BIBLE and UFO

BIBLE and UFO ALL LIFE FORMS ON EARTH WERE CREATED BY THE SUPER ADVANCED SCIENTISTS FROM OTHER PLANET AND MISTOOK

LaHAT ng buhay sa mundo ay nilikha ng mga mas advance na siyentipiko na nagmula pa sa ibang planeta (langit) sa pamamagitan ng pagmanipula ng DNA (genetic engineering) at dahil sa hindi pa kayang ipaliwanag ng mga primitibong tao ang prosesong ito ay tinawag nila itong himala ng paglikha at ang ating Manlilikha naman ay tinawag nilang Diyos

Ang page na ito ay bukas para sa lahat ng mga katanungan o argumento na may kinalaman sa nakapost na ito

Q #6. ANG ATING ELOHIM LANG BA ANG LUMIKHA NANG BUHAY SA MUNDO O MERON PANG NAUNA? Naniniwala kami na ang Elohim ay mga ...
22/01/2020

Q #6. ANG ATING ELOHIM LANG BA ANG LUMIKHA NANG BUHAY SA MUNDO O MERON PANG NAUNA?

Naniniwala kami na ang Elohim ay mga Dios, pero hindi Dios na spiritual na wala daw buto at walang laman. Para sa amin ang Elohim ay isang buhay gaya natin, nakikita at nahahawakan. Sila ang lumikha nang mga life forms sa Earth sa pamamagitan ng kanilang pagka-master sa “Genetic Engineering”... Sinasabi ni Rael na nadiskubre nila ang planetang Earth mahigit 25,000 YEARS AGO. Dito'y pinag-aralan nila ang lupa, ang dagat, ang atmosphere at ang lahat bago sila direktang lumapag sa Earth para ayusin at pagandahin. Pagkatapos niyon ay saka pa lamang sila lumikha nang mga buhay. Doon ay nilikha nila ang mga halaman, hayop, pati na tayong mga tao. Halos 12,000 years sa 25,000 years ago ang nagugul nilang panahon sa paglikha. Ang 12,000 years ay katumbas ng 6 days of creation na nasa book of Genesis, ibig sabihin na ang 1 day ay equivalent ng 2,000 years (Psalm 90:4; 2 Peter 3:8).

Ang mga siyentipikong Hapon ay nagsabi na ang lahat daw ng lahi nang tao sa mundo ay nagsimula humigit kumulang 13,000 years ago. Kung isusubtract sa 25K years ago ang 12K of creation, ang resulta nga ay 13,000 years. Samakatuwid, tumpak ang panahon ng unang sabihin ito ni Rael bago pa madiskubre nang mga scientists. Pero kung ganon, bakit may mga natatagpuang artifacts and fossils na hundred years or million years-old na ang edad?

Ayon sa ikatlong aklat ni Rael na “Let's Welcome the Extra-Terrestrials”,­ hindi lamang ang Elohim ang unang intelligent designers ang nagpasimulang lumikha nang buhay sa planet Earth. Bago sila dumating ay mayroon na silang mga nakitang tanda nang mga intelihenting nilalang na mas naunang lumikha kaysa sa kanila. Ibig sabihin, nagkaroon na rin pala nang advance civilizations noon mula sa ibang extraterrestrials na maaring hundred years or million years na ang nakalilipas. Posible na ang “atlantis” at “lemuria” ay nabuo na bago pa man magsimulang lumikha ang Elohim. Subalit ang mga unang dumating ay hindi nagtagal at naglaho din, at lahat ng kanilang nilikha ay nawasak. Ang sabi pa sa aklat ni Rael, nagkaroon dito ng paggunaw na maaaring sa isang natural or artificial catastrophe kaya naglaho ang mga sinaunang nilalang sa Earth.

