San Isidro Labrador Parish

Call Directions

San Isidro Labrador Parish This is the official page of San Isidro Labrador Parish managed by Media Ministry and SILP

04/10/2026

𝐌𝐀𝐑𝐘: 𝐎𝐍𝐄 𝐌𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑, 𝐄𝐍𝐃𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐃𝐄𝐕𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍
𝘈 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘌𝘹𝘩𝘪𝘣𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘍𝘢𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳

Come and visit us until October 7, 2026.

Bring your intentions and offer your prayers. May Mary, our loving Mother, guide our families and strengthen our faith.

Holy Mary, pray for us.











𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖: 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐄𝐗𝐈𝐇𝐈𝐁𝐈𝐓 𝐎𝐅 𝐅𝐀𝐈𝐓𝐇 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑
04/10/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖: 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐄𝐗𝐈𝐇𝐈𝐁𝐈𝐓 𝐎𝐅 𝐅𝐀𝐈𝐓𝐇 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑

𝐌𝐀𝐑𝐘: 𝐎𝐍𝐄 𝐌𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑, 𝐄𝐍𝐃𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐃𝐄𝐕𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍𝘈 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘌𝘹𝘩𝘪𝘣𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘍𝘢𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳October 4, 2026Parishioners, families, and friends...
03/10/2026

𝐌𝐀𝐑𝐘: 𝐎𝐍𝐄 𝐌𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑, 𝐄𝐍𝐃𝐋𝐄𝐒𝐒 𝐃𝐄𝐕𝐎𝐓𝐈𝐎𝐍
𝘈 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢𝘯 𝘌𝘹𝘩𝘪𝘣𝘪𝘵 𝘰𝘧 𝘍𝘢𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳
October 4, 2026

Parishioners, families, and friends, come and join us in a beautiful celebration of faith and devotion to Mama Mary. Let us gather as one family to honor the Blessed Virgin Mary through prayer, flowers, devotion, and thanksgiving. Each Marian image reminds us of the many ways Mary brings us closer to her Son, Jesus.

Bring your intentions and offer your prayers. May Mary, our loving Mother, guide our families and strengthen our faith.

Holy Mary, pray for us. See less

SEP 27, 2026 | IKA-26 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHONMABUTING BALITAMateo 21, 28-32Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon...
27/09/2026

SEP 27, 2026 | IKA-26 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

MABUTING BALITA
Mateo 21, 28-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan: “Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.’ ‘Ayoko po.’ tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayun din ang kanyang sinabi. ‘Opo’ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?” “Ang nakatatanda po,” sagot nila. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae’y mauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos. Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

SEP 20, 2026 | IKA-25 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHONPunong Tagapagdiwang: Rev. Fr. Jeffrey Enriquez, OSJMABUTING BALITA...
20/09/2026

SEP 20, 2026 | IKA-25 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Punong Tagapagdiwang: Rev. Fr. Jeffrey Enriquez, OSJ

MABUTING BALITA
Mateo 20, 1-16a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?’ “Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!’ sagot nila. At sinabi niya, ‘Kung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.’

“Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.’ Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, ‘Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

“𝑪𝒐𝒎𝒆 𝒏𝒆𝒂𝒓, 𝒎𝒚 𝒄𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏, 𝒅𝒐 𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒂𝒇𝒓𝒂𝒊𝒅.”Today, we commemorate the 180th Anniversary of the Apparition of Our Lady of ...
18/09/2026

“𝑪𝒐𝒎𝒆 𝒏𝒆𝒂𝒓, 𝒎𝒚 𝒄𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏, 𝒅𝒐 𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒂𝒇𝒓𝒂𝒊𝒅.”

Today, we commemorate the 180th Anniversary of the Apparition of Our Lady of La Salette, a sacred moment that continues to inspire hearts around the world.

May the message of Our Lady of La Salette—conversion, reconciliation, prayer, and hope—continue to guide us in our daily lives and lead us closer to her Son, Jesus Christ, and teach us to live with faith, compassion, and love.

𝑶𝒖𝒓 𝑳𝒂𝒅𝒚 𝒐𝒇 𝑳𝒂 𝑺𝒂𝒍𝒆𝒕𝒕𝒆, 𝑹𝒆𝒄𝒐𝒏𝒄𝒊𝒍𝒆𝒓 𝒐𝒇 𝑺𝒊𝒏𝒏𝒆𝒓𝒔, 𝒑𝒓𝒂𝒚 𝒘𝒊𝒕𝒉𝒐𝒖𝒕 𝒄𝒆𝒂𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒇𝒐𝒓 𝒖𝒔 𝒘𝒉𝒐 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒓𝒆𝒄𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆 𝒕𝒐 𝒚𝒐𝒖.

SEP 18, 2026 | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA BILANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETT...
18/09/2026

SEP 18, 2026 | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA BILANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETTE

SEP 17, 2026 | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA BILANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETT...
18/09/2026

SEP 17, 2026 | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA BILANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETTE

SEP 16, 2026 | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA BILANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETT...
17/09/2026

SEP 16, 2026 | PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA BILANG PAGHAHANDA SA NALALAPIT NA KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG LA SALETTE

SEPTEMBER 13, 2026 | IKA-24 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHONMABUTING BALITAMateo 18, 21-35Ang Mabuting Balita ng Panginoo...
13/09/2026

SEPTEMBER 13, 2026 | IKA-24 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong sa kanya, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka sa utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Purok 3, Carungay
Bayambang
2423

Opening Hours

Tuesday 8am - 3pm
Wednesday 8am - 3pm
Thursday 8am - 3pm
Friday 8am - 3pm
Saturday 8am - 3pm
Sunday 8am - 3pm

Telephone

+639109950162

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share