13/09/2026
๐๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐จ๐ก๐๐๐ฌ ๐ช๐ข๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฉ๐๐๐ ๐ต.๐ญ๐ฏ.๐ฎ๐ฒ โจโค๏ธโ๐ฅ
ITINUTUWID NG DIYOS ANG LAHAT NG UMIIBIG SA KANYA
Hebreo 12:5โ11
5 Nalimutan na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob? โAnak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya. 6 Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya, at pinapalo ang itinuturing niyang anak.โ 7 Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? 8 Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas. 9 Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? 10 Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya. 11 Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.
Speaker: Pastor Domer Panganiban
๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐!