28/12/2025
DEC 28, 2025 | KAPISTAHAN NG BANAL NA MAG-ANAK, HESUS, MARIA AT JOSE
MABUTING BALITA
Mateo 2, 13-15. 19-23
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, โMagbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hanggaโt hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.โ Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyoโy dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.
Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, โTinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.โ
Pagkamatay ni Herodes, isang anghel ng Panginoon ang napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto. โMagbangon ka,โ sabi sa kanya, โiuwi mo na sa Israel ang mag-ina, sapagkat patay na ang nagtangka sa buhay ng bata.โ Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel ang mag-ina.
Ngunit nang mabalitaan niyang si Arquelao ang naghahari sa Judea, kahalili ng kanyang amang si Herodes, siyaโy natakot na pumunta roon. Muli siyang sinabihan sa panaginip, kayaโt nagtungo siya sa Galilea. Sa Nazaret sila nanirahan upang matupad ang sinabi ng mga propeta, โSiyaโy tatawaging Nazareno.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.