Obreros de San Jose de Baras

Obreros de San Jose de Baras Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Obreros de San Jose de Baras, Religious organisation, San Jose Street , Brgy. San Juan, Baras.

"O señor San Jose, patron naming mahal, pinipintuho lagi ang iyong pangalan... "Ngayong ika-19 na araw ng Marso, ating i...
19/03/2026

"O señor San Jose, patron naming mahal, pinipintuho lagi ang iyong pangalan... "

Ngayong ika-19 na araw ng Marso, ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng ating mahal na patron at pintakasi ang Maluwalhating Patriarka Señor San Jose de Baras.

Bilang isang bayan at simbahan, dumulog tayo sa kanya at hilingin ang mabisang tulong ng kanyang panalangin upang atin nawang tamasahin ang mga pagpapala na kinakailangan natin sa buhay na ito, higit lalo ang maakay sa landas ng kabanalan palapit kay Hesus at Maria.

PANALANGIN KAY SAN JOSE
Pintakasi ng Bayan ng Baras

O Maluwalhating Patriarka, Senor San Jose nagmula sa makahariang sambayanan ni David, at tanging lalaki sa mundo na pinili ng Diyos, na maging esposo ni Maria, at amang tagapangalaga ng Panginoong Hesukristo; kagalingan, saklolo, at tanggulan namin, dinggin mo ang pagsamo ng bayang dumudulog sa iyo.

O Pintakasi ng bayan ng Baras, pakinggan mo ang aming mga Panalangin. Ipinagkakatiwala namin sa iyo ang aming pamayanan, mga Barangay, mga Munting Sambayang Kristiyano, at ang buong Santa Iglesia. Tulungan mo kami, bilang isang bayan, na pangalagaan ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa amin; biyaya ng kalikasan, sining at kultura, at lahat ng mga 'di mabilang na pagpapalang nagmumula sa Ama.

O sandigan ng mga pamilya, dakilang huwaran ng mga ama, lingapin mo at ingatan ang buo naming pamilya. Ipag-adya mo kami sa lahat ng sakuna, at anumang uri ng kapahamakan, tulad ng iyong pag-iingat sa iyong banal na mag-anak sa Nazaret. Papagningasin mo sa amin ang pag-ibig ng Ama, upang mamuhay kami ng may tunay na pagmamahalan, pagkakaisa at pagsasama-sama.

O Patron ng mabuting kamatayan, ipanalangin mo kaming makasalanan upang sa sandali ng aming paglisan sa mundo, ay makita namin ang katamis-tamisang mukha ng iyong esposang si Maria, aming ina, at ang iyong tinatanging anak na si Hesus, aming Dakilang Manunubos. Amen.

San Jose, aming Patron,
ipanalangin mo kami.

19/03/2026
“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”Ikasiyam na Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi...
18/03/2026

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”

Ikasiyam na Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ng Bayan ng Baras.

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW NG NOΒΕΝΑ
Kabanalbanalang Ama at Patriarka San Jose, na lubhang nahapis at nalumbay, nang matapos na ang iyong buhay sa lupa, at sapilitang iiwan mo ang katamis-tamisang Hesus, at ang mahal niyang Ina, ang masintahing Esposa mo, at ikaw ay mahihiwalay, sa kaibig-ibig na pakikisama sa kanila. Sa pagtatapos ng iyong buhay, masakit man sa kalooban, at nangibabaw ang matinding kaligayahan, sapagkat sa oras ng kamatayan mo, ikaw ay dumanas ng pinakamabuting kamatayan sa kandungan ni Hesus, at kapiling ang mahal na Birheng Maria.

Sa pamamagitan ng dakilang sakit at tuwa na ito, ipanalangin mo kami, at hilingin sa Diyos, na makamtan namin, sa oras ng aming pagpanaw sa buhay na ito, ang grasya ng ating mananakop na si Hesukristo, ang saklolo ni Mariang masintahing Ina namin, at ang tulong mo, upang ang aming huling paghinga, ay tanggapin sa langit alang-alang sa iyo. Gayundin ang tanging ipinagdarasal namin sa pagsisiyam na ito, na lalong matanyag ang kaluwalhatian ng Diyos, at higit na maragdagan ang kapurihan mo.
Amen. Hesus, Maria at Jose.

Dakila sa kalangitan ang iyong pamamagitan,Jose, kami'y kaawaan sa buhay at kamatayan.
18/03/2026

Dakila sa kalangitan ang iyong pamamagitan,
Jose, kami'y kaawaan sa buhay at kamatayan.

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”Ikawalong Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi n...
17/03/2026

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”

Ikawalong Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ng Bayan ng Baras.

PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW NG NOΒΕΝΑ
Kabanalbanalang Ama at Patriarka San Jose, na parating nalulumbay sa pagmamasid, na ang mahal na katawan ng kalinis-linisang Hesus, ay lumalaki at nagkaka-edad, sapagkat nalalarawan sa loob mo, ang mga mababangis na hirap na daranasin niya, sa kanyang mahal na pasyon at pagkamatay sa krus. Bagaman may kalungkutan, naranasan mo naman ang kaligayahan dahil sa mga dakilang biyaya ng grasya at kaluwalhatian, na makakamtan ng sangkatauhan, dahil pasyon at kamatayan ni Hesus para sa sangkatauhan.

Isinasamo namin sa iyo, na alang-alang sa sakit at tuwa na ito, ay matutuhan naming pasalamatan, ang mga naranasang hirap ni Hesus dahil sa mga kasalanan namin, at sa mga paggawa at pag-iisip namin ng hindi matuwid. Kami nawa ay laging umalinsunod sa mahal Niyang kalooban. Dalangin din namin ang mga ninanasa namin sa pagsisiyam na ito, para kaluwalhatian ng Diyos at sa kapurihan mo.
Amen. Hesus, Maria at Jose.

