07/06/2026
The New Beginning
Tapos na ang anniversary celebration, ngunit naniniwala tayo na ang ginawa ng Panginoon ay simula pa lamang.
Hindi lang ito isang event na ating dinaluhan, kundi isang paalala na may bagong ginagawa ang Diyos sa Kanyang bayan.
Sabi sa 2 Corinthians 5:17:
“Therefore if any man be in Christ, he is a new creature: old things are passed away; behold, all things are become new.”
Ang nakaraan ay hindi na ang hahawak sa atin.
Ang dating season ay hindi na ang magdidikta ng ating paglakad.
Sapagkat kay Cristo, may bagong simula, bagong lakas, at bagong direksyon.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng aming anniversary celebration. Sa bawat dumalo, naglingkod, nanalangin, nagbigay, at sumuporta — tunay na nakita natin ang kabutihan ng Panginoon.
Natapos man ang araw ng selebrasyon, magpapatuloy ang bagong ginagawa ng Diyos sa ating mga buhay.
The old has gone.
The new has come.
This is A New Beginning.