Santa Maria Salome de Balayan Parokya ng Inmaculada Concepcion

Directions Contact the place of worship

Santa Maria Salome de Balayan Parokya ng Inmaculada  Concepcion Debosyon at Pananalig sa Kapangyarihan ng Diyos sa Pamamagitan ni Santa Maria Salome Babaeng Banal

Kapistahan ni San Francisco ng AssisiOctober 4𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐢Panginoon, nawa ako'y Iyong tulutang ...
04/10/2026

Kapistahan ni San Francisco ng Assisi
October 4

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐢
Panginoon, nawa ako'y Iyong tulutang maging kasangkapan ng Iyong kapayapaan.
Sa pagkamuhi, nawa'y maitanim ko ang pag-ibig.
Sa sakit, pagpapatawad.
Sa duda, pananalig.
Sa hapi, pag-asa.
Sa karimlan, liwanag.
Sa kalungkutan, saya.
O Mabathalang P**n, nawa'y di ko hangarin
Ang mapanatag kaysa magpanatag,
Ang maintindihan kaysa ang umintindi,
Ang mahalin kaysa magmahal.
Sapagkat nasa pagbibigay ang mabigayan,
Nasa pagpapatawad ang mapatawad,
At nasa kamatayan ang buhay na walang hanggan. Amen.

𝐀𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐢𝐬𝐜𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐢, I𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖.

𝐀𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 (𝐓𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐠 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐮𝐬)(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Amen.Namumuno: Ang Anghel ng Pangino...
22/09/2026

𝐀𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 (𝐓𝐚𝐠𝐚𝐥𝐨𝐠 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐮𝐬)

(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.
Namumuno: Ang Anghel ng Panginoon ay nagbalita kay Santa Maria
Bayan: At siya'y naglihi lalang ng Espirito Santo
Aba Ginoong Maria...
N: Narito ang alipin ng Panginoon
B: Maganap nawa sa akin ayon sa Wika Mo
Aba Ginoong Maria...
N: At ang Verbo ay nagkatawang tao,
B: At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoong Maria...
N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,
B: Nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.
Manalangin tayo:
Panginoong aming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang Pagkakatawang Tao ni Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit. Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin.
Amen.
N: Luwalhati sa Ama, Sa Anak, At sa Diyos Espiritu
Santo.
B: Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman. Amen. (ulitin ng tatlong beses)
(+) Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

⚜️S A N T A  M A R I A  S A L O M E ⚜️Pagdedebosyon kay Santa Maria Salome tuwing Araw ng Martes PANALANGIN KAY SANTA MA...
21/09/2026

⚜️S A N T A M A R I A S A L O M E ⚜️

Pagdedebosyon kay Santa Maria Salome tuwing Araw ng Martes

PANALANGIN KAY SANTA MARIA SALOME

O babaeng pinagpala, Santa Maria Salome, kabiyak ni Zebedeo at mapagmahal na ina nina Apostol Santiago at Juan.

Ikaw ay isa sa mga banal na kababaihang tapat na sumunod sa ating Panginoong Hesukristo. Nakasaksi ka sa Kanyang banal na pagpapakasakit, pagkamatay sa Krus, at sa maluwalhati Niyang muling pagkabuhay.

Mahal kong Santa Maria Salome, huwag Mo po akong pabayaan. Sa Iyong makapangyarihang panalangin ay iadya Mo kami sa lahat ng panganib, karamdaman, sakuna, at sa bawat pagsubok ng buhay sa mundong ito na puno ng hapis.

O pintakasi naming Santa Maria Salome, idulog Mo sa Diyos ang aking mga kahilingan. Nawa'y pagkalooban ako ng biyayang naaayon sa Kanyang banal na kalooban. (Banggitin ang iyong kahilingan.)

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na ating Panginoon, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

MANALANGIN TAYO

Santa Maria Salome, patrona ng mga nagdadalang-tao, mga mag-asawang nagnanais magkaanak, at mga nagtitinda at may hanapbuhay, ipanalangin Mo po kami.

