Christ the Victorious Church - Paliparan

Christ the Victorious Church - Paliparan Winning soul, Building Disciples, Transforming Lives in Christ!

25/05/2026

SUNDAY SERVICE HIGHLIGHTS
MAY 24, 2026

Huwag mong katakutan ang apoy ng pagsubok - Ang katakutan mo ay ang mabuhay ng walang DIOS!

Huwag kang makiki ayon sa mali! Manindigan ka para kay CRISTO!

24/05/2026
17/05/2026

SUNDAY HIGHLIGHTS
Mateo 14:22-23

Sa gitna ng bagyo, nakilala nila kung sino talaga si Jesus… kaya ang takot ay nauwi sa pagsamba.
— Mateo 14:33 ✨

To God be the highest glory! 🤍✨Congratulations to our dear Ate Jhoan Landicho, LPT and Ate Jesel Cantero, LPT for succes...
12/05/2026

To God be the highest glory! 🤍✨
Congratulations to our dear Ate Jhoan Landicho, LPT and Ate Jesel Cantero, LPT for successfully passing the March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers!

Your hard work, faith, perseverance, and trust in the Lord have truly paid off. We are beyond proud of you both for reaching this milestone. May God continue to use your lives as instruments to inspire, teach, and lead the next generation with wisdom and love.

“Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans.” — Proverbs 16:3

Your CVC family is rejoicing and celebrating with you!
Congratulations, Teachers! 💗

Sunday RecapMay 10, 2026Exodus 20:12–17Tema: Tungkulin ng Tao sa KapwaNgayong Linggo, muli tayong pinaalalahanan ng Diyo...
12/05/2026

Sunday Recap
May 10, 2026
Exodus 20:12–17
Tema: Tungkulin ng Tao sa Kapwa

Ngayong Linggo, muli tayong pinaalalahanan ng Diyos na ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa ating relasyon sa Kanya kundi pati rin sa paraan ng ating pakikitungo sa ating kapwa. Sa Exodus 20:12–17, ipinakita ng Panginoon ang mga utos na gumagabay sa tao upang mamuhay ng may pag ibig, katapatan, kabanalan at may respeto sa iba.

Tinuruan tayo ng DIOS na...

✅️parangalan ang ating mga magulang,

✅️huwag manakit o pumatay,

✅️maging tapat sa relasyon,

✅️huwag magnakaw,

✅️magsalita ng totoo,

✅️at huwag mainggit sa pag-aari ng iba

Ang mga utos na ito ay hindi lamang simpleng batas kundi salamin ng karakter ng Diyos na nais Niyang makita sa Kanyang mga anak. Kapag ang puso ng tao ay tama sa harap ng Diyos, ang pakikitungo niya sa kapwa ay nagiging puno ng biyaya at pagmamahal.

Ngunit ipinakita rin ng Salita na walang sinuman ang lubos na nakakatupad sa kautusan sa sarili lamang nating lakas. Lahat tayo ay nagkulang. Lahat tayo ay minsang nasaktan ang ating kapwa sa isip, salita, o gawa. Kaya ang kautusan ay hindi lamang nagtuturo kung paano mamuhay—ipinapakita rin nito kung gaano natin kailangan si Cristo.

Dumating si Hesus hindi upang alisin ang kautusan kundi upang tuparin ito. Sa krus, ipinakita Niya ang perpektong pag-ibig sa Diyos at sa tao. At sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, binabago Niya ang ating puso upang tayo’y matutong magmahal, magpatawad, maging tapat, at mamuhay nang may malasakit sa kapwa.

Sa huli, ang “Tungkulin ng Tao sa Kapwa” ay hindi lamang obligasyon—ito ay bunga ng isang pusong tunay na nakakilala kay Cristo. Sapagkat ang taong binago ng Ebanghelyo ay hindi lamang marunong sumamba sa Diyos, kundi marunong ding magmahal ng kapwa.

SUNDAY RECAPMay 03, 2026Text: Exodus 20:1–11Ang tamang tugon sa Diyos na nagligtas sa Israel mula sa Egypt ay hindi bast...
04/05/2026

SUNDAY RECAP
May 03, 2026

Text: Exodus 20:1–11

Ang tamang tugon sa Diyos na nagligtas sa Israel mula sa Egypt ay hindi basta salita lamang—ito ay buhay na pagsamba. Dahil iniligtas tayo ng Diyos, nararapat lamang na Siya ang sentro ng ating buhay at pagsamba.

