13/07/2026
Ruptured Ectopic Pregnancy + Tested HIV
positive during her hospital stay, with no known source of exposure pinagaling ng mahal na Panginoong Hesus!
Ang pinakamataas na pagpupuri, pagsamba, at pagdadakila ay tanging sa ating Pinakamamahal na Panginoong Hesus po lamang, Ako po ay nagpapaabot ng paggalang at pagrespito sa ating Beloved parents in the Lord, Beloved Honorable Pastor Wilde E. Almeda, At sa di malilimutang turo't aral ng ating Beloved Asst. Pastor Lina C. Almeda, Pagbati po sa lahat ng mga Beloved Children at relatives. Isang mapagpalang araw po sa lahat!
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating pinakamamahal na Panginoong Hesus sa lahat ng kanyang himala sa aking buhay. Share ko lang po sa inyo mga minamahal, Noong umaga ng Linggo, June 21, 2026, tinulungan po ako ng aking mga kasama dahil nahihirapan na ako sa matinding sakit ng aking puson at tiyan, at dinudugo rin po ako. Akala ko po ay normal lang iyon, mga minamahal, pero hindi talaga nawala ang sakit hanggang sa nahirapan na akong huminga at nawalan na ako ng pulso. Patuloy naman po akong ipinag-pray at inilayhands ng ating Beloved Preacher Babbie kumakalma ang sakit tuwing ginagawa iyon, pero naroon pa rin talaga ang matinding hantíng sa loob ng aking tiyan. Dahil dito, nagpasya ang aking beloved parents na dalhin na ako sa ospital upang mapatingnan, lalo na't isang buwang buntis po ako, mga minamahal. Hindi nagtagal ay dinala nga ako sa ospital, ngunit walang nakitang malinaw na findings ang doktor. Patuloy lang niya akong pinainom ng pampakapit para sa baby dahil baka normal na pagdurugo lang daw at maaagapan pa. Subalit, sinabi niya na kailangan ko talagang magpa-ultrasound upang malaman kung ano ang nangyayari sa loob at kung bakit sumasakit ang aking puson at tiyan. Na-admit po ako sa ospital. Dumating ang Lunes at Martes na patuloy kong tinitiis ang matinding sakit, pero tuwing pumupunta ang ating beloved preacher sa ospital para patungan ako ng kamay, kumakalma po ang sakit. Noong Miyerkules, June 24, sinabi ng doktor na kailangan ko nang magpa-ultrasound sa Ormoc. Sa awa't habag ng Mahal na Panginoon, nakarating kami sa Ormoc at na-ultrasound ako. Ngunit ang sabi ng doctor na nag-ultrasound sa akin, ito ay isang Ruptured Ectopic Pregnancy. Ibig sabihin, pumutok na ang pagbubuntis sa labas ng matris at kumalat na ang dugo sa loob ng aking tiyan. Maaari daw po akong malason (magka-infeksyon) at kinailangan ang agarang operasyon.
Pagkarating namin sa ospital, ipinaliwanag ng doktor sakin na kailangan talaga akong operahan agad at kailangang makahanap ng apat na bag ng dugo para isalin sa akin. Nandoon talaga ang akin ang takot dahil wala kaming pera sa mga oras na iyon at wala pa ring mahanap na dugo. Ngunit kahit wala pa ang mga ito, pinilit pa rin nila akong operahan dahil sa kritikal kong kalagayan.
Habang nasa loob ako ng operating room, andyan talaga ang pangamba at takot na baka hindi na ako magising pagkatapos ng operasyon. Subalit, mas naniniwala ako sa pangako ng Panginoon na hindi Niya tayo pababayaan, lalo na sa mga oras na kailangan natin Siya. Patuloy akong nagdarasal, nagpupuri, at umiiyak sa Panginoon na sana ay maging matagumpay ang gagawing operasyon.
Sa awa at habag ng Mahal na Panginoon, naging matagumpay ang aking operasyon. Glory, Glory to God po!
Marami ang nagsabi na napakaswerte ko at nakaligtas ako. Habang nasa loob pala kasi ako ng operating room, pinapapirma na ang aking love ones ng isang waiver dahil wala talagang kasiguraduhan kung magiging matagumpay ang operasyon.