Santa Maria Salome, ipanalangin Mo po kami. 🙏

Sabado ng Pagdedebosyon sa Mahal Na Birhen ng Inmaculada Concepcion PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG INMACULADA CONCEPCI...
11/09/2026

Sabado ng Pagdedebosyon sa Mahal Na Birhen ng Inmaculada Concepcion

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN
NG INMACULADA CONCEPCION

O Kalinis-linisang Birhen at mapagkandiling Ina,
buhat sa aming abang kalagayan
at pagkakasadlak sa kasalanan,
ipinagmamakaamo namin sa iyo
na pagdalitaang dinggin ang aming mga karaingan
at tapunan kami ng sulyap ng mga mata mong maawain.

O Batis ng Awa, marapatin mo pong dinggin
ang pagdarasal naming ito
upang maging daan ng ipagtatamo namin
ng iyong masaganang biyaya,
hindi lamang para sa aming katawan
kundi lalung-lalo ng mga makasalanan
at ikapapanuto nitong aming bayan,
alang-alang sa walang hanggang
kaluwalhatian ng Diyos.
Amen.

BIRHEN NG INMACULADA CONCEPCION, Ipanalangin mo kami!

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birhen MariaLa Niña MariaLa Inmaculada ConcepcionNuestra Señiora dela Inmaculada Concepcio...
07/09/2026

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birhen Maria
La Niña Maria
La Inmaculada Concepcion
Nuestra Señiora dela Inmaculada Concepcion de Caysasay

Maraming Salamat sa iyong patuloy na pagmamahal, paggabay, pagdadasal sa aming lahat na iyong mga inampong anak. Kami nawa ay maging tulad sa iyo na namuhay sa kabanalan, pagsunod sa Diyos sa pagbibigay ng sarili. Ipanalangin mo kaming mga kasalanan lalo na't sa oras ng aming kamatayan. Amen!

¡VIVA LA VIRGEN!

Pagsisiyam sa Karangalan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng MariaPanalangin sa Araw-ArawKalinis-linisang Nina Maria at ...
07/09/2026

Pagsisiyam sa Karangalan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria

Panalangin sa Araw-Araw

Kalinis-linisang Nina Maria at Mapagkandiling Ina; Buhat sa aming abang kalagayan at pagkakasadlak sa kasalanan ay ipinagmamakaamo namin sa iyo na pagdalitaang dinggin ang aming mga karaingan at tapunan kami ng sulyap ng mga mata mong maawain. O batis ng Awa, marapatin mo pong dinggin ang pagsisiyam naming ito upang maging daan ng ipagtatamo namin ng iyong masaganang biyaya, hindi lamang para sa aming katawan kundi lalung-lalo na para sa aming kaluluwa, para sa ipagbabalik-loob ng mga makasalanan at ikapapanuto nitong aming bayan, alang-alang sa walang hanggang kaluwalhatian ng Diyos. Amen.

Panalangin sa Ika-Siyam na Araw

Oh Makapangyarihang Diyos ng iyong inihanda ang Nina Maria upang maging ina ng iyong Anak at maging Esposo ng Espiritu Santo iyo siyang iniligtas sa kasalanang mana, sa pamamagitan ng kanyang panalangin bayaan mo na kami'y maging buhay na templo ng iyong kaluwalhatian sa pamamagitan ni Hesus na Anak mo. Amen.

