Jesus Christ Household Community Church

Jesus Christ Household Community Church Christ-centered, Full Gospel, Christian Church

Sunday Service (August 30, 2026)✨ JESUS-Kind of Results ✨📖 Matthew 7:24–29Stop relying on your own strength—STOP DIY! 🙌 ...
30/08/2026

Sunday Service (August 30, 2026)

✨ JESUS-Kind of Results ✨
📖 Matthew 7:24–29

Stop relying on your own strength—STOP DIY! 🙌 Let His glorious power operate in you, and remember: the same Lord who was with Joseph the dreamer is with you today. 💛

Build your life on Jesus, trust His power, and expect JESUS-kind of results! 🔥🙏

Our Daily Devotion (August 29, 2026)📖 1 Corinto 1:27 "Ngunit pinili ng Diyos ang mga bagay na itinuturing na hangal sa m...
28/08/2026

Our Daily Devotion (August 29, 2026)

📖 1 Corinto 1:27

"Ngunit pinili ng Diyos ang mga bagay na itinuturing na hangal sa mundo, upang mapahiya ang mga marurunong. Pinili rin ng Diyos ang mga mahihina sa mundo, upang mapahiya ang mga malalakas."

Madalas nating isipin na kailangan nating maging malakas, magaling, o perpekto bago tayo magamit ng Diyos.

Si Pablo ay dating umuusig sa mga sumusunod kay Jesus. Buong tapang niyang kalabanin ang mga mananampalataya. Ngunit nang makilala niya si Cristo, nagbago ang buong buhay niya.
Hindi ginamit ng Diyos si Pablo dahil maganda ang kanyang nakaraan.

Binago siya ng Diyos at ginamit upang ipahayag si Cristo. Ito ang magandang balita para sa atin. Hindi natin kailangang maging perpekto bago lumapit kay Cristo. Lumapit tayo sa Kanya, at Siya ang magbabago sa atin.


Prayer
Lord, salamat po dahil hindi Mo kami itinatanggi kahit kami ay mahina o may pagkakamali. Tulungan Mo po kaming huwag umasa sa sarili naming lakas. Turuan Mo po kaming magtiwala nang lubos sa Inyo. Kung may mga bahagi ng buhay namin na kailangang baguhin, iniaalay po namin ang mga ito sa Iyo. Gamitin mo po kami sa Iyong gawain.

In Jesus' name, Amen.

Our Sunday Service (August 23, 2026)"And then, after your brief suffering, the God of all loving grace, who has called y...
23/08/2026

Our Sunday Service (August 23, 2026)

"And then, after your brief suffering, the God of all loving grace, who has called you to share in his eternal glory in Christ, will personally and powerfully restore you and make you stronger than ever.

Yes, he will set you firmly in place and build you up."

— 1 Peter 5:10

💒🙏💞

Our Daily Devotion (August 22, 2026)Jesus Love Us ❤️Awit 100:5“Mabuti ang Panginoon pag ibig niya'y walang hanggan siya'...
21/08/2026

Our Daily Devotion (August 22, 2026)

Jesus Love Us ❤️

Awit 100:5
“Mabuti ang Panginoon pag ibig niya'y walang hanggan siya'y Diyos na mabuti't laging tapat kailanman.”

Tunay na ang pag-ibig ni Jesus ay walang hanggan. Hindi ito katulad ng pagmamahal ng tao na maaaring magbago, mawala, o mag-fade sa paglipas ng panahon. Ang pag-ibig ng Panginoon ay tunay at walang katapusan. Kahit tayo ay nagkakasala at nagkakamali, patuloy pa rin Niya tayong minamahal at handang patawarin. Ito ay dahil sa Kanyang mabuting puso, habag, at walang hanggang pagmamahal sa atin.

Prayer

Lord, thank You for Your infinite love. Kahit kami ay nagkakasala at nagkakamali, hindi Mo pa rin kami iniiwan at patuloy Mo kaming minamahal. Lord, pagpalain Mo po kami at iparamdam Mo sa bawat isa kung gaano Mo kami kamahal. Tulungan Mo rin po kaming matutong magmahal at magpatawad tulad ng pagmamahal at pagpapatawad Mo sa amin.

In Jesus’ Name, Amen.

Our Daily Devotion (August 20, 2026)📖 Embracing Trials with JoyJames 1:2 (NIV)“Consider it pure joy, my brothers and sis...
19/08/2026

Our Daily Devotion (August 20, 2026)

📖 Embracing Trials with Joy

James 1:2 (NIV)
“Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds.”

💭 Reflection

Hindi natin maiiwasan ang trials sa buhay. May mga seasons na puno ng worries, disappointments, pain, fear, at questions na parang hindi natin alam kung paano haharapin.

Minsan, we hold on to these emotions because we feel like holding on gives us control. We hold on to anger, unforgiveness, anxiety, or even the pain of our past. Pero habang mas mahigpit natin itong hinahawakan, mas lalo tayong nabibigatan.

