30/08/2026
Sunday Worship Service | August 30, 2026
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
| 𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈𝐀𝐍 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐀𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐀𝐓𝐒 |
𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐓𝐔𝐌𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐓𝐀, 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆𝐈𝐍, 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐁𝐎𝐊? -
ANO ANG ATING DAPAT NA TUGON BILANG MGA TAGASUNOD NI CRISTO SA HARAP NG MGA BANTA AT PAGSUBOK?
➳ Hindi tayo dapat matakot o mawalan ng pag-asa kapag nakakaranas tayo ng threats, persecution, at objections. Sinabi mismo ni Jesus na ang Kanyang mga tagasunod ay makakaranas ng kapighatian sa sanlibutang ito.
➳ Hindi tao ang tunay nating kalaban. Ang ating pakikipaglaban ay laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan. Kaya kailangan natin ang Diyos at ang suporta ng ating mga kapatid upang manatiling matatag sa pananampalataya.
“Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” — Juan 16:33
𝐎𝐔𝐑 𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐈𝐀𝐍 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐎𝐍𝐒𝐄 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐀𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐀𝐓𝐒
𝐈. 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐅𝐄𝐋𝐋𝐎𝐖𝐒𝐇𝐈𝐏
➳ Nang palayain sina Pedro at Juan, agad silang pumunta sa kanilang mga kasamahan at ibinahagi ang kanilang naranasan.
➳ Sa panahon ng banta at pagsubok, hindi natin kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Ang fellowship ay nagbibigay sa atin ng encouragement, strength, at suporta upang manatiling matatag sa Panginoon.
➳ Be an encourager. And be encouraged.
“Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon... Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa.” — Hebreo 10:25
𝐈𝐈. 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍
➳ Nang marinig ng mga mananampalataya ang mga banta laban kina Pedro at Juan, hindi sila nag-panic. Sama-sama silang nanalangin sa Diyos.
➳ Ang panalangin ay isang pagpapakita ng ating pagpapasakop sa Diyos. Sa halip na umasa lamang sa sariling kakayahan, inilalagay natin sa Kanya ang ating takot, pangangailangan, at sitwasyon.
➳ Prayer is an act of submission to God.
“Nang marinig ito ng mga mananampalataya, sama-sama silang nanalangin sa Diyos.” — Gawa 4:24
𝐈𝐈𝐈. 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐓𝐈𝐋𝐈 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒
➳ Sa kanilang panalangin, bumalik ang mga mananampalataya sa Salita ng Diyos at sa Kanyang mga pangako.
➳ Naalala nila na ang Diyos ang may kontrol at Siya ay soberano sa lahat ng nangyayari.
➳ Kapag tayo ay nahaharap sa problema, huwag nating hayaang ang takot ang magdikta sa ating mga desisyon. Hayaan nating ang Salita ng Diyos ang maging gabay natin.
GOD IS SOVEREIGN.
GOD IS IN CONTROL.
𝐈𝐕. 𝐌𝐀𝐆𝐖𝐀𝐆𝐀𝐒 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐊𝐒𝐈 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎
➳ Hindi nila ipinanalangin na mawala lamang ang kanilang mga banta. Sa halip, humingi sila sa Diyos ng katapangan upang ipangaral ang Kanyang Salita.
➳ Ang tamang tugon sa persecution ay hindi ang manahimik dahil sa takot, kundi ang patuloy na maging saksi ni Cristo nang may tapang at pagtitiwala sa Diyos.
➳ Pagkatapos nilang manalangin, napuspos sila ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng Salita ng Diyos.
“Bigyan ninyo ng katapangan ang inyong mga alipin upang ipangaral ang inyong salita.” — Gawa 4:29
𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍𝐆𝐄
Bilang isang church, let us devote ourselves to:
✓ FELLOWSHIP — Magpalakasan at magtulungan sa pananampalataya.
✓ PRAYER — Lumapit sa Diyos at magpasakop sa Kanyang kalooban.
✓ GOD’S WORD — Hayaan ang Salita ng Diyos ang gumabay sa ating buhay.
✓ WITNESSING — Magkaroon ng katapangan na ipahayag si Cristo sa iba.
HUWAG NATING HAYAANG ANG MGA BANTA AT PAGSUBOK ANG MAGPATALO SA ATING PANANAMPALATAYA. SA HALIP, TULARAN NATIN ANG MGA MANANAMPALATAYA SA GAWA 4:23–31—MAGKASAMA-SAMANG MANINDIG, MANALANGIN, MANATILI SA SALITA NG DIYOS, AT MAGING MATAPANG SA PAGPAPAHAYAG KAY CRISTO.
LET US IMITATE CHRIST IN OUR LIVES.
“Kayo ay mula sa Diyos at sila ay napagtagumpayan ninyo sapagkat higit siyang dakila na nasa inyo kaysa sa kaniya na nasa sanlibutan.” — 1 Juan 4:4
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐰𝐚𝐫𝐦𝐥𝐲 𝐢𝐧𝐯𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐨 𝐣𝐨𝐢𝐧 𝐨𝐮𝐫 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 | 10:00 𝐀𝐌
📍 13 Jubilee Ville, Masaya, Bay, Laguna
𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘𝐎𝐍𝐄 𝐈𝐒 𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄!
𝗧𝗢 𝗚𝗢𝗗 𝗕𝗘 𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗛𝗘 𝗚𝗟𝗢𝗥𝗬