1. WORSHIP GOD EXCLUSIVELY
“Thou shalt have no other gods before me.” (v.3)

Ang Diyos ay hindi pumapayag na may kahati sa ating puso. Siya lamang ang dapat sambahin—hindi ang sarili, hindi ang pera, hindi ang ibang bagay. Ang tunay na pagsamba ay may buong katapatan at walang kahati.

2. WORSHIP GOD REGULARLY
“Remember the sabbath day, to keep it holy.” (v.8)

Ang pagsamba ay hindi lang minsanan o kapag may oras tayo. Ito ay regular, intentional, at may paggalang sa itinakdang panahon para sa Diyos. Ang araw ng Panginoon ay paalala na Siya ang may kontrol sa ating buhay.

✅️“Kung tunay mong kilala ang Diyos na nagligtas sa’yo, hindi mo Siya ipagpapalit sa kahit ano.”

✅️“Ang pagsamba ay hindi lang ginagawa—ito ay ipinapamuhay.”

✅️“Kung may kahati ang Diyos sa puso mo, hindi Siya tunay na Hari ng buhay mo.”

Conclusion:
Ang Diyos na nagligtas ay karapat-dapat lamang sambahin nang tapat at tuloy-tuloy. Ang tamang tugon natin ay hindi lang paniniwala, kundi pagsunod at pagsamba.

Call to Response:

✅️Worship GOD alone—alisin ang anumang diyos-diyosan sa puso.

✅️Worship GOD faithfully—gawing bahagi ng buhay ang regular na pagsamba

Evangelism sa Sitio Salipit Sa kabila ng init at pagod, naging makabuluhan ang araw na ito sa mga taga CVC Paliparan sap...
03/05/2026

Evangelism sa Sitio Salipit

Sa kabila ng init at pagod, naging makabuluhan ang araw na ito sa mga taga CVC Paliparan sapagkat muling naisagawa ang misyon na mag bahagi ng ebanghelyo sa Komunidad.
Maraming salamat din sa mga taga Sitio Salipit sa maayos na pag tanggap sa amin.

📖 “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo ni Cristo: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya…”
— Roma 1:16

Sunday Recap | Isaiah 30:15Isang makapangyarihang paalala ang ibinahagi sa atin ngayong Linggo sa pamamagitan ng mensahe...
27/04/2026

Sunday Recap | Isaiah 30:15

Isang makapangyarihang paalala ang ibinahagi sa atin ngayong Linggo sa pamamagitan ng mensahe mula sa Isaiah 30:15 na ipinangaral ni Preacher: Jesel Cantero.

Ang talatang ito ay malinaw na nagtuturo na ang tunay na kaligtasan at kalakasan ay matatagpuan lamang sa pagbabalik-loob at pagtitiwala sa Panginoon.

“Sa pagbabalik-loob at kapahingahan ay maliligtas kayo; sa katahimikan at pagtitiwala ay magiging kalakasan ninyo.”

Dalawang mahalagang katotohanan ang ating natutunan:

Una, ang mga nagbabalik-loob at nagtitiwala sa Diyos ay makakaranas ng kaligtasan. Hindi hadlang ang nakaraan—anumang pagkakamali o paglayo—sapagkat ang Diyos ay handang magpatawad at magligtas sa sinumang lalapit sa Kanya.

Ikalawa, ang mga nagbabalik-loob at nagtitiwala sa Diyos ay palalakasin at patatatagin. Sa gitna ng kahinaan, pagod, at pagsubok, ang Panginoon ang nagbibigay ng tunay na lakas at katatagan sa ating buhay.

Sa pagtatapos, pinaalalahanan tayo ng isang napakahalagang katotohanan:
Hindi nagbabago ang Diyos.
Ang Diyos na nagliligtas ay Siya ring Diyos na nagpapalakas.

Kaya’t ang paanyaya para sa ating lahat ay malinaw:
Bumalik ka sa Panginoon—hinihintay ka Niya.
Sa Kanya may kapatawaran, may kapahingahan, at may bagong lakas.

To God be the glory!

Address

Paliparan, Laurel
Batangas City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ the Victorious Church - Paliparan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share