God is reminding us today: You don’t have to carry everything. You can let go and give it to Him.

Imagine yourself holding all your worries and struggles in your hands. Then slowly, open your hands and surrender them to God. Hindi ibig sabihin na wala ka nang pakialam sa situation. It means you’re choosing to trust the One who is greater than the situation.

And that’s where joy comes in.

When James tells us to “consider it pure joy” when we face trials, hindi ibig sabihin na kailangan nating maging masaya dahil nasasaktan tayo. Joy is not pretending that everything is okay. Joy is knowing that even when everything is not okay, God is still good, God is still with us, and God is still in control.

Pwede tayong umiyak habang nagtitiwala.
Pwede tayong masaktan habang nagpupuri.
Pwede tayong matakot pero patuloy pa ring kumapit kay Lord.

Sometimes, the situation doesn’t immediately change—but when we surrender it to God, He changes our hearts in the middle of the situation.

So today, whatever you’re carrying, open your hands. Give it to God. And choose to praise Him—not because the trial is easy, but because He is faithful even in the middle of it.

✨A great reminder

Joy is not the absence of trials; it is the confidence that God is with us through every trial. 🤍

“Open your hands. Release the burden. Choose praise.”

🙏 Prayer

Lord, You know every burden that I am carrying today. You know my worries, pain, fears, and struggles. Teach me to surrender the things that I cannot control and trust You completely. Help me choose joy even in difficult seasons. Remind me that I don’t have to understand everything to trust You. Thank You because You are with me in every trial. Amen.

Our Daily Devotion (August 19, 2026)In the book of Luke 15, verses 11 through 32, we are told of the parable of the prod...
19/08/2026

Our Daily Devotion (August 19, 2026)

In the book of Luke 15, verses 11 through 32, we are told of the parable of the prodigal son:
* Isang anak na lalaki ang humingi sa ama ng kaniyang bahagi sa ari-arian ng kanilang pamilya.
* Nagpakalayo siya at nilustay niya ito sa mga walang kabuluhang bagay.
* Dumanas siya ng kasalatan, kung saan hiniling niyang makakain man lang ng pagkain ng mga baboy na kaniyang binabantayan.
* Pinagpasyahan niyang umuwi sa kanila upang mamasukan bilang katulong.
* Malayo pa lamang ay nakita na siya ng kaniyang ama, na siya namang agad tumakbo papalapit sa anak, niyakap ito, at nagpatawag ng selebrasyon para sa kaniyang muling pagbabalik.

This story is a reminder of God’s grace and unconditional love — na kahit gaano man karumi ang tingin natin sa ating mga sarili, may kapatawaran pa ring nagiintay sa atin kung tayo ay magsisisi at magpapakumbaba sa kaluwalhatian ng ating Panginoon.

One mistake does not define you, but one choice can turn your life around. Piliin nating umuwi kay Hesus sa araw-araw gaano man kasalimuot ang kahapon, sapagkat ang kahabagan Niya ay laging sariwa bawat umaga. 💛

Our Daily Devotion (August 17, 2026)Ecclesiastes 3:1“Sa lahat ng bagay ay may kapanahunan, at may panahon para sa bawat ...
16/08/2026

Our Daily Devotion (August 17, 2026)

Ecclesiastes 3:1
“Sa lahat ng bagay ay may kapanahunan, at may panahon para sa bawat pangyayari sa ilalim ng langit.”

Hindi lahat ng bagay kailangang mangyari ngayon, o kung kailan natin inaasahang mangyari. Dahil may panahon para magsimula. May panahon para maghintay. May panahon para mawala. May panahon din para muli tayong makahanap.

Minsan, naikukumpara natin ang ating mga sarili sa timeline ng ibang tao. Nakikita nating may mga taong nauuna sa atin at nararanasan na nila yung mga bagay na gusto rin nating maranasan, kaya iniisip nating nahuhuli na tayo. Napapaisip tayo na kailangan nating mag-double time para makarating din doon.

Pero hindi naman pare-pareho ang takbo ng buhay natin.

Hindi natin kailangang isipin na nahuhuli tayo dahil lang sa iba ang naging takbo ng buhay natin. May kanya-kanya tayong season. May mga pagkakataong iba-iba ang ating dadaanan, iba-iba ang ating magiging desisyon, at iba-iba rin ang mga bagay na kailangan nating isakripisyo.

Parang sa pag-aaral lang. May mga nagbabago ng isip sa kukuhaning program. May mga tumitigil muna dahil sa iba’t ibang dahilan. Meron din namang tuloy-tuloy lang. May differencr man ang proseso, sa mga challenges, at and mga decisions na kailangan nilang gawin, pare-pareho silang may goal na makapagtapos.

