Oblate Sisters of Saint Joseph - Philippines

Oblate Sisters of Saint Joseph - Philippines Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Oblate Sisters of Saint Joseph - Philippines, Brgy. Banaba, Padre Garcia.

We are called to reproduce in our lives and in our apostolate the Christian mystery as it was lived by Saint Joseph in union with God, in humility, in hidden life, in hardwork, and in total commitment to the interests of Jesus.

Ngayong ika-8 ng Mayo, isang makasaysayang araw ang ating ginugunita sa komunidad ng Oblate Sisters of Saint Joseph – Ph...
08/05/2026

Ngayong ika-8 ng Mayo, isang makasaysayang araw ang ating ginugunita sa komunidad ng Oblate Sisters of Saint Joseph – Philippines.

Buong puso naming binabati si Sr. Maria Luisa Catilo, OSJ sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng kursong AB Philosophy sa Oblates of Saint Joseph College of Philosophy, Marauoy, Lipa City, Batangas bilang kauna-unahang OSJ Sister na nagtapos sa nasabing paaralan sa larangang ito.

Ang kanyang tagumpay ay bunga ng tiyaga, pananampalataya, at buong pusong pagtugon sa tawag ng Diyos. Higit pa sa isang personal na tagumpay, ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad at sa mga kabataang patuloy na nangangarap at tumutugon sa bokasyon ng paglilingkod.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa komunidad ng Major Seminary sa pangunguna nina Rev. Fr. Faiq Edmerson Quinto, OSJ – Rector, at Rev. Fr. Alfie Polistico, OSJ – Dean of Studies, kasama ang buong komunidad, sa kanilang walang sawang suporta, paggabay, at pagmamalasakit kay Sr. Malou sa buong panahon ng kanyang pag-aaral hanggang sa matagumpay niyang pagtatapos ng kursong Philosophy. Ang inyong kabutihan at pakikiisa ay naging malaking bahagi ng makasaysayang tagumpay na ito.

Nawa’y patuloy siyang gabayan at pagpalain ng Panginoon sa kanyang misyon para sa Simbahan at sambayanan. Isang karangalang tunay para sa buong OSJ Community ang makasaksi sa makasaysayang tagumpay na ito.

Congratulations, Sr. Malou, OSJ!
Ad Majorem Dei Gloriam.

With grateful hearts, we thank everyone who availed the Saint Joseph the Worker votive candles🕯 May Saint Joseph, the fa...
30/04/2026

With grateful hearts, we thank everyone who availed the Saint Joseph the Worker votive candles🕯

May Saint Joseph, the faithful and humble worker, continue to guide you, protect your families, and intercede for all your intentions. May the light of these candles remind us all to keep our faith burning brightly in our daily work and lives. Thank you, and may God bless you abundantly.

Saint Joseph the Worker, pray for us🙏

Bayan ng Diyos, Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa at makibahagi sa isang makahulugan at pinagpalang pagdir...
17/04/2026

Bayan ng Diyos,

Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa at makibahagi sa isang makahulugan at pinagpalang pagdiriwang ng 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 ng Oblate Sisters of Saint Joseph sa Banaba, Padre Garcia, Batangas, mula ika-22 hanggang ika-30 ng Abril 2026.

Sa loob ng siyam na araw ng Misa Nobenaryo, sama-sama nating pagnilayan ang buhay ni San Jose—ang mapagkumbaba, masunurin, at tapat na lingkod ng Diyos na nagsilbing haligi ng Banal na Pamilya. Sa bawat araw, tayo ay gagabayan sa iba’t ibang pagninilay na magpapalalim sa ating pananampalataya at magbibigay-liwanag sa ating pang-araw-araw na pamumuhay bilang mga Kristiyano.

Abril 22 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑯𝒂𝒍𝒊𝒎𝒃𝒂𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒕𝒊𝒃𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒎𝒑𝒂𝒍𝒂𝒕𝒂𝒚𝒂”
Kasama si Rev. Fr. Glen Andrie B. Baes, OSJ
Abril 23 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑻𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂”
Kasama si Rev. Fr. Ronald K. Medrano, OSJ
Abril 24 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑴𝒐𝒅𝒆𝒍𝒐 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒂𝒏𝒈-𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒕𝒂𝒉𝒊𝒎𝒊𝒌𝒂𝒏”
Kasama si Rev. Fr. Arnel H. Hagos, CRM
Abril 25 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝙋𝙞𝙣𝙩𝙖𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙜 𝙝𝙞𝙝𝙞𝙣𝙜𝙖𝙡𝙤”
Kasama si Rev. Fr. Jeorge P. De Chavez, OSJ
Abril 26 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑴𝒂𝒊𝒏𝒈𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝑻𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒏𝒈𝒈𝒐𝒍 𝒏𝒊 𝑲𝒓𝒊𝒔𝒕𝒐”
Kasama si Rev. Fr. Cyrus B. Gonzales, OSJ
Abril 27 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑮𝒂𝒃𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑨𝒎𝒂 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏”
Kasama si Rev. Fr. Roy Roldan C. Matibag, OSJ
Abril 28 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑴𝒂𝒔𝒖𝒏𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒍𝒊𝒕𝒂 𝒏𝒈 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔”
Kasama si Rev. Fr. Christian Devi A. Ancajas, OSJ
Abril 29 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑴𝒐𝒅𝒆𝒍𝒐 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒏𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑨𝒏𝒈𝒌𝒂𝒏”
Kasama si Rev. Fr. Alfie A. Polistico, OSJ
Abril 30 – “𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆, 𝑴𝒂𝒔𝒖𝒏𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒐 𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒚 𝑻𝒂𝒌𝒐𝒕 𝒔𝒂 𝑫𝒊𝒚𝒐𝒔”
Kasama si Rev. Fr. Aren I. Bejasa, OSJ

Ang Nobena ay magsisimula araw-araw sa ganap na ika-4:30 ng hapon at susundan ng Banal na Misa sa ika-5:00 ng hapon—isang paanyaya sa bawat isa na maglaan ng oras para sa panalangin, pagninilay, at pakikipagtagpo sa Panginoon.

Bilang rurok ng pagdiriwang, gaganapin ang Misa Concelebrada sa 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟎:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚, na may temang “𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞, 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚,” sa pangunguna ni Rev. Fr. Faiq Edmerson T. Quinto, OSJ.

Sa pagdiriwang na ito, nawa’y higit nating makilala at tularan si San Jose bilang huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Halina at makiisa. Dalhin ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay at sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya bilang isang nagkakaisang pamayanan.

IteAdIosep, IteCumIoseph

Address

Brgy. Banaba
Padre Garcia
4224

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Oblate Sisters of Saint Joseph - Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share