Saint Augustine-Culture and Faith - Bay, Laguna

Saint Augustine-Culture and Faith - Bay, Laguna Rooted in the faith of St. Augustine Parish Church of Bay, we share the history, traditions, and spirit that shape every Bayeño. Faith. Culture. Community.

Heritage.

17/05/2026

TRIVIA OF THE DAY

Alam mo ba na ang Laguna de Bay ay hindi talaga “bay” o “look”? 😲

Ang “Bay” sa pangalan nito ay hindi anyong tubig, kundi pangalan ng isang bayan — ang Bay, Laguna.

Kaya ang tunay na ibig sabihin ng Laguna de Bay ay:
👉 “Lawa ng Bay”
❌ Hindi “Laguna Bay”

Ano nga ba ang “bay” o “look”?
Ang bay o look ay isang bahagi ng dagat o karagatan na bahagyang napapaligiran ng lupa at may bukana pa rin sa dagat.

Halimbawa: Manila Bay

📌 Kaya tandaan:
✔️ Ang Laguna de Bay ay isang LAWA
❌ Hindi ito LOOK o BAY

Follow us for more trivia.

TRIVIA OF THE DAYAlam mo ba na ang Laguna de Bay ay hindi talaga “bay” o “look”? 😲Ang “Bay” sa pangalan nito ay hindi an...
17/05/2026

TRIVIA OF THE DAY

Alam mo ba na ang Laguna de Bay ay hindi talaga “bay” o “look”? 😲

Ang “Bay” sa pangalan nito ay hindi anyong tubig, kundi pangalan ng isang bayan — ang Bay, Laguna.

Kaya ang tunay na ibig sabihin ng Laguna de Bay ay:
👉 “Lawa ng Bay”
❌ Hindi “Laguna Bay”

Ano nga ba ang “bay” o “look”?
Ang bay o look ay isang bahagi ng dagat o karagatan na bahagyang napapaligiran ng lupa at may bukana pa rin sa dagat.

Halimbawa: Manila Bay

📌 Kaya tandaan:
✔️ Ang Laguna de Bay ay isang LAWA
❌ Hindi ito LOOK o BAY

Follow us for more trivia.

Solemnity of the Ascension of the Lord UNANG PAGBASAMga Gawa 1, 1-11Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga ApostolMahal na Teof...
17/05/2026

Solemnity of the Ascension of the Lord

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 1, 1-11

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Mahal na Teofilo:

Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kanyang hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y buhay. Napakita sya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”

Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.

Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na P**n, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
Siya’y naghahari sa sangkatauhan.

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!

Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 1, 17-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Big shout out to my newest top fans! 💎 Tess Navales, Ma Mercedes C. Alcuran, Rhezie Bautista, Genalyn CapirosoDrop a com...
17/05/2026

Big shout out to my newest top fans! 💎 Tess Navales, Ma Mercedes C. Alcuran, Rhezie Bautista, Genalyn Capiroso

Drop a comment to welcome them to our community,

PRAYER| MAY 15 Amang mapagmahal,aming ginugunita ang buhay ni San Isidro Labrador,isang huwaran ng kasipagan, kababaang-...
15/05/2026

PRAYER| MAY 15

Amang mapagmahal,
aming ginugunita ang buhay ni San Isidro Labrador,
isang huwaran ng kasipagan, kababaang-loob, at pananampalataya.

Turuan Mo kami na ialay sa Iyo ang aming mga gawain araw-araw,
maging ito man ay simple o mahirap,
at gawin ito nang may pagmamahal at katapatan.

Gaya ni San Isidro,
nawa’y matutunan naming unahin Ka sa aming buhay,
magtiwala sa Iyong providensya,
at maging bukas-palad sa pagtulong sa kapwa.

Pagpalain Mo ang aming hanapbuhay,
ang aming mga pamilya,
at ang lahat ng nagsisikap para sa kanilang kinabukasan.

Ito po ang aming dalangin,
sa tulong ng Mahal na Birheng Maria
at ng patron naming si Saint Augustine of Hippo.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon.

Amen.

SAINT OF THE DAY | SAN ISIDRO LABRADORToday, we honor Saint Isidore the Farmer, a simple and faithful laborer whose life...
15/05/2026

SAINT OF THE DAY | SAN ISIDRO LABRADOR

Today, we honor Saint Isidore the Farmer, a simple and faithful laborer whose life reminds us that holiness can be found in our daily work.

