02/07/2025
Naalala ko pa nung nasa abang kalagayan pa ang aming gusaling sambahan. Pinagtatawan dahil butas-butas ang bubong, tagpi-tagpi ang dingding. Basag basag ang salamin ng bintana. Kapag umulan sa labas pati loob pumapatak din ang ulan. Kapag bumabagyo naglalagay kami ng tukod para lang huwag tangayin ng malakas na hangin. Hanggang sa dumating ang napakalakas na bagyo (EMONG) at tinangay ang buong bubong ng dati at nasa abang kalagayan na kapilya. Pinagtatawan ulit kami ng mga tao lalo na mga mang uusig sa Iglesia, na ang sabi nila wala na daw kami mapagdadausan ng pagsamba dahil nagiba na ang aming dati at abang gusaling sambahan. Sa pangunguna ng mga matatandang maytungkulin kasama ang mga kapatid ay sinunod namin ang payo ng mga matatandang Ministro at maging ng aming Tagapangasiwa. โMAGPANATA KAYO MGA KAPATIDโ. Hindi nagtagal pinakinggan ang aming ipinagpanata, sa atas ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan, dumating ang engineering department ng INC sa aming lugar at nagsiyasat. At sa pasiya din ng aming Namamahala ay pinatayuan kami ng isang maayos at magandang bahay sambahan. Hanggang ngayon po ay nakatindig parang hindi kumukupas at laging bago sa paningin. Maraming salamat po sa aming Tagapamahalang Pangkalahatan ang Kapatid na EDUARDO V. MANALO sapagkat sila ang kinasangkapan para matayuan kami ng isang maayos at magandang gusaling sambahan. Ngayon po ay nagdaraos ng 14 taong anibersaryo mula sa kaniyang pagkakatatag. Happy 14th Year Annivesary mga kapatid sa Lokal Ng Santiago. Sa Diyos ang lahat ng kapurihan! ๐ฎ๐น๐๐๐ฅฐ