Christian Gospel Baptist Church of Batangas Inc.

Christian Gospel Baptist Church of Batangas Inc. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Christian Gospel Baptist Church of Batangas Inc., Religious organisation, Villa Florentina, Manghinao, Bauan.

"To EVANGELIZE our community and beyond with the gospel of Christ; to ENCOURAGE one another to the church membership; to EDIFY one another to Christ-like maturity; to EQUIP one another for excellent service; in order to EXALT Christ the Messiah."

Daily Devotion August 26, 2026WednesdayBro. BrydonLeviticus 24Key verses: Leviticus 24:2Iutos mo sa mga anak ni Israel n...
25/08/2026

Daily Devotion
August 26, 2026
Wednesday
Bro. Brydon

Leviticus 24

Key verses: Leviticus 24:2
Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan.

Guide questions:
1. Anong dapat gawin sa ilawan sa tabernakulo na nagpapakita na ang presensya, pagsamba at paglilingkod sa Dios ay dapat nagpapatuloy ayon sa ating key verse?
2. Anong kasalanan ang makita natin ayon sa vv.10-12?
3. Anong hatol sa kasalanang ito ayon sa vv.13-16?

Sa Leviticus 24, itinuro ng Diyos ang tungkol sa patuloy na ilaw, tinapay sa tabernakulo, paggalang sa Kanyang pangalan, at makatarungang pamumuhay. Ipinapakita ng kabanata na ang Diyos ay banal at makatarungan, kaya ang Kanyang mga anak ay dapat mamuhay nang may katapatan, paggalang, at pagsunod.

Good morning po and have a blessed day ahead sa bawat isa.

Daily DevotionAugust 25, 2026Tuesday Bro. Romel Para sa mga taga-CGBC na hinirang ng Diyos at tapat na kapatid kay Krist...
24/08/2026

Daily Devotion
August 25, 2026
Tuesday
Bro. Romel

Para sa mga taga-CGBC na hinirang ng Diyos at tapat na kapatid kay Kristo. Good Morning sa inyong lahat! Basahin po natin ang Leviticus 23.

"And Moses declared unto the children of Israel the feasts of the Lord." — Leviticus 23:44

Inilalatag ng Levitico 23 ang banal na kalendaryo ng Diyos, na nag-uutos sa Israel na tuparin ang lingguhang Sabbath at ang pitong taunang takdang kapistahan na naghahayag ng Kanyang plano ng pagtubos.

1. Kailan ang araw ng Sabbath, ayon sa vv. 1–3?

2. Magbigay ng pitong taunang kapistahang binanggit, ayon sa vv. 4–44.

Ang talata 44 ay nagpapakitang tapat na ipinarating ni Moises sa bayan ang bawat tagubiling direktang nagmula sa Diyos.

Ang mga katotohanang ito ay para sa atin at mga susunod na henerasyon. Ang bawat mananampalataya ay may tungkuling ituro ang katapatan ng Diyos at ang mga makasaysayang gawa ng pagtubos sa ating mga kasalanan.

Kaya, bilang pagpasalamat sa Diyos, maglaan ng personal na oras sa Diyos bawat araw ng pagsamba, sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay sa Kanyang salita, para sa ating espirituwal na paglago.

1 Tesalonica 5:16–18 – "Magalak kayong palagi, manalangin kayong walang patid, magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus."

Josue 1:8 – "Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan." Muli po, Magandang Umaga and Have a blessed day ahead!

Daily Devotion August 24, 2026MondayBro. MarkBook: Leviticus 22Key verse:"Huwag kayong maghahandog ng anumang may kapint...
23/08/2026

Daily Devotion
August 24, 2026
Monday
Bro. Mark

Book: Leviticus 22

Key verse:
"Huwag kayong maghahandog ng anumang may kapintasan, sapagkat hindi ito tatanggapin para sa inyo." Levitico 22:20

Let us pray before we read the whole chapter and answer the following guide questions.

