Sto. Niño de Macadam Parish

Sto. Niño de Macadam Parish The official page of Sto. Niño de Macadam Parish

Ngayong araw ay nagkaroon ng Home Visitation ang aming bagong Kura Paroko sa pamayanan ng Maria Hangin. Ang pagdalaw na ...
27/07/2026

Ngayong araw ay nagkaroon ng Home Visitation ang aming bagong Kura Paroko sa pamayanan ng Maria Hangin. Ang pagdalaw na ito ay naging tanda ng pagkakaisa, pagmamahal, at patuloy na paggabay ng Diyos sa bawat pamilya.

Amang mapagmahal, maraming salamat po sa buhay ng aming mga lolo at lola. Pagpalain Mo sila ng mabuting kalusugan, lakas...
26/07/2026

Amang mapagmahal, maraming salamat po sa buhay ng aming mga lolo at lola. Pagpalain Mo sila ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan, at kapayapaan ng isip at puso. Patuloy Mo silang gabayan at ingatan sa bawat araw, at punuin Mo sila ng Iyong pag-ibig at pag-asa.
Nawa'y maipadama namin sa kanila ang aming pagmamahal, paggalang, at pasasalamat sa lahat ng kanilang sakripisyo at gabay sa aming pamilya.
Ito po ang aming dalangin, sa ngalan ni Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Happy Grandparents Day sa lahat ng mga Lolo at Lola.

26/07/2026

Iniibig ko nang lubos, tanang utos mo Poong Diyos.

Ngayong gabi, sama-sama nating ipinagdiwang ang Banal na Misa bilang paggunita sa Kapistahan ni Santa Maria Magdalena—is...
22/07/2026

Ngayong gabi, sama-sama nating ipinagdiwang ang Banal na Misa bilang paggunita sa Kapistahan ni Santa Maria Magdalena—isang tapat na alagad ni Kristo na naging saksi ng Kanyang muling pagkabuhay at huwaran ng pananampalataya, pagmamahal, at katapatan sa Panginoon.

Kasabay nito, ating ipinagdiwang ang Feast Day ng Founder ng Mother Butler Guild, bilang pasasalamat sa kanyang buhay at sa misyong iniwan niyang inspirasyon sa lahat ng mga Mother Butlers na patuloy na naglilingkod nang may kababaang-loob, pagmamahal, at katapatan sa Simbahan.

Nawa'y ang halimbawa ni Santa Maria Magdalena at ang diwa ng paglilingkod ng ating founder ay magsilbing inspirasyon upang lalo pa nating mahalin si Kristo at paglingkuran ang Kanyang Simbahan nang buong puso.

"Ang sinumang naglilingkod sa akin ay pararangalan ng Ama." (Juan 12:26)

Happy Birthday 🎊🎂Fr. Rod Salazar, SVD.
14/07/2026

Happy Birthday 🎊🎂
Fr. Rod Salazar, SVD.

#𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆𝗚𝗿𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴𝘀

07/07/2026
7/6/2026Daily Mass: 6:00pmMass Presider: Fr. Rodrigo Salazar, SVD Concelebrant: Fr. Ronie Teman, SVD.
07/07/2026

7/6/2026
Daily Mass: 6:00pm
Mass Presider: Fr. Rodrigo Salazar, SVD
Concelebrant: Fr. Ronie Teman, SVD.

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang PanahonSa Ebanghelyo ngayong araw, muli tayong inaanyayahan ng Panginoong Hesus:"Lumapit ...
05/07/2026

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sa Ebanghelyo ngayong araw, muli tayong inaanyayahan ng Panginoong Hesus:
"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y papagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at mapagpakumbaba ang puso, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat magaan ang aking pamatok at magaang dalhin ang pasaning ibinibigay ko sa inyo." (Mateo 11:28–30)

Sa gitna ng ating mga alalahanin, pagsubok, at mga pasaning dinadala, huwag tayong matakot lumapit kay Kristo. Siya ang ating kanlungan, lakas, at tunay na kapahingahan. Kapag isinuko natin sa Kanya ang ating mga pasanin at nagtiwala sa Kanyang pag-ibig, makatatagpo tayo ng kapayapaan at pag-asa.
Nawa'y maging paanyaya sa bawat isa ang Salita ng Diyos ngayong Linggo na muling lumapit sa Panginoon at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat ng ating dinadala.

Mass Presider: Rev. fr Rod Salazar, SVD- Parish Priest.

Unang pagpupulong ng Pastoral Council kasama ang ating bagong Kura Paroko. Nawa’y gabayan tayo ng Panginoon sa bawat pla...
04/07/2026

Unang pagpupulong ng Pastoral Council kasama ang ating bagong Kura Paroko. Nawa’y gabayan tayo ng Panginoon sa bawat plano at hakbang para sa ikauunlad ng ating parokya.

Malugod na pagtanggap sa ating bagong Kura Paroko Rev. Fr. Rodrigo Salazar Jr, SVD at taos-pusong pasasalamat sa dalawan...
15/06/2026

Malugod na pagtanggap sa ating bagong Kura Paroko Rev. Fr. Rodrigo Salazar Jr, SVD at taos-pusong pasasalamat sa dalawang paring naglingkod sa ating parokya. Rev. Fr. Yustinus Eduardus Nga, SvD at Rev. Fr. Diego A. Orcino, SVD Ang inyong dedikasyon, paggabay, at pagmamahal ay mananatiling inspirasyon sa aming lahat. Pagpalain nawa kayo ng Diyos sa inyong patuloy na misyon.

Address

Bataraza
5306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Macadam Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share