Samahang Anak Ng Nazareno - SJP Baras

Samahang Anak Ng Nazareno - SJP Baras Deboto ng Poong Jesus Nazareno

09/04/2026
09/04/2026
“Walang may higit na dakilang pag-ibig kaysa rito: ang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” -Juan 15...
26/03/2026

“Walang may higit na dakilang pag-ibig kaysa rito: ang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” -Juan 15:13

Sa pagdiriwang ng Semana Santa ngayong taon, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na taimtim na makiisa sa mga banal na gawain ng mga Mahal na Araw. Ito ang sagradong panahon ng paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Simula Linggo ng Palaspas hanggang sa Dakilang Araw ng Muling Pagkabuhay, sama-sama nating tunghayan at damhin ang mga mahahalagang yugto ng kaligtasan. Ating gunitain ang mga banal na araw na ito nang may pananampalataya, debosyon, at pusong bukas sa biyaya ng muling pagkabuhay.

26/02/2026
VIVA NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO. 🙏VIVA SENIOR DE BARAS. 🙏
12/01/2026

VIVA NUESTRO PADRE JESUS NAZARENO. 🙏

VIVA SENIOR DE BARAS. 🙏

“Sa bawat pagtingala naroon ang panalangin ng isang bayang patuloy na umaasa.
Ang krus na Kanyang pasan ay hindi lamang bigat ng kahoy, kundi bigat ng ating mga pagsubok, panata, at pananampalataya.
Lumapit ka sapagkat sa likod ng paghihirap, may biyayang naghihintay.” ✝️🙏

゚viralシfypシ゚ ゚viralシ

11/01/2026

Maraming salamat sa mga kapwa namin Deboto na mga tumulong upang maibaba ang aming Senior de Baras. Nawa na maging siksik, liglig at umaapaw na pagpapala ng Poong Jesus Nazareno at aming Patrong San Jose ay sumainyo. 💚💛

VIVA Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Paglalakbay. Pag-aakay. Pag-aalay.Isang napakalaking biyaya sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose ang mapili...
04/01/2026

Paglalakbay. Pag-aakay. Pag-aalay.

Isang napakalaking biyaya sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Jose ang mapili upang maging isa sa mga Jubilee Voyage Churches para sa ika-400 taong pagdating ng imahen ng Nuesta Señora de la Paz y Buenviaje at ng ika-100 taong anibersaryo ng Koronasyong Pontifical ng Birhen ng Antipolo.

Kasama ang Mahal na Patron ng ating dambana at parokya, San Jose de Baras, tayo ay makilakbay sa buong taong paglalakbay na ito, upang tayo ay lalong mapalapit kay Hesukristong ating Panginoon.

Halina't sama-sama tayo sa peregrenisyon na ito, kasama si Maria, ang esposa ng ating minamahal na patrong San Jose!

Address

Brgy. San Juan
Baras
1970

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Anak Ng Nazareno - SJP Baras posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share