Kadalasan, nakikita natin ang ating mga sarili na nagbibigay ng tira-tirang oras, tira-tirang enerhiya, at tira-tirang pera sa Panginoon. Kung may extra time na lang tayo, tsaka lang po tayo magbabasa ng Bibliya. Kung may sukli na lang sa budget, tsaka lang po tayo magbibigay sa gawain ng Diyos. Kung hindi tayo pagod sa trabaho o sa pag fafacebook, tsaka lang po tayo mananalangin.

1-Ano po kaya ang nararamdaman ng Diyos kapag binibigyan natin siya ng tira-tira?

2-Ibinigay ng Diyos ang Kanyang kaisa-isang Anak na walang kapintasan upang tayo po ay iligtas. Bilang tugon sa napakadakilang biyayang ito, hindi ba't nararapat po lamang na ang ibigay natin pabalik sa Kanya ay ang ating buong puso, buong lakas, at pinaka the best pagdating sa ating paglilingkod?

3-Sa kasalukuyan, ibinibigay po ba natin sa Diyos ang ating best? O baka naman binibigyan lamang natin Siya ng ating mga tira-tira?

Good morning and God bless!

23/08/2026

Sunday Worship Service (August 23, 2026)

Daily Devotion August 23, 2026Sunday Ptr. Peternick Magandang umaga po sa bawat isaDalangin ko na ang bawat isa ay nasa ...
22/08/2026

Daily Devotion
August 23, 2026
Sunday
Ptr. Peternick

Magandang umaga po sa bawat isa
Dalangin ko na ang bawat isa ay nasa mabuting kalagayan.
Manalangin muna po tayo bago magbulay-bulay ng mga salita ng Panginoon.

Key Verse: Leviticus 21:8
“Thou shalt sanctify him therefore; for he offereth the bread of thy God: he shall be holy unto thee: for I the LORD, which sanctify you, am holy.”

1. Bakit mahalaga na ang mga pari ay mamuhay nang banal at hiwalay sa karumihan?

2. Ano ang mensahe ng Diyos sa pagbabawal sa mga may pisikal na kapansanan na maglingkod sa altar?

3. Bakit ipinagbawal sa mga pari na mag-asawa ng babaeng marumi o may masamang reputasyon?

4. Ano ang itinuturo ng kabanatang ito tungkol sa kalinisan at kabanalan sa paglapit sa presensya ng Diyos?

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng mga tagubilin para sa mga pari ng Israel. Ipinapakita dito na ang mga pari ay dapat maging banal at hiwalay sa karumihan. Hindi sila dapat dumalo sa mga libing maliban kung ito ay para sa pinakamalapit na kamag-anak. Ipinagbabawal din sa kanila ang mag-asawa ng babaeng masama ang reputasyon o hiwalay na sa asawa. Ang Punong Pari ay may mas mahigpit na panuntunan: hindi siya maaaring magdalamhati sa pamamagitan ng pagkapunit ng damit o pag-ahit ng ulo, at dapat siyang mag-asawa ng dalagang Israelita. Sa huli, binibigyang-diin na ang mga may kapansanan ay hindi maaaring maglingkod sa altar, upang ipakita ang kabanalan at kasakdalan na hinihingi ng Panginoon sa Kanyang mga lingkod.
Pagpalain pa nawa tayo ng Panginoon.

Daily DevotionAugust 22, 2026 Saturday Bro. JezreelMapagpalang umaga po sa ating lahat. Dalangin ko po na nasa mabuting ...
22/08/2026

Daily Devotion
August 22, 2026
Saturday
Bro. Jezreel

Mapagpalang umaga po sa ating lahat. Dalangin ko po na nasa mabuting kalagayan ang bawat isa.

Leviticus 20

Key verse: Leviticus 20:7 Sanctify yourselves therefore, and be ye holy: for I am the LORD your God. Magpakabanal nga kayo at kayo'y maging banal; sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

Guide Questions:
1. Ano ang mga utos at babala ng Diyos sa Leviticus 20, at ano ang ipinapakita nito tungkol sa Kanyang kabanalan?
2. Bakit mahalaga sa Diyos na ang Kanyang bayan ay mamuhay nang hiwalay sa masasamang gawain ng mga nakapaligid sa kanila?
3. Paano ko maisasabuhay ngayon ang panawagan ng Diyos na maging banal at mamuhay ayon sa Kanyang mga utos?
4. Ano realization mo sa ating nabasa?

