05/10/2026
ISANG MAPAGPALANG PAGSAMBA! 🙌
Growth Ministry: Laity Month
Eighteenth Sunday after Pentecost
World Communion Sunday
October 4, 2026
Sa Banal na Hapunan, muli nating naranasan ang biyaya ng Diyos na nagbubuklod sa atin bilang isang katawan kay Cristo, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating pinagmulan, tayo ay pinag-iisa ng iisang pananampalataya, iisang Panginoon, at iisang misyon. 🍞🍷
Bilang mga layko at lingkod ng Panginoon, nawa’y patuloy tayong lumago hindi lamang sa kaalaman at pananampalataya, kundi higit sa lahat sa pagmamahal, paglilingkod, at pakikibahagi sa gawain ng Diyos. Ang bawat isa ay tinawag at pinagkalooban upang maging instrumento ng Kanyang biyaya sa tahanan, sa simbahan, at sa pamayanan.
Patuloy tayong maging faithful disciples and committed servants, handang maglingkod, magmahal, at makibahagi sa misyon ni Cristo.