Maaaring isipin na rin na ang dahilan ng kanilang paglaho ay dulot ng nuclear war, katulad ng pahayag ng isang batang taga-Russia na isa daw reincarnated mula sa red planet o planet Mars, ang pangalan niya ay Boris Kipriyanovich. Sinasabi niya na isa siyang Martian at driver ng isang spaceship noong Lemurian civilization period. Pagkatapos ay nagkaroon daw ng malaking digmaan or nuclear war sa Mars kaya namatay at nasira ang kanilang sibilisasyon... Ang ibig kong sabihin, posibleng ganito rin ang nangyari sa sinaunang Earth, nagkaroon din ng digmaan na pumuksa sa lahat ng buhay kaya nawasak ang kanilang pag-unlad. Ang mga naiwan nila sa lupa na ating natatagpuan ngayon ay mga katibayan na lang na totoo ang kanilang existence noon.

Isipin mo na lang na halimbawang nagkaroon bukas ng atomic war dito sa ating planeta, at lahat ng buhay sa Earth ay nalipol. Ipagpalagay na 10,000 years ang lumipas mula sa pagkagunaw ay may dumating na mga intelligent creators mula sa ibang planeta upang lumikha ng mga bagong organismo, at sila din mismo ay makakatuklas ng mga bakas ng ating sibilisasyon matapos ang mabagal na maka-siyensiyang pag-unlad; at ang mga nasabing intelligent creators na ito ay magkakaroon din ng teoryang halos mahirap paniwalaan na may ibang intelligent creators na bumaba mula sa kalawakan na nauna na sa kanila sa maka-siyensiyang paglikha, ang mga buto na kanilang matagpuan dito ang gagamitin nila bilang pruweba at malamang 25,000 years na ang edad ng mga buto. Maari din nilang matagpuan ang mas luma pang mga buto tulad ng sa buto ng mammoth, o ng buto ng dinosaurs na kahit tayo man mismo ay nakatuklas din ng mga ganito sa kasalukuyan dahil ang buhay dito sa mundo ngayon ay hindi masasabing unang pagkakalikha, o ni hindi masasabing huling pagkakalikha.

Sa madaling salita, ang mga dinosaurs at lahat ng uri nang mga hayop na halos million years ago ay hindi bahagi sa 12,000 years of creation. May advance intelligent designers din ang nag-created sa mga dambuhalang hayop na ito, subalit sa katagalan ay naglaho din ang ilan sa kanila. Ang mga bakas na lamang nila gaya nang fossils na nakalagak sa Museum ang nag-iisa nating palatandaan na nabuhay nga din sila nang napakatagal na panahon... Minsan iniisip ko na baka dahil din sa nuclear kung kaya naglaho ang mga dinosaurs, ibig kong sabihin ay nuclear mula sa creators na nag-created sa kanila. Ipinagpapalagay ko lang na baka mali ang teorya o paliwanag na dahil daw sa mga nagbagsakang bulalakaw ang naging dahilan, baka ang bulalakaw na iyon ay mga nuclear talaga. Nilipol mismo sila nang nag-created nga sa kanila. Gaya sa S***m and Gomorrah o sa panahon ni Noah ay naganap ang malaking artificial catastrophe na naglipol sa lubhang napakaraming buhay.

Gayon pa man, kung ating papansin na ang mga matataas na hayop na ito sa mga nakalipas na panahon ay hindi masasabing dulot nang isang natural na ebolusyon. Samakatuwid, walang ebolusyon. Ang theory of evolution ay malabong mangyari. Imposibleng mangyari na mula sa isda unti-unting nag-evove hanggang sumibol ang panahon ng homo sapiens. Ika nga ng Biblia, “...whatsoever God doeth, it shall be for ever: nothing can be put to it, nor any thing taken from it...” (Ecclesiastes 3:14). Walang maidadagdag at walang maaalis, ibig sabihin ang nilikha nang creators ay permanente, hindi mag-eevolve at walang mababago. Parang 'yong cyanobacteria, mahigit 3.5 billion years old hindi nagbabago, cyanobacteria pa rin. Kasi kung totoo ang evolution ay dapat nag-evolve na ‘yan. At kung totoo nga na ang tao ay galing sa unggoy o sa ebolusyon dapat wala nang unggoy ngayon? Iba kasi ang laman pagdating sa hayop, iba din naman sa mga isda at laluna na iba din sa ating mga tao... 1 Corinthians 15:39 “All flesh is not the same flesh: but there is one kind of flesh of men, another flesh of beasts, another of fishes, and another of birds.”

Ang katotohanan lang ay tunay na may lumikha sa tao, sa hayop, sa halaman at iba pa, hindi bunga ng ebolusyon. Naniniwala kaming mga Raelian na ang mga paglikha ay hindi sa iisang panahon lang nangyari at lalo na ay hindi rin sa iisang grupo nang mga intelligent designers. May kanya-kanyang panahon at magkakaibang manlilikha na ang nakarating sa Earth, subalit sa paglalang ng buhay ay hindi sila magkakaugnay bagkus iisa lang ang kanilang hinahangad na gawin, iyon ay ang lumikha.

—For more informations about the Raelian philosophy, you can download the ebook now from www.rael.org.
Wala pong bayad ito.

Ang TAO nilikha o EBOLUSYON?
07/11/2019

Ang TAO nilikha o EBOLUSYON?

Paano nagsimula ang pagkakaroon ng TAO sa Mundo... Nilikha ba ng Ispiritual na Diyos, o ng Ebolusyon, o may pangatlo pang OPSYON na kung tawagin ay GENETIC E...

May mababasa bang merong UFO sa bibliya?Siyempre WALA, pero may mababasa tayong mga deskripsyon sa bibliya na may mga UF...
01/11/2019

May mababasa bang merong UFO sa bibliya?
Siyempre WALA, pero may mababasa tayong mga deskripsyon sa bibliya na may mga UFO nga noon pa mang mga unang panahon...

Panoorin para sa mas malinaw na paliwanag....

Deskripsyon ng UFO malinaw na mababasa sa Bibliya

Ang proseso ng ELOHIMIZATION ay patuloy na umaangat.... at aangat pa.
22/08/2019

Ang proseso ng ELOHIMIZATION ay patuloy na umaangat.... at aangat pa.

https://www.youtube.com/watch?v=NC0Pe5KlOakPaano ba paghahandaan ang muling pagbabalik ng ating TAGAPAGLIKHA?Para sa aki...
27/01/2019

https://www.youtube.com/watch?v=NC0Pe5KlOak

Paano ba paghahandaan ang muling pagbabalik ng ating TAGAPAGLIKHA?

Para sa aking pagkakaunawa ay dapat ganito....

Lets prepare to welcome our creators the extra terrestrials which is mentioned in the bible as ELOHIM (those who came from the sky)

Bato-bato lang sa langit.....Papano ba manghikayat ng magiging kapanalig ang ibang relihiyon? Narito ang mga napanssin k...
13/09/2017

Bato-bato lang sa langit.....

Papano ba manghikayat ng magiging kapanalig ang ibang relihiyon? Narito ang mga napanssin kong strategy...
1. house to house bible sharing
kung ikaw halimbawa ay isang katoliko kadalasan ang target nlang tirahin ay ang paggamit ng rebulto sa pagdarasal at siyempre mayrong talata ito na ipapakita na magpapatunay na ito ay kasalanan sa Diyos?

2. Pagkatapos ng ilang paliwanagan sa bible ay iimbitahan ka na nila na umattend sa kanilang church na kung saan ay mapapansin mong ang topic ay medyo patama sa alam nilang may bisita.

3. Ang pinale ay aapurahin ka na nilang magpa-bautismo bilang follow-up ng pagre-recruit.
At pag hindi ka nakumbinse ay saka naman mag-iiwan ng salitang may pananakot gaya ng pagsasabing "ang hindi sumama sa kanilang grupo ay mapupunta sa impyerno dahil kini-claim nilang sila lang ang tunay na relihiyon (pero hindi daw yun pananakot kundi paalala lang daw).