To God be the Glory

21 August 2026FridayDaily DevotionBro. Raymond AbanesAng Kabanalan ay Nakikita sa Ating PamumuhayLeviticus 19Key Verse:“...
20/08/2026

21 August 2026
Friday
Daily Devotion
Bro. Raymond Abanes

Ang Kabanalan ay Nakikita sa Ating Pamumuhay
Leviticus 19

Key Verse:
“Magpakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ninyong Diyos ay banal.”— Levitico 19:2

Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang hinihingi ng Diyos sa Kanyang mga tao? Levitico 19:2
2. Paano natin dapat tratuhin ang ating kapwa? Levitico 19:18
3. Ano ang dapat nating gawin sa mga mahihirap at nangangailangan? Levitico 19:9–10

Ang Levitico 19 ay nagpapaalala sa akin na ang tunay na kabanalan ay hindi lamang nakikita sa ating ginagawa para sa Diyos kundi maging sa paraan ng pakikitungo natin sa mga tao sa paligid natin.

Maaari tayong maging aktibo sa paglilingkod, palaging dumadalo sa pagsamba, at palaging nananalangin, ngunit kung tayo naman ay mapanakit, mapanlamang, o walang malasakit sa kapwa, hindi lubos na naipapakita ang kabanalang nais ng Diyos.

Ang hamon ng kabanatang ito ay simple ngunit malalim: mamuhay tayo nang banal dahil banal ang Diyos na ating sinusunod. Sa bawat salita, desisyon, at pakikitungo natin, sikapin nating maging salamin ng Kanyang pagmamahal.

Tayo po manalangin. Panginoon, tulungan Mo akong mamuhay nang banal at maging mabuting halimbawa sa aking kapwa. Turuan Mo akong magmahal, magpatawad, maging tapat, at gumawa ng tama sa bawat araw. Nawa’y makita sa aking buhay ang Iyong pagmamahal at kabutihan. Ito po ang aking dalanin sa pangalan ni Jesus, Amen.

Daily Devotion20 August 2026ThursdayBro. Rowel Mapagpalang Umaga po sa ating lahat!Sabi nga po sa Luke 11:28 “Datapuwa't...
19/08/2026

Daily Devotion
20 August 2026
Thursday
Bro. Rowel

Mapagpalang Umaga po sa ating lahat!

Sabi nga po sa Luke 11:28 “Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.”

Tayo po ay manalangin sa Panginoon at pagkatapos ay basahin po natin ang Leviticus 18:1-30 for our devotion.

Key verse: Leviticus 18:4-5
Ye shall do my judgments, and keep mine ordinances, to walk therein: I am the LORD your God.
Ye shall therefore keep my statutes, and my judgments: which if a man do, he shall live in them: I am the LORD.

Ating Sagutin ang ilang katanungan.
1.Anu-ano ang mga bagay na sinalita ng Panginoon kay Moises na iniutos ng Dios na salitain sa bayan? talata 1-5
2.Saan pumapatungkol ang mga bagay na sinabi ng Dios na huwag gagawin, ayon sa mga talata 6-24?
3.Mula sa ating key text, bakit hindi dapat nating gawin ang mga bagay na binanggit sa mga talata?

Malinaw ang mga kaututusan ng Dios kay Moises na dapat gawin ng bayan, sinaysay ng mga talata ang mga karumaldumal at hindi nakakalugod sa Dios na mga bagay na dapat nating huwag gawin o naisin. Pumapatungkol ang mga ito sa sexual morality and family purity, na ang kautusan nga ng Dios ay huwag gawin ang mga bagay na nakita ng bayan na ginagawa sa bansa na kanilang pinaggalingan, mula sa bayan ng Egipto.
Hindi ikinatutuwa ng Dios ayon na rin sa mga talata ang sexual immorality sapagkat ito ay kasamaan nga v.17, ang homosexuality sapagkat ito ay karumaldumal nga v.22 at gayundin ay ang be******ty sapagkat kahalayhalay nga v.23.
Kaya nga po ang paalala ng Dios sa bawat isa ay gawin at ganapin ang Kanyang kahatulan at ang Kanyang palatuntunan at huwag ng balikan pa ang mga datihan, naka ugalian o mga bagay na natutunan na taliwas sa kalooban ng Dios. Sapagkat ito ay hindi magbibigay lugod sa ating Dios.

