09/03/2020
https://www.facebook.com/151138391563023/posts/2203287119681463/
KILALANIN NATIN ang mga dakilang bayani at mga tanyag na Pilipinong nagbigay-kulay sa mayamang kasaysayan ng Iglesia Filipina Independiente.
HENERAL PACIANO RIZAL
(Paciano Rizál Mercado y Alonso Realonda)
March 9, 1851 – April 13, 1930),
Si Paciano ay isang Pilipinong heneral ng rebolusyon, kilala siya bilang nakatatandang kapatid ni Dr. Jose Rizal na nagturo rito ng pagmamahal sa bayan at nagpamulat sa tunay na kalagayan ng bayan, si Paciano ang nagtaguyod sa pag-aaral ni Jose sa Europa upang matupad nito ang dapat sanay pangarap nya na baguhin ang bayan sa pamamagitan ng panulat. Siya rin ay malapit na kaibigan ni Padre Jose Burgos na isa sa tatlong paring martir na GomBurZa.
Masugid siyang kasapi ng kilusang Propaganda at naging isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng Diariong Tagalog, siya ang tagalikom ng salapi upang matustusan ang gastusin ng samahan at ng pahayagan nito. Tumulong din siya sa Katipunan s apamamagitan pangangalap ng mga kasapi sa Laguna.
Noong Enero taong 1897, matapos ang pagbaril kay Jose Rizal, ay sumapi si Paciano sa pangkat ni Emilio Aguinaldo sa Cavite. Itinalaga siyang Brigadier Heneral ng hukbong rebulosyunaryo. Hinirang din siyang kalihim ng pananalapi ng kagawaran ng Gitnang Luzon.
Sa pagsiklab ng digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1913), pinamunuan niya ang pangkat ng mga rebulosyunaryo sa Laguna. Nadakio siya ng mga Amerikank noong 1900 ngunit pinalaya din kalaunan at namuhay ng mapayapa sa bayan ng Los Baños, Laguna.
Pinangunahan ni Paciano ang pagtatatag ng simbahang Iglesia Filipina Independiente sa Biñan, Laguna at noong Hunyo 29, taong 1904,
ay pinasinayaan ito ni Msgr. Evangelista ng Maynila. Bukod kay Paciano ay kasama ding nagtaguyod sa Simbahang Pilipino sina Señores Leon Amoranto, Florentino Trinidad, Mariano and Jesualdo Gana, Matias and Fernando Ama, Silvino Rivera, Leon Alma Riego, Jacinto Lunti, Apolonio Ocampo, Mariano Laptulay, Calaudio Cariño, Basilio Maravilla, Roman Zarate, Jose Canjo, Agustin Karamihan, Sotero Guiko, at marami pang iba.
Ayon sa mga bihasa sa kasaysayan, ang larawang ito ni Paciano na isang panakaw na kuha, ay ang kanyang kaisa-isang larawan sapagkat ayaw niyang makuhaan ng larawan.
Panoorin ito para sa dagdag na kaalaman:
https://youtu.be/5vTTPw3O0vk
Saliksikin pang lalo ang kanilang naging g sa ating bayan. Pasyalan si GOOGLE at WIKIPEDIA.