Jesus Family Pinugay Church

Directions

Jesus Family Pinugay Church Jesus is the Christ

Happy birthday Remnant MICOPatuloy mong ipagamit ang buhay mo kay Kristo😇😇♥️
25/04/2025

Happy birthday Remnant MICO
Patuloy mong ipagamit ang buhay mo kay Kristo😇😇♥️

Happy happy 16th birthday Remnant Shaily Bautista 😇😇❤️❤️SI HESUS ANG KRISTO!  1 Timoteo 4:12 MBBTAG12[12] Huwag mong hay...
17/04/2025

Happy happy 16th birthday Remnant Shaily Bautista 😇😇❤️❤️

SI HESUS ANG KRISTO!



1 Timoteo 4:12 MBBTAG12
[12] Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

SI HESUS ANG KRISTO! HAPPY BIRTHDAY 😇❤️🎂5 Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understand...
15/04/2025

SI HESUS ANG KRISTO! HAPPY BIRTHDAY 😇❤️🎂
5 Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. [6] In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths. Prov. 3:5-6

Congratulations Graduates! SI HESUS ANG KRISTO! 🎉😇❤️Mag-aral pa kayong mabuti patuloy para sa  kinabukasan ninyo at lagi...
15/04/2025

Congratulations Graduates! SI HESUS ANG KRISTO! 🎉😇❤️
Mag-aral pa kayong mabuti patuloy para sa kinabukasan ninyo at laging ilagay sa sentro Ang Panginoon sa lahat Ng mga tinatahak ninyo para magtagumpay kayo ayon sa layunin Ng Diyos sa Buhay ninyo. Habang nagpapatuloy kayo sa PAG-aaral, patuloy Rin kayong magpatuloy sa pananampalataya at paglilingkod ninyo sa Diyos. 😇😇

Numbers 6:24-26: "The Lord bless you and keep you; the Lord make his face shine on you and be gracious to you; the Lord turn his face toward you and give you peace."

Timothy 4:12: "Let no one despise you for your youth, but set the believers an example in speech, in conduct, in love, in faith, in purity."

SundaySchool Memories Oct- Dec 2024
31/03/2025

SundaySchool
Memories Oct- Dec 2024

SUNDAYSCHOOL 😇😇❤️ - 2024
31/03/2025

SUNDAYSCHOOL 😇😇❤️
- 2024

Worship Services  in Christ and   We are designed to serve and to worship God  2025
31/03/2025

Worship Services
in Christ and
We are designed to serve and to worship God


2025

Prayer meeting Discipleship training Youth Fellowship Morning Devotion
31/03/2025

Prayer meeting
Discipleship training
Youth Fellowship
Morning Devotion

The Word of God for the First Service on March 16, 2025 (kung hindi ka nagkaroon ng konklusyon sa “tanging ebanghelyo” m...
31/03/2025

The Word of God for the First Service on March 16, 2025 (kung hindi ka nagkaroon ng konklusyon sa “tanging ebanghelyo” mahuhulog ka sa relihiyon.)
Ang pagpuna sa Ebanghelyo ng mga Relihiyosong tao (Mc. 7:1-23)
V. 6. “At sinabi niya sa kanila, “Tama ang pahayag ni Isaias tungkol sa inyo na mga mapagkunwari, ayon sa nasusulat, ‘Iginagalang ako ng bayang ito ng kanilang mga labi, subalit ang kanilang puso ay malayo sa akin.”

Matapos na bumalik ang Israel mula sa 70 taong pagkabihag, ang templo ni Zerubbabel ay naitayo at ang lungosd ng Jerusalem ay itinayong muli. Pagkatapos nito, nagkaroon ng 400-taon ng madilim na panahon hanggang sa panahon ni Juan Bautista, ito ang panahon kung kailan halos mawala na ang ebanghelyo at tanging mga relihiyosong pari, mga Fariseo, at mga eskriba ay naging mga relihiyosong pinunong Hudyo, na bumubuo sa Sanhedrin. Kanilang pinapahalagahan ang kanilang pansariling mga interes kaysa sa ebanghelyo.

1. Ang pakikipagtalo ng mga pinunong Hudyo tungkol sa ritwal ng paglilinis (verses 1-5)
1) Ang mga ipinadala ng Sanhedrin ay lumapit kay Hesus at nagsimulang makipagtalo sa kanya.
2) Ito’y sa dahilang ang balita tungkol kay Hesus ay kumalat sa buong Israel.
3) Malapitan nilang inobserbahan ang grupo ni Hesus at naghanap ng gulo.
4) Itinuturo nila na ang mga alagad ni Hesus ay kumakain nang hindi sinusunod ang ritwal sa paglilinis.

2. Mga tradisyon ng kanilang mga ninuno ay itinuturing na mas mahalaga sa kanila kaysa sa ebanghelyo
1) Ang sentro ng Salita ng Diyos na ibinigay saatin ay ang ebanghelyo.
2) Sinabi ni Hesus sa kanila ang Isaias 29:13.
3) Iniwan nila ang ebanghelyo ng Diyos at pinanghawakan lamang ang mga kautusan at tradisyon.
4) Sinabi ni Hesus ang tungkol sa kung ano ang dapat na sundin at ano ang dapat na alisin.

