29/03/2021
PANATAG.
“Panatag na ako, O Diyos, ako ngayo'y matatag,
purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.” - Psalms 57:7
How do you survive Spiritual wilderness?
Yung moment sa life mo as a Christian where you feel like your lost.
Wala kang makitang maasahan pati sarili mo. Parang tuyong-tuyo yung joy mo at parang ang layo ni God. How do you survive that season?
Diba siguro mas madali na lang sumuko at bumalik na lang sa dating tayo? kung san tayo galing. Kung san tayo inalis at pinalaya mismo ni God. Wala e, comfort zone na natin yun e.
But Bes. I will tell you right now, That’s not the right way!
Remember yung mga Israelites after ilang araw nilang naglakbay sa wilderness palayo sa Egypt? Nung nagkulang sila ng resources, sinisi na lang nila si Moses, may iba pa na gusto na lang bumalik sa Egypt kahit doon alipin sila.
Gagaya ba tayo sa attitude nila? Kasi real talk umaabot din tayo sa point na yun e.
Mahirapan lang, aangal tapos babalik na sa dati.
Hindi nakuha yung gusto, babalik na lang sa dati.
Bes, Kung totoong followers tayo ni Jesus, dapat sa mga time na yun tayo mas kumakapit sa Kanya. Hindi tayo dapat sumusukong hanapin, kilalanin at magtiwala sa Kanya.
Dahil isa pang real talk, kahit nasaang disyerto ka pa at naliligaw ka na, believe it or not Kasama mo Siya. Kasama natin Siya Bes.
And that’s how we survive pag nasa Spiritual Wilderness tayo. Keep following the Way, the Truth, the Life and that’s Jesus.
And just by believing and having Faith in Him, mapa- Panatag puso natin at makakapagpatuloy muli. We have a long way to go, and a lot of struggles to face and when I say that it’s not a bad thing! Dahil in these trials, at challenges, opportunity din natin to to grow as a Christian.
Alam naman na natin to, Isasabuhay na lang.
——
You want more paalala, Read your Bible.
—-
You can also follow my gf’s paalala page: Jai To The World
And visit our shop: shirtly.ph/artofelijahtan