11/10/2025
BARZAGA: “TOMORROW NIGHT WE ENTER FORBES PARK!”
Yan ang matapang na sigaw ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa kanyang page matapos ibahagi ang mga detalye tungkol sa nakatakdang Anti-Marcos Protest sa Forbes Park Buendia Gate bukas, Oktubre 12, 2025, alas-10 ng gabi.
Sa kanyang viral video post, nanawagan si Barzaga sa sambayanang Pilipino na tumindig at muling lumaban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan na aniya’y patuloy na bumabalot sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
Ayon kay Barzaga, ang darating na protesta ay isang pagkilos para bawiin ang dignidad ng sambayanang Pilipino.
“We have nothing to lose, and billions to gain! Tomorrow night we enter Forbes Park!”