Have a Blessed Day ahead. Stay safe.
Soli deo Gloria
RMA

Daily Devotion August 19, 2026WednesdayBro. BrydonLeviticus 17Key verses: Leviticus 17:11Sapagka't ang buhay ng laman ay...
18/08/2026

Daily Devotion
August 19, 2026
Wednesday
Bro. Brydon

Leviticus 17

Key verses: Leviticus 17:11
Sapagka't ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.

Guide questions:
1. Saan dapat dalhin ang mga handog ayon sa vv.1-7?
2. Ano ang sinasabi ng verse 11 tungkol sa dugo at buhay?
3. Ano ang itinuturo ng verse 11 tungkol sa halaga ng sakripisyo para sa ating kasalanan?

Tunay po na hindi sapat na sabihin nating, “Para naman ito sa Diyos.” Mahalaga rin na sundin natin kung paano nais ng Diyos na Siya ay sambahin. Itinuturo din ng Leviticus 17:11 na ang buhay ay nasa dugo, at ibinigay ng Diyos ang dugo bilang paraan ng pagtubos sa kasalanan. Ipinapakita nito na seryoso ang kasalanan at kailangan ng kapalit para sa kapatawaran. Sa huli, ipinapakita nito ang kahalagahan ng sakripisyo ni Jesus Christ, na nagbigay ng Kanyang buhay para sa ating mga kasalanan.

Good morning po and have a blessed day ahead sa bawat isa.

Daily DevotionAugust 18, 2026TuesdayBro. RomelPara sa mga taga-CGBC na hinirang ng Diyos at tapat na kapatid kay Kristo....
17/08/2026

Daily Devotion
August 18, 2026
Tuesday
Bro. Romel

Para sa mga taga-CGBC na hinirang ng Diyos at tapat na kapatid kay Kristo. Good Morning sa inyong lahat! Basahin po natin ang Leviticus 16.

"For on that day shall the priest make an atonement for you, to cleanse you, that ye may be clean from all your sins before the Lord." — Leviticus 16:30

Inilalarawan sa Leviticus 16 ang Araw ng Pagtatubos, ang pinakabanal na araw sa taon ng mga sinaunang Israelita.

1. Anong trahedya ang nagsisilbing babala sa likod ng mga tagubiling ibinigay sa vv. 1-4?

2. Anong mga hayop ang inihandog para mismo kay Aaron, at alin naman ang dinala para sa sambayanan ng Israel, ayon sa vv. 5-12?

3. Anong mga tiyak na utos ang ibinigay ng Diyos sa mga anak ng Israel at saserdote na dapat gawin, ayon sa vv. 29-34?

Isinasaad sa Leviticus 16:30 na sa Araw ng Pagtatakip-sala, nag-aalay ang mataas na saserdote upang linisin ang mga tao, nang sa gayon ay maging lubos silang malinis mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan sa harapan ng Panginoon.

Ang mga sinaunang ritwal ay tumutukoy kay Jesu-Cristo, na lubos na naglilinis sa mga mananampalataya upang tayo ay tumayong malinis sa harap ng Diyos.

Hindi kailangan ng mga mananampalataya ng taunang mga handog na hayop dahil ibinuhos ni Hesus ang Kanyang dugo upang hugasan ang lahat ng pagkakasala.
Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, tayo ay nakatayong ganap na malinis at malaya mula sa paghatol sa harap ng Diyos Ama.

"Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;" (Romans 5:1). Muli po, Magandang Umaga and Have a blessed day!

Address

Villa Florentina, Manghinao
Bauan
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christian Gospel Baptist Church of Batangas Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Christian Gospel Baptist Church of Batangas Inc.:

Shortcuts

Share