08/07/2026
โ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
"Sa tuwing ako'y tatakutin, sa iyo pa rin ako magtitiwala."
โ Awit 56:3
โจ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐จ๐ ๐ข๐ฌ ๐๐ข๐ ๐ ๐๐ซ ๐ญ๐ก๐๐ง ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐ซ๐ฌ.
๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐๐๐ง๐๐ก
"Si Jesus naman ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakatungo sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, 'G**o, hindi ba ninyo napapansing malulunod na kami?' Bumangon si Jesus, pinagwikaan ang hangin at sinabi sa lawa, 'Tahimik! Magpakarating ka!' Tumigil nga ang hangin at naging napakatahimik ng paligid."
โ Marcos 4:38-39
โต ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐
Ang mga alagad ni Jesus ay mga sanay at bihasang mangingisda. Kabisado nila ang Lawa ng Galilea, ngunit ang bagyong humampas sa kanila nang gabing iyon ay kakaiba. Sobrang lakas ng hangin, sumasampa na ang mga alon sa bangka, at abot-abot ang takot nila na baka sila ay mamatay.
At nasaan si Jesus? Naroon Siya sa hulihan ng bangka, mahimbing na natutulog. Sa gitna ng kanilang takot at labis na pag-aalala, ginising nila si Jesus at tinanong ang isang bagay na madalas din nating maitatanong kapag mabigat ang buhay: "๐๐ช๐ง๐ค, ๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐๐ก๐๐ข ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ก๐ช๐ก๐ช๐ฃ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ข๐?"
Hindi nakipagtalo sa kanila si Jesus. Tumayo lang Siya, pinagsabihan ang nagngangalit na hangin at alon, at agad na naging napakatahimik ng paligid. Pagkatapos, banayad Niya silang tinanong, "๐ฝ๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ? ๐๐๐ก๐ ๐ฅ๐ ๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐?"
๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐๐๐ฅ
This bible story reminds us n kapag dumarating ang matinding pag-aalala sa buhay natin, madalas nating mapaniniwalaan ang parehong kasinungalingan na pinaniniwalaan ng mga alagad: Walang pakialam ang Diyos, at mapapahamak na ako. Masyado nating tinitingnan ang laki ng mga alon: ang mga bayarin, problema sa kalusugan, o gulo sa pamilya, hanggang sa makalimutan natin kung Sino ang kasama natin sa loob ng bangka.
๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ป๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป: Hindi pinigilan ni Jesus na mangyari ang bagyo, ngunit hindi rin Siya natakot dito. Nakatulog Siya dahil alam Niya na Siya ang may hawak ng buong kapangyarihan. Kung kasama mo si Jesus sa iyong bangka, ang kuwento mo ay hindi matatapos sa pagkalubog. Mas malapit Siya sa iyo kaysa sa iyong susunod na hininga, at kontrolado Niya ang lahat kahit pakiramdam mo ay lumulubog ka na.
Kaya naman ngayon, huminga ka nang malalim at ipagkatiwala sa Kanya ang mga bagay na nagpapabigat sa iyong puso. Huwag mo itong sarilin; iwanan mo ito sa paanan ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin. ๐
God bless you, kapatid! ๐ฉต