Migs' Digi Diary

Migs' Digi Diary Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Migs' Digi Diary, Religious organisation, Maharlika Highway, Barangay Del Pilar San Pascual, Batangas City.

SEMANA SANTA 2026:JUEVES SANTO: ANG TAUNANG VISITA IGLESIA SA MGA SIMBAHAN NG BATANGAS:Ang Pamilyang Aguila ay bumisita ...
03/04/2026

SEMANA SANTA 2026:

JUEVES SANTO: ANG TAUNANG VISITA IGLESIA SA MGA SIMBAHAN NG BATANGAS:

Ang Pamilyang Aguila ay bumisita sa mga pitong simbahan sa mga Lugar sa Probinsya ng Batangas, Bumisita ang mga ito sa mga pitong Simbahan sa Bawat Parte ng Lalawigan ng Batangas, ang mga ito ay:

πŸ“: Parokya ni Santa Maria Magdalena, Brgy. Bayanan Sn. Pascual Batangas
πŸ“: Parokya ni San Pascual Baylon, Sn. Pascual Batangas
πŸ“: Arkidiyosesanong Dambana at Parokya ni San Jose, Kabiyak ng Mahal na Birheng Maria, San Jose Batangas.
πŸ“: Arkidiyosesanong Dambana at Parokya ni San Vicente Ferrer, Brgy. Banay-banay, Lipa City Batangas
πŸ“: Parokya ng La Inmaculada ConcepcΓ­on, Mataas na Kahoy Batangas.
πŸ“: Parokya ng La Virgen Divina Pastora, Brgy. Tambo Lipa City Batangas.
πŸ“: Arkidiyosesanong Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador, Cuenca Batangas

Bumisita Sila para manalangin at humingi ng gabay sa panginoong Diyos sa mga susunod ng mga araw na kanilang tatahakin sa anumang oras at panahon, humingi rin sila ng pagkakaktaon upang mahanap ang kapayapaan sa mga lugar ng simbahan.

Ang Visita Iglesia ay isang mahalagang tradisyon ng mga Pilipinong Katoliko tuwing Mahal na Araw, lalo na sa Huwebes Santo at Biyernes Santo. Ito ay ang pagdalaw sa mga simbahan o mga lugar na may banal na sakramento upang magdasal, magnilay, at magpakumbaba.
Sa Pilipinas, ang Visita Iglesia ay isang paraan ng mga Katoliko upang ipakita ang kanilang pagmamahal at pasasalamat sa sakripisyo ni Kristo. Karaniwan din itong ginagawa bilang isang pamilya o sama-samang paglalakbay kasama ang mga kaibigan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isinulat ni : Migs P. Aguila.
Mga Kuhang Larawan ni: Migs P. Aguila | Ms. Kristine C. Aguila

SEMANA SANTA 2026:BIYERNES SANTO: Ang Taunang Pagbabasa ng Pasyong Mahal sa Kapilya ng Inang Birheng Del Pilar.Noong Ika...
03/04/2026

SEMANA SANTA 2026:

BIYERNES SANTO: Ang Taunang Pagbabasa ng Pasyong Mahal sa Kapilya ng Inang Birheng Del Pilar.

Noong Ika-3 ng Abril, isinagawa ang Taunang Pagbabasa ng Pasyong Mahal dito sa Barangay Del Pilar, San Pascual Batangas,
Ang Pagsasagawa ng Pagbabasa ng Pasyong Mahal ay isang mahalagang tradisyon sa mga Pilipinong Katoliko, lalo na tuwing Semana Santa. Ito ay ang pagbasa ng pasyon ni Jesukristo mula sa Bibliya, kadalasan sa loob ng simbahan o sa mga tahanan.

Maraming pamilya ang nagtitipon-tipon para makinig sa pagbabasa ng Pasyong Mahal, na sumasaklaw sa mga kaganapan bago ang pagkamatay ni Jesus. Ito ay isang paraan ng pagdedebosyon, pagninilay, at pag-alala sa sakripisyo ni Kristo.

Para sa maraming Pilipinong Katoliko, ang Pasyong Mahal ay isang paraan ng pagpapalala ng kanilang pananampalataya at paggunita sa Mahal na Araw.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isinulat ni : Migs P. Aguila.
Mga Kuhang Larawan ni: Migs P. Aguila

Ating Pagmasdan; Ang Pagtatapos ng Alay sa Karangalan sa Mahal na Birheng MariaNoong Mayo 1 hanggang sa kasalukuyang Ara...
31/05/2025

Ating Pagmasdan; Ang Pagtatapos ng Alay sa Karangalan sa Mahal na Birheng Maria

Noong Mayo 1 hanggang sa kasalukuyang Araw; Mayo 31 ay ginaganap ang Alay sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria..
Ang Pag-aalay ng Bulaklak sa Mahal na Birheng Maria ay sinisimbolo ng ating pagmamahal sa kanya at siya'y ating ginagalang at nirerespeto bilang ating ina..
Habang ginaganap ang katapusan sa alay.. ay heto po ang aking munting pitik mula sa alay na iyon..

(DISCLAIMER: PINAYAGAN PO NILA AKONG MAGPOST AND MAG PICTURE PO SO NO NEED TO ASK.. THNKZ!)

πŸ“Έ: Migz
✍️; Migz

Address

Maharlika Highway, Barangay Del Pilar San Pascual
Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Migs' Digi Diary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share