Kinaumagahan ng Huwebes, sinalinan ako ng isang bag ng dugo at nagpatuloy ako sa aking pagpapagaling. Palagi akong kinakamusta ng doktor at kinukunan ng vital signs—sa tulong ng Panginoon ay maayos naman ang lahat. Kinunan din ako ng dugo para sa CBC. Noong tanghali ng June 26, laking gulat nalang namin dahil inilipat ako sa isang private room o isolation room. Nagtaka kami kung bakit at kung ano ang rason, pero sabi ng nurse ay ang doktor na lamang daw ang magpapaliwanag. At iyon nga, noong Sabado ng umaga, pumunta sa akin ang doktor at ipinaliwanag kung bakit ako naka-isolate dahil nag-positibo raw kasi ako sa HIV, at iyon ang dahilan kaya kami inilipat para na rin sa aming privacy.
Grabe ang iyak ko sa mga oras na iyon at pagtataka kung bakit ako nagkaroon ng ganoong sakit at kung saan ko ito nakuha. Sabi ng doktor, huwag daw kaming masyadong mag-alala dahil hindi naman iyon ganoon kabilis makahawa kahit magsasalo sa pagkain. Pero umiyak pa rin ako nang husto dahil alam kong walang kagalingan ang sakit na iyon. Kaya sinabi ng doktor na kung wala naman talaga akong kasaysayan (history) ng ganoong sakit, muli nilang ipapasuri (test) ang aking dugo dahil baka sa isinaling dugo sa akin nakuha ang virus. Napakasakit ng iyak ko noon sa Mahal na Panginoon. Tumawag kami sa ating mga manggagawa upang magpa-pray over at magpa lay hands sa pamamagitan ng tawag sa telepono. At dahil nasa private room kami, walang oras na hindi kami nanalangin, nagpuri, at nagpakumbaba sa Mahal na Panginoong Hesus na sana ay maghimala Siya sa aking buhay. Talagang sinabi ko sa Mahal na Panginoon, "Mahal na Panginoon, kung totoo pong buhay Ka na aming sinasamba at pinaglilingkuran, mag-negatibo po sana ang resulta ng sakit na iyon."
Noong Martes ng umaga, bumalik ang doktor na nag-opera sa akin at sinabi, "Huwag mo na itong isipin at alisin mo na ito sa iyong isipan ha, dahil nag-negatibo ka na sa HIV." Grabeng iyak ko talaga noong oras na iyon dahil napakabuti ng Mahal na Panginoon tunay na sumasagot siya mga dalangin. Sa una't panalangin ng ating ginagalang na Mahal na Pastor Wilde E. Almeda, hindi Niya talaga tayo bibiguin. God never fails po, mga minamahal, lalo na kung magpapakumbaba tayo sa Kanyang harapan. Hindi man karapat-dapat, ngunit naroon ang Panginoon at naghimala. Glory, Glory to God! Naiiyak din ang doktor dahil isipin ninyo, mga minamahal, mula sa kritikal na kalagayan ko sa operating room, walang dugong maisalin agad, at nag-positibo pa sa HIV dahil sa paunang pagsusuri ng dugo, ngunit sa himala ng Mahal na Panginoong Hesus, lahat ng iyan ay naging matagumpay, nagnegative at nacleared. Glory, Glory to God po! Tinanong pa nga ako ng doctor kung Ano ba ang religion ko, ang sagot ko "Jesus Miracle Crusade International Ministry" , namangha lang daw siya kasi napakaswerte ko at binigyan pa ng buhay , dahil sa lahat raw ng nagkritikal na kaparehas sa aking kalagayan ako lang ang naka survive, Praise God, Hallelujah!
Hindi man karapat-dapat, andami mang pagkukulang sa Mahal na Panginoon, ngunit andyan pa rin siya lagi, Tunay na walang imposible sa Mahal na Panginoon. Maging sa aming bayarin hospital bills andyan ang Mahal na Panginoon nagprovide, wala kaming nabayaran ni piso. Glory, Glory to God!
Ang lahat ng kapurihan, pagsamba, pagpaparangal at pagdadakila at tanging sa ating pinakamamahal na Panginoong Hesus po lamang!
Hebrews 13:8 "Jesus Christ the same yesterday, today, and forever."