02/10/2023
Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos.
- 1 Pedro 1: 23 MBB
- ayon sa Juan 3:7, ang lahat ay kailangang maipanganak na muli. Ito ay nararapat mangyari sa bawat tao upang ating ganap na maranasan ang paghahari ng Diyos sa ating mga buhay.
- ang kapanganakang ito ay hindi sa paraan ng laman kundi ng Espiritu sa pamamagitan ng buhày at makapangyarihang salita ng Diyos.
- sa ating pagtanggap at pananampalataya kay Jesus, tayo ay binibigyan ng karapatang maging mga anak ng Diyos, at itong bagay na ito ay hindi nagmumula sa sarili kundi mula sa Diyos.
"Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos."- Juan 1:13 MBB
Ikaw ba'y nakaranas nang maipanganak na muli? Gaya ng sinabi sa Juan 3:7, " ANG LAHAT AY KAILANGANG IPANGANAK NA MULI."
- paano?
✓ tanggapin mo si Jesus at manampalataya ka sa kanyang tinapos na gawa sa krus para sa yo.
✓ gawin mo siyang Panginoon at sariling Tagapagligtas ng iyong buhay.
- narito ang panalangin na maaari mong gawin:
Ama, ako'y lumalapit sa iyo, naniniwala po ako na kailangan kong maipanganak na muli upang aking ganap na maranasan ang iyong paghahari sa aking buhay. Kaya sa oras na ito, binubuksan ko ang aking puso, inaanyayahan kitang pumasok sa aking puso, aking ipinapahayag sa aking labi kasabay ng aking pananampalataya sa aking puso, Jesus, ikaw na ang maging Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay. Patawarin at linisin mo ang aking buhay sa pamamagitan ng iyong banal na dugo. Marami pong salamat, sa pangalan ni Jesus. Amen!