3. Ang pinagmumulan ng kasalanan ay ang makasariling puso ng tao.
1) Tinapos ni Hesus ang argumento at sinabi ang verses 14-16.
2) Sa Jeremias 17:9, sinasabi, “Ang puso ay mandaraya kaysa lahat ng bagay,
at lubhang napakasama; sinong makakaunawa nito?.”
3) Bilang tugon sa katanunang ng mga alagad, sinabi ni Hesus ang verses 18-19.
4) Sinabi ni Hesus kung ano ang nagpaparumi sa tao sa verses 20-23.

Konklusyon: Paano linisin ang panloob na pagkatao
1) Wala ng ibang paraan kundi ang pagtanggap kay Hesukristo bilang Panginoon.
2) Ang sagot kung paano lutasin ang karumihan ng tao ay nasa Isaias 53:6.
3) Ang lahat ng mga problema ng tao ay sanhi ng kanilang makasalanang mga puso.
4) Ang tanging sinasabi ng Bibliya ay ang tipan ni Kristo, ang daan sa kaligtasan.

Bilang mga mananampalataya sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu, unti-unti nating mababawasan saating buhay ang impluwensiya ng pagiging nakasentro sa sarili at mamuhay ng may pagsunod sa salita ng Diyos. Para ditto, tandaan ang mga salita sa Hebreo 10:24-25, “At ating isaalang-alang kung papaano gigisingin ang isa't isa sa pag-ibig at sa mabubuting gawa, na huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na kapag inyong nakikita na papalapit na ang Araw..”

SUNDAYSCHOOL
"SAMSON AND DELILAH"

The Word of God for the First Service on March 23, 2025 Ang mga nagpahayag na si Kristo ay Panginoon (Mc. 7:24-37 )V. 29...
31/03/2025

The Word of God for the First Service on March 23, 2025
Ang mga nagpahayag na si Kristo ay Panginoon (Mc. 7:24-37 )
V. 29. “Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Dahil sa sinabi mo, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak.”

Ang teksto ngayon ay patungkol sa pangyayari pagkatapos ng pakikipagtalo ni Hesus sa mga Fariseo at eskriba patungkol sa ritwal ng paglilinis.

1. Iniwan ni Hesus ang lugar ng mga Hudyo st pumunta sa lugar ng mga Hentil
1) Pumunta si Hesus sa lugar ng mga Hentil upang iwasan ang mga nakikipatalo sa kanya.
2) Madalas na binisita ni Hesus ang mga lugar ng mga Hentil, katulad ng Samaria, Tiro, at Sidon.
3) Hindi minaliit ni Hesus ang mga Hentil.
4) Ang isang ebanghelista ay isang tumutulong sa mga tao sa kanyang paligid upang sila ay maligtas at magkaroon ng bagong buhay.

2. Ang pananampalataya ng babaeng taga Sirofenicia.
1) Ang babaeng taga Sirofenicia ay nanampalataya nang dahil lang sa balitang narinig niya tungkol kay Hesus.
2) Nang marinig niyang malapit si Hesus, nagmadali siyang pumunta sa kanya.
3) Sinabi ni Hesus ang mga nakagugulat na bagay sa kanya, subalit siya ay nagpatirapa at lalong nagmakaawa sa kanya.
4) SInubok ni Hesus ang pananampalataya ng babaeng nagpatirapa at nagmakaawa sa kanya.

3. Pagpapagaling ng isang bingi at p**i sa Galilea
1) Muling nilisan ni Hesus ang lugar ng mga Hentil at nagpunta sa lawa ng Galilea.
2) At mula doon, ay dinala ng mga tao ang isang lalaking kapwa bingi at p**i.
3) Dinala siya ng Panginoon sa ibang lugar at binuksan ang kanyang mga tenga at bibig sa natatanging paraan.
4) Ang mga salita ng Isaias 35:5-6 ay natupad.

Konklusyon: Ang salitang ibinigay saatin sa pamamagitan ng teksto ngayon.
1) May kaguluhan ba sa pagitan mo at ng mga sumasalungat o umuusig sayo?
2) Ang bawat buhay ay nahahati sa mga bunga ng kaharian ng Diyos at bunga ng madilim na mundo.
3) Ano ba ang hindi natin naririnig at hindi sinasabi?
4) Suriin natin kung ano ang madalas nating pinakikinggan at sinasabi.

Wala ng iba pang mas kamangha-mangha kundi ang katotohanang pinalaya na tayo mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ni Hesukristo. Dalangin ko na sa natitira ninyong buhay ay mamuhay kayo bilang saksi ni Kristo sa mga ipinagkatiwala na ebanghelyuhan ninyo at palagi ninyong maranasan ang mga pagpapala ng trono ng kalangitan.



SundaySchool
-little-Army

Address

Sitio San Roque Brgy Pinugay
Baras
1970

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus Family Pinugay Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share