Parish of St. Augustine, Bay, Laguna

Parish of St. Augustine, Bay, Laguna Ang Parokya ni San Agustin
Bay, Laguna
Parokya mo, Bayan Mo

20/07/2023

PABATID | PANSAMANTALANG LOKASYON NG MGA BANAL NA MISA

Sa kasalukuyan ay isinasaayos ang sahig ng ating parokya, kaya sa darating na Linggo, Hulyo 23, 2023, ay pansamantalang magbabago ang lokasyon na pagdarausan ng mga Banal na Misa. Ang mga ito ay gaganapin sa paaralan ng Liceo de Bay.

Ang mga oras ng Banal na Misa ay katulad lamang din sa mga nakasanayang oras sa ating parokya, 6:00, 7:45 at 9:15 sa umaga, at 4:00 at 5:30 naman sa hapon. Ang ikalawa at ikalimang Banal na Misa ay mayroong Facebook livestream.

Manatiling nakasubaybay sa Agustino Mass Media page para sa iba pang mga karagdagang impormasyon at mga anunsyo. Maraming Salamat po.


16/06/2022

Narito ang SCHEDULE ng mga Pagdiriwang ng Banal na Misa at iba pang mga gawain sa ating Parokya:

1. Tuwing Lunes at Sabado, ang misa ay sa ganap na ika-6:30 ng Umaga. Sa Martes hanggang Biyernes ay sa ika-5 ng Hapon. Ang lahat ng mga pagdiriwang na ito ay masusubaybayan sa Facebook livestream.

2. Sa Linggo naman ay mayroong apat na Misa: ika-6:30 at ika-8:30 sa Umaga at ika-4:00 at ika-5:30 naman sa Hapon. Ang ikalawa at ika-apat na Misa ang mayroong Facebook livestream.

3. Tuwing unang Biyernes ng buwan ay mayroong Banal na Oras sa ganap na 6:30 ng umaga. Ito rin ay masusubaybayan sa ating Facebook livestream.

4. Tuwing unang Sabado naman ng buwan ay magaganap ang misa sa Grotto ng ating parokya kung maayos ang panahon. Ito ay sa ganap na ika-6:30 ng umaga at mayroon ding Facebook livestream.

5. Tuwing ikatlong Huwebes ng buwan ay mayroong pagdiriwang sa ganap na 12 ng tanghali na siyang gaganapin sa Chapel ni San Agustin sa gilid ng simbahan. Ito rin ay masusubaybayan sa Facebook livestream.

Manatiling nakasubaybay sa Agustino Mass Media para sa mga susunod na paala-ala at anunsyo. Maraming salamat po!

Para sa mga nais magpamisa maaaring magpadala ng inyong mga donasyon sa pamamagitan ng Gcash Account na ito:
Account name: Licerio Taguilaso
Account Number: (0922 266 8677)


Address

Bay
4033

Telephone

+63495013198

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish of St. Augustine, Bay, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share