And kung may kailangang magpahinga muna, hindi rin naman ibig sabihin na tapos na ang pagkakataong makapagtapis. Puwede pa rin namang bumalik. Kung may kailangang mag-shift o magpalit ng program na mas gusto niya, pwede pa rin naman siyang magpatuloy. Ang pagkakaiba-iba ng proseso natin ay hindi nangangahulugang wala na tayong patutunguhan.

Ganoon lang din minsan ang buhay.

May mga pagkakataong nakakapanghinayang dahil hindi nangyari ang mga bagay sa oras na gusto natin. May mga pagkakataong mapapaisip tayo kung bakit parang nauuna na ang lahat habang tayo ay naghihintay pa rin.

Pero hindi natin need pilitin ang isang season na matapos dahil lang sa kagustuhan nating makarating sa susunod.

Dahil hindi natin alam ang buong plano ng Diyos, at hindi rin natin kailangang malaman agad ang lahat. Ang alam natin ay may panahon para sa bawat bagay, at maaari nating ipagkatiwala sa Lord ang mga bagay na hindi natin kayang kontrolin.

Maaaring hindi ibigay ng Lord ang lahat ng hinihintay natin sa paraan o sa panahong inaasahan natin. Pero maaari tayong magtiwala na ang Kanyang timing ay hindi nasusukat sa bilis ng ibang tao, at ang ating halaga ay hindi nakadepende sa kung gaano tayo kabilis makarating sa isang milestone o goal.

Kaya habang naghihintay tayo, matuto tayong maging patient. Habang hindi pa malinaw ang daan, matuto tayong magtiwala. At kapag dumating na ang panahon para kumilos, hilingin natin sa Panginoon ang courage na gawin ang susunod na hakbang.

Hindi pare-pareho ang season natin, pero sa lahat ng season, kasama natin ang ating Panginoon.

🫂🫂🫂

Our Sunday Service (August 16, 2026) Sa gitna ng bagyo, pagsubok, at mga bagay na tila nasisira, may Diyos na nag-aayos,...
16/08/2026

Our Sunday Service (August 16, 2026)

Sa gitna ng bagyo, pagsubok, at mga bagay na tila nasisira, may Diyos na nag-aayos, nagpapatatag, at nagpoprotekta sa Kanyang mga anak.

✨ Inaayos Niya ang nasira.
✨ Pinatatatag Niya ang nanghihina.
✨ Pinoprotektahan Niya ang Kanyang mga lingkod.

“Sa katuwiran ay matatatag ka. Ikaw ay malalayo sa pang-aapi sapagkat ikaw ay hindi matatakot, at sa pagkasindak, sapagkat ito'y hindi lalapit sa iyo.” — Isaias 54:14

Kaya manatiling nakatayo. Manatiling kumapit. Manatiling matatag sa Salita ng Diyos. ❤️‍🔥

Our Daily Devotion (August 14, 2026)1 Peter 5:7“Cast all your anxiety on Him because He cares for you.”No prayer is too ...
14/08/2026

Our Daily Devotion (August 14, 2026)

1 Peter 5:7
“Cast all your anxiety on Him because He cares for you.”

No prayer is too small for God.
Trust He loves you, and cares for you.

Today, we are reminded of a simple but powerful truth, we can pray about everything.

Whatever you are grateful for—tell Him.�Whatever you are worrying about—bring it to Him.�Whatever you do not understand—ask Him.�Whatever you are feeling—honestly lay it before Him.

Nothing is too small. Nothing is too big.

Sometimes we think we should only come to God with major problems or polished prayers. But this verse tells us to cast all our anxieties on Him. That means the quiet stress before leading worship. The unseen pressures at home. The unspoken questions in our hearts. The small joys we forget to thank Him for. The emotions we cannot fully explain.

The Lord sees everything. He sees the smallest details of our lives—the silent tears, the hidden gratitude, the thoughts we cannot put into words. And He cares so deeply that even the smallest thing matters to Him.

Pray about everything.
Hold back nothing.
God sees. God knows. God cares.

Again,
No prayer is too small for Our God.
Trust He loves you, and cares for you.

God bless us. 🙌🏻🙏🏻

"Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan." — Mga Kawikaan 11:25Mar...
12/08/2026

"Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan." — Mga Kawikaan 11:25

Maraming salamat po, Sir Jose Basa, sa inyong bukas-palad na pagbibigay sa Project HAGGAI!

Dalangin namin ang lubos na biyaya at pagpapala mula sa ating Panginoon para sa inyo at sa inyong buong sambahayan. 🙏💝

Address

D. Silang Street
Batangas City
4200

Opening Hours

Wednesday 6:30pm - 7:30pm
Friday 6:30pm - 7:30pm
Saturday 2pm - 5pm
Sunday 9:30am - 12pm

Telephone

+639366714356

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Christ Household Community Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Jesus Christ Household Community Church:

Shortcuts

Share