10/11/2024
NOBYEMBRE 10, 2024
Ang mga relief goods ay maayos nang nadala at naipamahagi ng St. Padre Pio Association sa mga apektadong pamilya sa Barangay Subic, Bayan ng Agoncillo.
Humigit kumulang dalawandaang pamilya na patuloy pa ring nananatili sa evacuation center ang nabahagihan ng munting tulong. Ang mga relief goods po na ito ay nagmula sa bahagi ng kinita ng St. Padre Pio Youth sa pagbebenta ng mga damit at tote bags ng Padre Pio at maging mga donasyon mula sa ibaโt ibang institusyon.
Ang buong Asosasyon po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nakiisa sa misyon na ito. Sa lahat ng mga pribadong organisasyon at indibidwal na nagbahagi ng tulong upang mas maparami ang mga donasyong naipaabot sa mga residenteng ito. Taos puso rin pong pasasalamat sa mga sumama upang maayos na madala ang mga donasyon.
Gaya ng palaging sinasabi ni St. Padre Pio, โPray, Hope, and Donโt Worry!โ Walang hamon ang hindi kakayanin kung sasamahan ng pagtitiwala at panalangin. Idagdag pa ang bayanihan at pagtutulungan upang ang bawat isa ay makaahon mula sa trahedyang nararanasan ๐ค