25/08/2026
πΌπ΅π³π¨π« for the Day
(πΌπππππ π΅ππππ π³πππ π¨ππ π«ππππ)
-August 26, 2026
UNLAD FOR THE DAY
(Unahin Natin Lagi Ang Diyos)
LECTIO: π Mateo 23:27-32
βGanyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao'y mabubuti, ngunit ang totoo'y punung-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan.β
(Mateo 23:28)
MEDITATIO
Isang mapagpalang araw ng Miyerkules po, mga Ka-Unlad! Ang tanong natin ngayon: "ISA KA BA SA MGA TAONG HIPOKRITO?"
Alam natin lahat na ayaw natin sa taong hipokrito. Pero aminin natin, minsan nagiging ganito rin tayo.
Ang hipokrito ay parang COVID-19 - hindi mo nakikita, pero delikado. Hindi mo alam kung ano talaga ang nasa puso niya.
Sa harap mo: "Kamusta, kapatid. Mahal kita."
Sa likod mo: Siya pala ang unang maninira sa iyo.
Kaya tinatawag din natin silang "plastik" o "sa p**a sa puti".
Parang chameleon lang. Kung saan nakadikit, dun nagbabago ng kulay.
Kung kausap ang pari, napaka-banal.
Kung kausap ang tsismisan, mas grabe pa ang paninira.
Noong panahon ni Hesus, ang mga Eskriba at Pariseo ang tinutukoy Niya.
Trabaho nila ay magturo ng Batas ng Diyos para lumapit ang tao sa Diyos.
Pero ano ang sabi ni Hesus sa kanila?
"Para kayong mga pinaputing libingan."
Maganda sa labas. Malinis tingnan. Pinupuri ng tao.
Pero sa loob, puno ng kabulukan, inggit, galit, at kasinungalingan.
Magaling sa daldal. Pero wala sa gawa.
Bakit delikado ang pagiging hipokrito?
Una, dahil sinisira nito ang tiwala sa isaβt isa.
Pangalawa, dahil inilalayo nito ang tao sa Diyos.
At pangatlo, dahil ang Diyos natin ay Diyos ng Katotohanan. Ayaw Niya ng doble-kara.
Mga Ka-unlad, aminin natin.
Minsan tayo mismo ang hipokrito.
Yung nagpo-post ng Bible verse pero nang-aaway sa comment section.
Yung nasa simbahan tuwing Linggo pero nanloloko sa negosyo.
Yung nagdadasal ng "patawarin mo kami" pero baon-baon pa rin ang galit sa puso.
Kaya ang hamon sa atin ngayon bilang mga binibinyagang Katoliko ay napakasimple: "MAGING TOTOO."
Maging totoo tayo sa ating salita. Huwag manira sa likod.
Maging totoo tayo sa ating gawa. Kung ano ang sinasabi, yun din ang ginagawa.
Maging totoo tayo sa ating puso. Siyasatin natin: Para ba ito sa Diyos o para lang sa papuri ng tao?
Tandaan natin: Kung hindi ka totoo sa iba, hindi rin magiging totoo ang iba sa iyo.
At sa huli, ang kabutihan na galing sa puso, yun lang ang may halaga sa Diyos.
Hindi ang ganda sa labas, kundi ang linis sa loob.
ORATIO
Panginoong Hesus, hubarin Mo sa amin ang maskara ng pagkukunwari.
Gawin Mo kaming tapat sa salita, sa gawa, at sa puso. Nawa ang buhay namin ay maging tunay na patotoo ng Iyong pag-ibig.
Ito ang aming dalangin sa Iyo na nabubuhay at naghahari, magpasawalang hanggan.
Santa Maria, Ina ng Katotohanan, ipanalangin mo kami. Amen
Γ· UNAWAIN, IBAHAGI & ISABUHAY! Γ·
-Fadz A-
August 26, 2026