Si San Isidro ay isang magsasaka na namuhay nang may malalim na pananampalataya sa Diyos. Bago siya magtrabaho sa bukid, inuuna muna niya ang panalangin—patunay na ang Diyos ang sentro ng kanyang buhay.

Kahit sa gitna ng kahirapan, hindi siya nawalan ng tiwala sa Panginoon. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kanyang kabutihan, kasipagan, at pagtulong sa kapwa. May mga kuwento rin na ang mga anghel ang tumutulong sa kanyang gawain habang siya ay nananalangin.

Ipinapaalala sa atin ni San Isidro na ang bawat gawain, gaano man kasimple, ay maaaring ialay sa Diyos.

Nawa’y matutunan nating pagsamahin ang panalangin at paggawa sa ating araw-araw na buhay.

Big shout out to my newest top fans! 💎 Ma Mercedes C. Alcuran, Genalyn CapirosoDrop a comment to welcome them to our com...
13/05/2026

Big shout out to my newest top fans! 💎 Ma Mercedes C. Alcuran, Genalyn Capiroso

Drop a comment to welcome them to our community,

🙏 May 13 | Feast of Our Lady of FatimaAmang mapagmahal,sa pagdiriwang namin ng Mahal na Birhen ng Fatima,ipinaaalala Mo ...
13/05/2026

🙏 May 13 | Feast of Our Lady of Fatima

Amang mapagmahal,
sa pagdiriwang namin ng Mahal na Birhen ng Fatima,
ipinaaalala Mo sa amin ang kahalagahan ng panalangin, pagsisisi,
at pagbabalik-loob sa Iyo.

Tulungan Mo kaming maging tapat sa aming pananampalataya,
na sa gitna ng mga pagsubok ay manatili kaming matatag
at patuloy na magtiwala sa Iyong awa at pag-ibig.

Sa pamamagitan at tulong ng Mahal na Birhen ng Fatima
at ng patron naming si San Agustin,
turuan Mo kaming magmahal, magpatawad, at maglingkod
nang may kababaang-loob at pusong dalisay.

Ito ang aming dalangin,
sa ngalan ni Hesus.

Amen.

May 13 | Our Lady of FatimaAng Mahal na Birhen ng Fatima ay nagpakita sa tatlong batang pastol sa Fatima, Portugal noong...
13/05/2026

May 13 | Our Lady of Fatima

Ang Mahal na Birhen ng Fatima ay nagpakita sa tatlong batang pastol sa Fatima, Portugal noong 1917—sina Lucia, Jacinta, at Francisco. Sa Kanyang mga pagpapakita, ipinahayag Niya ang mahalagang mensahe ng panalangin, pagsisisi, at pagbabalik-loob sa Diyos.

Hinimok Niya ang lahat na magdasal ng Santo Rosaryo araw-araw para sa kapayapaan ng mundo at kaligtasan ng mga kaluluwa. Ipinakita rin Niya ang kahalagahan ng sakripisyo at pagtitiwala sa awa ng Diyos sa gitna ng mga pagsubok.

Ang mensahe ng Fatima ay nananatiling buhay hanggang ngayon—isang paanyaya sa atin na magbalik-loob, magpatawad, at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

🙏 Nawa’y maging gabay sa atin ang Mahal na Birhen ng Fatima tungo sa tunay na pananampalataya at kapayapaan.

May 12 PrayerAmang mapagmahal,sa araw na ito, ginugunita namin sina San Nereo at San Akileo,mga lingkod Mong naging tapa...
12/05/2026

May 12 Prayer

Amang mapagmahal,
sa araw na ito, ginugunita namin sina San Nereo at San Akileo,
mga lingkod Mong naging tapat hanggang wakas.

Turuan Mo kami na talikuran ang anumang masama,
at piliin ang landas ng kapayapaan, katotohanan, at pananampalataya.
Palakasin Mo ang aming loob na manatiling matatag
kahit sa gitna ng pagsubok at paghihirap.

Nawa’y maging huwaran namin ang kanilang katapangan at katapatan,
upang sa aming buhay ay maipahayag namin ang Iyong pag-ibig.

Ito ang aming dalangin,
sa tulong ng Mahal na Birheng Maria
at ng Patron naming si San Agustin,
sa ngalan ni Hesus.

Amen.

Address

San Agustin
Bay
4033

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Augustine-Culture and Faith - Bay, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share