay ang ating pananampalataya at pagkakaisa. Sa bawat hakbang at indak, nawa’y manatili sa ating mga puso ang pag-ibig sa Diyos at debosyon kay San Pedro Apostol, habang sama-sama nating ipinagkakatiwala sa Panginoon ang ating mga sarili, pamilya, at buong pamayanan.

"𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐌𝐚𝐬𝐬" | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝟗𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐬𝐬) ‎‎Sa diwa ng pagkakaisa at pananampalataya, ating ipinagdiwang ang Daki...
11/08/2026

"𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐌𝐚𝐬𝐬" | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝟗𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐬𝐬)

‎Sa diwa ng pagkakaisa at pananampalataya, ating ipinagdiwang ang Dakilang Kapistahan ni San Pedro Apostol ad Vincula, ang ating Mahal na Patron.

‎Bilang bahagi ng maringal na pagdiriwang, isinagawa ang Concelebrated Mass sa pangunguna ni 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐑𝐞𝐯. 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐞𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐉𝐫., 𝐃.𝐃., kasama ang mga pari at buong pamayanang nakikiisa sa pagdiriwang. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang mga aral mula sa buhay ni San Pedro Apostol ad Vincula, isang saksi ng matatag na pananampalataya, katapatan, tapang, at pagmamahal sa Panginoon sa bawat yugto ng kanyang paglilingkod.

‎Sa bawat panalangin, awit, at pakikiisa ng mga pari at deboto, muling nasilayan ang buhay na pananampalataya ng ating pamayanan. Sa harap ng ating Mahal na Patron, nawa’y patuloy tayong maging matatag sa pananampalataya, tapat sa paglilingkod, at handang tumugon sa tawag ng Panginoon.

‎"𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐚𝐝 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚" | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ‎(𝟔𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐬𝐬)‎Sa diwa ng pagkakaisa at pananampala...
11/08/2026

‎"𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐚𝐝 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚" | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ‎(𝟔𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐬𝐬)

‎Sa diwa ng pagkakaisa at pananampalataya, ating ipinagdiwang ang Dakilang Kapistahan ni San Pedro Apostol ad Vincula, ang ating Mahal na Patron. Ang pagdiriwang ay sinimulan sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐚𝐧 𝐃𝐚𝐥𝐞 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚, 𝐎𝐏,na naghatid ng mensahe na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pananampalataya at tapat na pagsunod sa Panginoon.

‎Sa banal na pagdiriwang na ito, sama-sama nating inialay ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingan sa Panginoon, sa patnubay at pamamagitan ni San Pedro Apostol. Nawa'y magsilbi siyang huwaran ng matatag na pananampalataya at tapat na paglilingkod sa Diyos, upang patuloy nating maisabuhay ang mga aral ng ating pananampalataya sa araw-araw.

Nais po naming ipaabot ang aming malalim na pasasalamat sa Sanlakbay de Canlalay Mamamasan ng Biñan sa kanilang walang-s...
11/08/2026

Nais po naming ipaabot ang aming malalim na pasasalamat sa Sanlakbay de Canlalay Mamamasan ng Biñan sa kanilang walang-sawang pagmamalasakit at paghahatid ng mainit na pagkain para sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha dito sa ating Parokya.

Ang biyaya at tulong na ito ay naging posible rin sa pakikipagtulungan at ugnayan ng Balangay ng Tanikala ni San Pedro at ng Wawa Chapel.

Inaanyayahan po ang lahat na patuloy na manalangin at manatiling nag-iingat. Kung ligtas po ang pagpunta sa ating simbah...
08/08/2026

Inaanyayahan po ang lahat na patuloy na manalangin at manatiling nag-iingat. Kung ligtas po ang pagpunta sa ating simbahan, sama-sama po tayong manalangin at humingi ng gabay, lakas, at proteksyon sa Panginoon.

Patuloy tayong manalangin para sa kaligtasan ng bawat pamilya at ng buong pamayanan.

Panginoon, samahan at ingatan Mo po kami sa gitna ng mga pagsubok.

Happy Priest Day!Maligayang pagbati ng araw ng mga pari sa ating minamahal na Kura Paroko Reb.Pd. Leon Duran Jr. Taos-pu...
04/08/2026

Happy Priest Day!

Maligayang pagbati ng araw ng mga pari sa ating minamahal na Kura Paroko Reb.Pd. Leon Duran Jr. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Diyos sa kaloob ng inyong bokasyon at sa inyong tapat na paglilingkod sa ating Parokya at sa aming pamayanan.

Sumumpa ang Panginoon at hindi magsisisi: ‘Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
Awit 110:4

01/08/2026

MISA KONCELEBRADA | AUGUST 1, 2026

31/07/2026

LIVE MASS | AUGUST 1,2026

‎"𝑩𝒊𝒔𝒑𝒆𝒓𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒑𝒊𝒔𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏"‎‎𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐚𝐝 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧‎‎Sa bisperas ng dakilang pagdiriwang ng kapistahan, b...
31/07/2026

‎"𝑩𝒊𝒔𝒑𝒆𝒓𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒑𝒊𝒔𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏"

‎𝐒𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐚𝐝 𝐕𝐢𝐧𝐜𝐮𝐥𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

‎Sa bisperas ng dakilang pagdiriwang ng kapistahan, buong pananampalatayang nakiisa ang sambayanan sa banal na prusisyon ni San Pedro Apostol ad Vincula. Sa bawat hakbang, liwanag ng kandila, at taimtim na panalangin, ipinamalas ang malalim na debosyon at pagmamahal ng bawat mananampalataya sa ating mahal na pantron.

‎Nawa'y ang banal na paglalakbay na ito ay maging paanyaya sa bawat isa na higit pang lumalim sa pananampalataya at manatiling tapat sa Panginoon, sa pamamagitan ng halimbawa ni San Pedro Apostol ad Vincula.

‎San Pedro Apostol ad Vincula, ipanalangin mo kami.

Address

Saint Rose Village 2, Brgy. Malaban
Binãn
4024

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Pedro Apostol ad Vincula Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share