Dadasalin ang Tatlong Aba Ginoong Maria
La Nina Maria, Ipanalangin mo kami

Litania sa Karangalan ng La Nina Maria

Panginoon, Maawa ka sa amin
Kristo, Maawa ka sa amin
Panginoon, Maawa ka sa amin
Diyos Ama sa Langit, Maawa ka sa amin
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Maawa ka sa amin
Diyos Espirito Santo, Maawa ka sa amin
La Nina Maria, Ipanalangin mo kami
San Joaquin Padre de la Virgen
Santa Ana Madre de la Virgen
Nina Maria Anak ng Ama
Nina Maria Ina ng Anak ng Diyos
Nina Maria Esposa ng Espiritu Santo
Nina Maria Dambana ng Santisima Trinidad
Nina Maria ikinasiya ni Sta Ana
Nina Maria ikinarangal ni San Joaquin
Nina Maria kataka-taka ng Grasya ng Diyos
Kalinis-linisan sa iyong paglilihi
Kabanal-banalan sa iyong pagsilang
Napaka-banal sa iyong pagkakahandog
Obra ng Grasya ng Diyos
Simula ng Tuwa namin
Huwaran sa Kababang loob
Nina Maria puno ng Kapangyarihan
Nina Maria pinaka mabanayad
Nina Maria kalinis-linisan
Nina Maria puno ng pagsunod
Nina Maria puno ng karukhaan
Nina Maria napakaamong sanggol
Nina Maria puno ng ipagbunyi
Nina Maria puno ng ipagbantog
Nina Maria walang katulad
Nina Maria kagalingan ng mga may sakit
Nina Maria mapang-aliw sa mga nagdadalamhati
Nina Maria tanggulan ng mga makasalanan
Nina Maria mapag-ampon sa mga Kristiyano
Nina Maria Lakambini ng mga Angel
Nina Maria Kalakasan ng mga Martir
Nina Maria Luwalhati ng Pagkapari
Nina Maria Tuwa ng mga Compesor
Nina Maria Kalinisan ng mga Birhen
Nina Maria Reyna ng mga Santo
Nina Maria Aming Ina
Nina Maria Reyna ng aming Puso

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,Patawarin Mo Kami, Panginoon
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, pakapakinggan Mo Kami, Panginoon
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka sa amin Panginoon.
Ipanalangin mo kami, Oh La Nina Maria
Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.

Manalangin Tayo:

Makapangyarihan at Mahabaging Ama, na kung saan sa pakikiisa ng Espiritu Santo, ay iyong Inihanda ang Katawan at Kaluluwa ng Nina Maria upang maging marapat na maging Ina ng iyong Anak at iyong itinatangi na huwag mabahiran ng kasalanang mana, ipag-kaloob Mo na kaming nagdedebosyon sa kanyang Banal na Pagkabata ay maging malaya sa pamamagitan ng kanyang pagkakandili at panalangin sa lahat ng karumihan ng kaisipan at layaw ng katawan, nawa maging kawangis niya kami sa kababaang loob, pagsunod at pag-ibig, hinihiling naming ito kay Kristong aming Panginoon. Amen!

Pagsisiyam sa Karangalan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng MariaPanalangin sa Araw-ArawKalinis-linisang Nina Maria at ...
06/09/2026

Pagsisiyam sa Karangalan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria

Panalangin sa Araw-Araw

Kalinis-linisang Nina Maria at Mapagkandiling Ina; Buhat sa aming abang kalagayan at pagkakasadlak sa kasalanan ay ipinagmamakaamo namin sa iyo na pagdalitaang dinggin ang aming mga karaingan at tapunan kami ng sulyap ng mga mata mong maawain. O batis ng Awa, marapatin mo pong dinggin ang pagsisiyam naming ito upang maging daan ng ipagtatamo namin ng iyong masaganang biyaya, hindi lamang para sa aming katawan kundi lalung-lalo na para sa aming kaluluwa, para sa ipagbabalik-loob ng mga makasalanan at ikapapanuto nitong aming bayan, alang-alang sa walang hanggang kaluwalhatian ng Diyos. Amen.

Panalangin sa Ika-walong Araw

Oh Bukod na Pinagpalang Nina Maria, pinuno ka ng grasya ng kataas-taasan simula ng Kalinis-linisang paglilihi sa iyo ng iyong Ina si Santa Ana. Ipagkaloob mo sa akin Oh Nina Maria na iyong dinggin ang aking hiling at kung iyong ipagkakaloob ito ikaw ay aking paparangalan sa pamamagitan ng iyong kalinis-linisang puso. Amen.

Dadasalin ang Tatlong Aba Ginoong Maria
La Nina Maria, Ipanalangin mo kami

Litania sa Karangalan ng La Nina Maria

Panginoon, Maawa ka sa amin
Kristo, Maawa ka sa amin
Panginoon, Maawa ka sa amin
Diyos Ama sa Langit, Maawa ka sa amin
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Maawa ka sa amin
Diyos Espirito Santo, Maawa ka sa amin
La Nina Maria, Ipanalangin mo kami
San Joaquin Padre de la Virgen
Santa Ana Madre de la Virgen
Nina Maria Anak ng Ama
Nina Maria Ina ng Anak ng Diyos
Nina Maria Esposa ng Espiritu Santo
Nina Maria Dambana ng Santisima Trinidad
Nina Maria ikinasiya ni Sta Ana
Nina Maria ikinarangal ni San Joaquin
Nina Maria kataka-taka ng Grasya ng Diyos
Kalinis-linisan sa iyong paglilihi
Kabanal-banalan sa iyong pagsilang
Napaka-banal sa iyong pagkakahandog
Obra ng Grasya ng Diyos
Simula ng Tuwa namin
Huwaran sa Kababang loob
Nina Maria puno ng Kapangyarihan
Nina Maria pinaka mabanayad
Nina Maria kalinis-linisan
Nina Maria puno ng pagsunod
Nina Maria puno ng karukhaan
Nina Maria napakaamong sanggol
Nina Maria puno ng ipagbunyi
Nina Maria puno ng ipagbantog
Nina Maria walang katulad
Nina Maria kagalingan ng mga may sakit
Nina Maria mapang-aliw sa mga nagdadalamhati
Nina Maria tanggulan ng mga makasalanan
Nina Maria mapag-ampon sa mga Kristiyano
Nina Maria Lakambini ng mga Angel
Nina Maria Kalakasan ng mga Martir
Nina Maria Luwalhati ng Pagkapari
Nina Maria Tuwa ng mga Compesor
Nina Maria Kalinisan ng mga Birhen
Nina Maria Reyna ng mga Santo
Nina Maria Aming Ina
Nina Maria Reyna ng aming Puso

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,Patawarin Mo Kami, Panginoon
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, pakapakinggan Mo Kami, Panginoon
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka sa amin Panginoon.
Ipanalangin mo kami, Oh La Nina Maria
Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.

Manalangin Tayo:

Makapangyarihan at Mahabaging Ama, na kung saan sa pakikiisa ng Espiritu Santo, ay iyong Inihanda ang Katawan at Kaluluwa ng Nina Maria upang maging marapat na maging Ina ng iyong Anak at iyong itinatangi na huwag mabahiran ng kasalanang mana, ipag-kaloob Mo na kaming nagdedebosyon sa kanyang Banal na Pagkabata ay maging malaya sa pamamagitan ng kanyang pagkakandili at panalangin sa lahat ng karumihan ng kaisipan at layaw ng katawan, nawa maging kawangis niya kami sa kababaang loob, pagsunod at pag-ibig, hinihiling naming ito kay Kristong aming Panginoon. Amen!

Pagsisiyam sa Karangalan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng MariaPanalangin sa Araw-ArawKalinis-linisang Nina Maria at ...
05/09/2026

Pagsisiyam sa Karangalan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria

Panalangin sa Araw-Araw

Kalinis-linisang Nina Maria at Mapagkandiling Ina; Buhat sa aming abang kalagayan at pagkakasadlak sa kasalanan ay ipinagmamakaamo namin sa iyo na pagdalitaang dinggin ang aming mga karaingan at tapunan kami ng sulyap ng mga mata mong maawain. O batis ng Awa, marapatin mo pong dinggin ang pagsisiyam naming ito upang maging daan ng ipagtatamo namin ng iyong masaganang biyaya, hindi lamang para sa aming katawan kundi lalung-lalo na para sa aming kaluluwa, para sa ipagbabalik-loob ng mga makasalanan at ikapapanuto nitong aming bayan, alang-alang sa walang hanggang kaluwalhatian ng Diyos. Amen.

