10/01/2026
New Year. New season. New pages to write.
Pero habang tahimik akong nagre-reflect, ito ang malinaw na realization ko:
Kahit nagpalit ang taon, hindi nagpalit ang Diyos.
Noong nakaraang taon, dumaan ako sa mga araw na puno ng saya—pero mas marami rin ang mga gabing puno ng tanong, pagod, at luha. May mga panahong hindi ko naintindihan ang ginagawa ng Diyos. May mga panahong pakiramdam ko, tahimik Siya. Pero sa kabila ng lahat, nandito pa rin ako. Buhay. Nakatayo. Umaasa.
At doon ko na-realize—hindi dahil malakas ako, kundi dahil tapat ang Diyos.
Siya pa rin ang Diyos na nagbigay ng lakas noong gusto ko nang sumuko.
Siya pa rin ang Diyos na nagbukas ng pinto kahit akala ko sarado na ang lahat.
Siya pa rin ang Diyos na umunawa kahit ako mismo hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Habang papasok ang bagong taon, marami pa ring uncertainties. Hindi malinaw ang lahat ng susunod na mangyayari. Pero isa ang sigurado: Same God ang kasama ko sa bagong taon na ito.
Hindi nagbago ang Kanyang pag-ibig.
Hindi humina ang Kanyang kapangyarihan.
Hindi nabawasan ang Kanyang pangako.
Kaya imbes na pumasok ako sa bagong taon na puno ng takot, pipiliin kong pumasok na may tiwala. Hindi dahil alam ko ang mangyayari, kundi dahil kilala ko ang Diyos na kasama ko.
📖 “Jesus Christ is the same yesterday, today, and forever.”
— Hebrews 13:8
New Year, Same God.
And with Him, I am more than enough. 🙏✨