01/05/2026
Yung verse na ‘to, sinasabi ni Paul dito na kahit gaano kabigat yung pinagdadaanan natin ngayon, hindi ito makukumpara sa magandang plano ni God para sa atin in the future. Mahirap man ngayon, pero hindi rito nagtatapos yung story mo. Yung suffering natin ngayon, pansamantala lang. Pero yung “glory” na sinasabi rito—yung blessings, peace, at joy na ibibigay ni God—sobrang worth it if we trust Him, to the point na mapapa isip ka na “ah, kaya pala nangyari yun.”
Nahihirapan tayo, dahil may purpose si God sa buhay natin. Hindi sayang yung pain, hindi sayang yung pag-iyak mo. May ginagawa si God behind that. Hindi man natin napapansin, pero kumikilos Siya sa ating mga buhay. Sa mga araw na pagod ka na—sa school, sa bahay, sa life in general—palagi mo lang i-remind ang sarili mo na, “Lilipas din ‘to.” Hindi ibig sabihin na madali na agad, pero you choose to trust God sa mga planuhin Niya sa ating buhay. Tuloy ka lang, step by step.
Little reminder na hindi ka nag-iisa, at hindi ka pinapabayaan ni God. Yung pinagdadaanan mo ngayon ay lilipas din 'yan, hindi tayo ilalagay ni Lord sa isang sitwasyon na hindi natin kayang lutasin. Darating yung time na masasabi mo rin, “Buti na lang hindi ako sumuko.” So keep going, kahit mahirap—kasama mo si God sa bawat step ng iyong buhay.