SUGGESTION:
Hindi ba mas maganda yung bible sharing na lang? Yung isi-share mo na lang yung kung ano ang pagkakaunawa mo sa mga talatang gusto mong i-share?
At pagkatapos ay hayaan na lang ang taong kinausap mo na kusang magboluntaryong umattend sa kanilang church at kusang magsabi na magpapabautismo na siya?

1.   Kung hindi spaceship ang pwedeng ibigay na interpretasyon sa talatang ito, ano naman ang mas malapit na paliwanag n...
17/06/2017

1. Kung hindi spaceship ang pwedeng ibigay na interpretasyon sa talatang ito, ano naman ang mas malapit na paliwanag niyo sa bersong ito?

2 HARI 2:11
"PATULOY SILANG NAG-UUSAP HABANG NAGLALAKAD. WALANG ANU-ANO'Y PUMAGITNA SA KANILA ANG ISANG KARWAHENG APOY NA HATAK-HATAK NG MGA KABAYONG APOY AT SI ELIJAH AY INIAKYAT SA LANGIT SA PAMAMAGITAN NG ISANG BUHAWI."

Sa sarili kong interpretasyon, malinaw na diskripsyon ito ng isang sasakyang lumilipad na nasa himpapawid... sa mga sinaunang tao na may primitibong pang-unawa na kapag may magkasunod na mga spacecraft na lumilipad... iisipin niyang itoy karwaheng apoy at kabayong apoy pero sa ating panahon ito yung mga apoy at usok ng blastpipes ng spacecraft.
Kapag ipinakita mo ito sa isang tribo ng South America o Afica ang isang pumapaitaas na rocket, wala silang kakayahang maunawaan ang scientific na penomenang ito sa rational na paraan at ituturing itong bilang isang bagay na supernatural, mistiko at maka-diyos. Pagbalik nila sa kanilang tribo, ikukuwento nila ito sa kanilang ka-tribo na ang nakita nila ay isang nag-aapoy na kabayo at karetela.

10/06/2017

ilan lang ito sa mga bagong imbensyon na magpapatunay na ang tao ngayon ay nasa stage na ng tinatawag na ELOHIMIZATION...

Kung sinasabi sa bibliya na muling babalik ang Elohim sa mga huling panahon, papaano ba dapat sila paghandaan?1 MGA HARI...
12/05/2017

Kung sinasabi sa bibliya na muling babalik ang Elohim sa mga huling panahon, papaano ba dapat sila paghandaan?

1 MGA HARI 8:10
"AT PINUNO NG ULAP ANG TAHANAN NI YAHWEH"

1 MGA HARI 8:12-13
"SI YAHWEH ANG NAGSABI NA SIYA'Y NANANAHAN SA ISANG ULAP. AKO NAMAN AY GAGAWA NG TAHANAN PARA SA IYO"

Ang dakilang Haring Solomon ay nagtayo ng isang marangal na tahanan para tanggapin ang mga lumikha nang sila;y pumarito at bumisita sa Mundo.
Kung gagayahin natin ang ginawa ni Haring Solomon bilang pagtanggap sa pagdating ng Elohim dapat ay sa ganun ding kahawig na paraan kung paano rin nating tatanggapin ang mga Elohim sa kanilang pagbabalik.
Sa ating modernong panahon na ang tahanang dapat na ipaghanda para sa kanila ay ang pagpapatayo muna ng tinatawag nating embahada o isang embassy para maipakita ang taos pusong pagtanggap sa kanilang pagbabalik.

1 MGA HARI 6:13
"AKO MANINIRAHAN SA HANAY NG MGA ANAK NG ISRAEL"

At nanirahan ang mga lumikha sa isang ulap, o mas eksakto, sa isang sasakyang umiikot sa ibabaw ng mga ulap o kahawig ng isang satelite sa ating panahon, isipin mo na lang na ipaunawa ito sa primitibong mga tao.

