18/07/2026
MUNTING PAYO AT PAALALA SA MGA KAPATID NA MUSLIM
Ano daw ang hatol sa pagtangkilik o pagsali sa tinatawag na giveaway ng isang celebrity (Ivana Alawi) kapalit ng pag-Follow sa isang gambling page ?!?
MAIKLING SAGOT:
Bilang muslim, 'Yan po ay malinaw na Haram, sapagka't ang kundisyon o kapalit ay dapat mong i-Follow ang isang haram na gawain (gambling o sugal page). At 'yan ay isang pag-promote sa haram na gawain sa Islam, at ito ay ang Qimar (sugal). Haram po ang ganyang kaparaanan.
SABI NG NANGANGATWIRAN:
Ang sabi naman ni Ivana ay ilike o ifollow lang ang page (Casino Plus) at hindi naman sinabi na maglaro ng sugal. Napaka OA nyo naman !!!
SAGOT: pa rin po 'yan.
Kasi, sa ganyang paraan ay nakakatulong ka na ipromote ito at lumaganap o mag spread. Isa po 'yan sa tinatawag nila na "Marketing Strategy".
At bilang muslim, Tayo'y pinagbawalan ni Allah na makipag-tulungan sa Haram na gawain para ito'y palaguin o ipalaganap, tulad ng Qimar o sugal.
At nagkakasala ka kapag ika'y nagiging dahilan ng paglaganap ng isang haram na gawain tulad nyan (sugal).
Sabi ni Allah:
{ وَلَا تَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ}
"...huwag kayong makipagtulungan sa gawaing makasalanan at paglabag (Haram). At matakot kayo kay Allah. Katotohanan, si Allah ay mahigpit sa pagpaparusa." [Al-Máidah:2].
Kaya, unawain po Natin ang Ating Relihiyong Islam. At 'wag kalimutan ang iyong pagiging isang Muslim.
At iwasan ang higit na pagtangkilik at panggagaya sa mga Kafir (Artist/celebrity).
'Wag po ipagpalit ang iyong Relihiyon sa makamundong bagay.
Sana'y naunawaan.
PATATAGIN NAWA TAYO NI ALLAH SA PAGSASABUHAY NG ISLAM.
Ámeen ya Rabb.
✍ 𝗔𝗯𝘂 𝗛𝗮𝗻𝗲𝗲𝗻 𝗜𝗯𝗻 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗹𝗮𝗵
AnwarD’Light - Reminder