Panalangin sa Ika-pitong Araw

Oh Masintahing Nina Maria namumukod tangi sa harapan ng diyos at pinag kalooban ng mga natatanging merito ng langit. Ipakita mo sa akin, ikaw na pinagbubuhatan ng pagpapalang espiritual ay patuloy mo akong dulutan ng mga ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos at pagpapala at sa iyo nagmumula. Amen.

Dadasalin ang Tatlong Aba Ginoong Maria
La Nina Maria, Ipanalangin mo kami

Litania sa Karangalan ng La Nina Maria

Panginoon, Maawa ka sa amin
Kristo, Maawa ka sa amin
Panginoon, Maawa ka sa amin
Diyos Ama sa Langit, Maawa ka sa amin
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Maawa ka sa amin
Diyos Espirito Santo, Maawa ka sa amin
La Nina Maria, Ipanalangin mo kami
San Joaquin Padre de la Virgen
Santa Ana Madre de la Virgen
Nina Maria Anak ng Ama
Nina Maria Ina ng Anak ng Diyos
Nina Maria Esposa ng Espiritu Santo
Nina Maria Dambana ng Santisima Trinidad
Nina Maria ikinasiya ni Sta Ana
Nina Maria ikinarangal ni San Joaquin
Nina Maria kataka-taka ng Grasya ng Diyos
Kalinis-linisan sa iyong paglilihi
Kabanal-banalan sa iyong pagsilang
Napaka-banal sa iyong pagkakahandog
Obra ng Grasya ng Diyos
Simula ng Tuwa namin
Huwaran sa Kababang loob
Nina Maria puno ng Kapangyarihan
Nina Maria pinaka mabanayad
Nina Maria kalinis-linisan
Nina Maria puno ng pagsunod
Nina Maria puno ng karukhaan
Nina Maria napakaamong sanggol
Nina Maria puno ng ipagbunyi
Nina Maria puno ng ipagbantog
Nina Maria walang katulad
Nina Maria kagalingan ng mga may sakit
Nina Maria mapang-aliw sa mga nagdadalamhati
Nina Maria tanggulan ng mga makasalanan
Nina Maria mapag-ampon sa mga Kristiyano
Nina Maria Lakambini ng mga Angel
Nina Maria Kalakasan ng mga Martir
Nina Maria Luwalhati ng Pagkapari
Nina Maria Tuwa ng mga Compesor
Nina Maria Kalinisan ng mga Birhen
Nina Maria Reyna ng mga Santo
Nina Maria Aming Ina
Nina Maria Reyna ng aming Puso

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan,Patawarin Mo Kami, Panginoon
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, pakapakinggan Mo Kami, Panginoon
Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka sa amin Panginoon.
Ipanalangin mo kami, Oh La Nina Maria
Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.

Manalangin Tayo:

Makapangyarihan at Mahabaging Ama, na kung saan sa pakikiisa ng Espiritu Santo, ay iyong Inihanda ang Katawan at Kaluluwa ng Nina Maria upang maging marapat na maging Ina ng iyong Anak at iyong itinatangi na huwag mabahiran ng kasalanang mana, ipag-kaloob Mo na kaming nagdedebosyon sa kanyang Banal na Pagkabata ay maging malaya sa pamamagitan ng kanyang pagkakandili at panalangin sa lahat ng karumihan ng kaisipan at layaw ng katawan, nawa maging kawangis niya kami sa kababaang loob, pagsunod at pag-ibig, hinihiling naming ito kay Kristong aming Panginoon. Amen!

Address

Batangas City
4213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Maria Salome de Balayan Parokya ng Inmaculada Concepcion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Santa Maria Salome de Balayan Parokya ng Inmaculada Concepcion:

Shortcuts

Share