Sa kasalukuyang panahon, ang mga grupong KILUSANG RAELIAN ay kumikilos na para sa isang pagtatayo ng isang embahada bilang paghahanda sa muling pagbabalik ng mg Elohim.

Funny Pinoy Raelians in Manila :D
10/11/2016

Funny Pinoy Raelians in Manila :D

Funny Raelians in Manila

ANG ELOHIM TINALO SA WRESTLING NG TAO?1. Sino ang lalaki na nakipagbuno kay Jacob?2. Kung ang Elohim ay siya rin yung la...
21/10/2016

ANG ELOHIM TINALO SA WRESTLING NG TAO?

1. Sino ang lalaki na nakipagbuno kay Jacob?
2. Kung ang Elohim ay siya rin yung lalaki, paano nangyari ang pakikipag-wrestling kay Jacob kung ang mga nagmula sa kalangitan ay walang buto at walang laman?
3. Indikasyon ba ito na ang Elohim ay tao rin na kawangis natin at may kahinaan din dahil nahirapan makawala kay Jacob sa pakikipag-wrestling?

GENESIS 32:24-30
"AT NAIWANG MAG-ISA SI JACOB:
AT NAKIPAGBUNO ANG ISANG LALAKE SA KANYA, HANGGANG SA MAGBUKANG LIWAYWAY...
AT NANG MAKITA NITONG SIYA'Y HINDI MANAIG SA KANYA AY HINIPO ANG KASU-KASUAN NG HITA NIYA;
AT ANG KASU-KASUAN NI JACOB AY SINAKTAN HABANG NAKIKIPAGBUNO SA KANYA"
“AT SINABI NG LALAKI, BITAWAN MO AKO, SAPAGKA'T NAGBUBUKANG LIWAYWAY NA. AT SINABI NI JACOB, HINDI KITA BIBITAWAN HANGGANG HINDI MO AKO MABASBASAN.”
“AT SINABI SA KANYA NG LALAKI, MULA NGAYO’Y ISRAEL NA ANG ITATAWAG SA YO, AT HINDI NA JACOB, SAPAGKAT NAKIPAGBUNO KA SA DIYOS”
BINASBASAN SI JACOB NG LALAKING NAKIPAGBUNO SA KANYA, AT SINABI NI JACOB NA “NAKITA KO ANG MUKHA NG DIYOS, GAYUNMA’Y BUHAY PA RIN AKO”

Ayan nakasulat sa talata na tinawag na lalake ang naka-wrestling ni Jacob (may gender pa) at hindi man literal ang mababasa pero pag binasa mo ng buo ang chapter na ito ay lilitaw na ang lalaking naka-wrestling ni Jacob at ang Diyos ay iisa, malinaw na indikasyon ito na ang "Elohim" ay tao ring kawangis natin na may buto, laman at kahinaan na tulad natin...

Tinalo ng tao ang Elohim sa isang pakikipagbunuan at sinubukan pang gumawa ng paraan ang lalaki dahil hindi nakatiis gumamit na ng kanyang kapangyarihan (technology sa aking interpretasyon) para masaktan si Jacob na nagbaka-sakaling siya ay bitawan.
Sa aking sariling interpretasyon at spekulasyon na ang kapangyarihang ginamit ng lalaki para saktan si Jacob ay kahawig ng electroshock weapon technology ng tao para sa pag-aresto ng mga pulis sa mga nanlalabang kriminal.
Nang hindi na makayanan ng misteryosong lalaki ay gumamit ng isang sopistikadong teknolohiya na idinikit sa pigi (hinipo ang kasu-kasuan) upang masaktan si Jacob.

Address

Bgy. Anahawan, Leyte
Bato
6525

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BIBLE and UFO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to BIBLE and UFO:

Share