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”Ikapitong Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi n...
16/03/2026

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”

Ikapitong Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ng Bayan ng Baras.

PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW NG NOΒΕΝΑ
Kabanalbanalang Ama at Patriarka San Jose, na nagdamdam ng malaking kasakitan ng puso, nang si Hesus ay sumapit sa ikalabindalawang taon ng kanyang buhay, sapagkat Siya ay nawala sa inyo paglabas ninyo sa Jerusalem, at nakaragdag ng hapis mo, ang hindi masabing lumbay ng iyong mahal na esposa, at kayong dalawa ay nananangis at nanglumo, sa kapighatian at kasakitan, nang hindi ninyo nakikita ang Niño Hesus, na hinahanap sa buong bayan. Sa kabila inyong pagkabalisa, lubos naman ang tuwa at ligaya na inyong naramdaman, nang sa pagpasok ninyo sa templo makaraan ang tatlong araw ng paghahanap, ay nakita ninyo si Hesus, na nakaupo at nagtuturo ng karunungan ng langit, sa mga pantas na nakaharap sa kanya.

Alang-alang sa bigat ng sakit at tuwa na naramdaman ninyo ni Maria, isinasamo namin sa iyo Poong San Jose, ipanalangin mo kami, at hingin mo sa Diyos, na ipagkaloob Niya sa amin, ang pananatili sa grasya, at kung kami ay mapahamak sa pagkakasala, ay matutuhan naming hanapin si Hesus, sa tunay na pagsisi at pagbabali-loob, at sa tapat na pagkukumpisal, nang makamtan din namin, tulad ng mga pantas noon sa templo, ang panonood sa kanya sa templo ng langit, gayundin ang tanging inaasam namin sa pagsisiyam na ito, na lalong matanyag ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang kapurihan mo.
Amen. Hesus, Maria at Jose.

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”Ikaanim na Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ...
15/03/2026

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”

Ikaanim na Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ng Bayan ng Baras.

PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW NG NOΒΕΝΑ
Kabanalbanalang Ama at Patriarka San Jose, na nagdamdam ng malaking lumbay sa puso, sapagkat ikaw ay bumalik sa lupang Israel galing sa Egipto, at nabalitaan mo sa daan, na ang bagong hari ng Judea ay si Arquelao, anak ni Herodes. Ikaw ay naligalig at natakot, at baka ituloy niya ang pagpatay sa Niño Hesus, na ninanais noon ng kanyang ama. Sa kabila nito, ikaw rin naman ay nagkamit ng tuwa at kagalakan, nang sabihin sa iyo ng anghel, na huwag kang matakot at isama mo si Hesus at Maria sa Nazaret, dahil dito ay napanatag ang iyong kalooban.

Bilang pag-aalala sa sakit at tuwa na ito, isinasamo namin sa iyo, ipanalangin mo kami, at hingin mo sa Diyos, na matutunan naming lisanin ang madilim na Egipto ng kasamaan ng ugali at ng pagkakasala, at ang aming mga puso, ay maihanda na maging tahanan ni Hesus; at gayundin naman ang mga ninanais namin sa pagsisiyam na ito, kung nararapat sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kapurihan mo.
Amen. Hesus, Maria at Jose.

PITONG LINGGO KASAMA SI SAN JOSEIKAPITONG LINGGO: ANG PAGKAWALA AT PAGKAHANAP SA BATANG HESUS SA TEMPLO+Sa ngalan ng Ama...
14/03/2026

PITONG LINGGO KASAMA SI SAN JOSE
IKAPITONG LINGGO: ANG PAGKAWALA AT PAGKAHANAP SA BATANG HESUS SA TEMPLO

+Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN
Jose na mapalad, tumayong ama at tagapagtanggol ng batang Hesus dito sa Lupa, Kalinis-linisang Esposo ng Mahal na Birheng Maria. Kami’y naririto, lumalapit sa iyo na nawa ay patnubayan mo ako, aking pamilya, kaibiga’t mga mahal sa buhay. gawin mo kaming karapatdapat sa ginagawa naming ito, ang paggunita sa pitong Ligaya at Sakit mo, alang-alang sa iyong mahal na mag-anak, kay Maria at Hesus. Amen.

PAGBASA
Ang Pagkatagpo kay Jesus sa Templo (Lukas 2:, 41-43; 45-52)

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. Nang siya'y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. Sila'y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya't bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya'y nakaupong kasama ng mga g**o. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang katalinuhan. Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya'y makita. Sinabi ng kanyang ina, "Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo." Sumagot si Jesus, "Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?" Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito. Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Patuloy na lumaki si Jesus; lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.

Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY
Anong sakit at lumbay ang naramdaman ng mag-asawa ng mawalay sa kanila ang kanilang sinisintang anak, parang isang pastol na nawawalan ng tupa, kanilang iniwanan ang lahat at hinanap si Jesus. Sa ating buhay minsa’y nakakaranas tayo na mawala, manghina o malumbay. Mga punto na kung saan napapasadilim, hindi malaman ang gagawin. Lumbay ang minsang bumabalot sa atin na siyang tunay na nakakapagpabalisa sa ating buhay, pisikal man, emosyonal o espirituwal man. Nguni tang lahat ng ito ay may dahilan, lahat ng ito ay may patutunguhan. Tulad ng ligayang nadama ng mag-asawa ng kanilang matagpuan ang Batang Hesus na animo’y nabunutan ng tinik, tayo di’y subukan hanapin si Hesus sa gitna ng kalumbayan at kadiliman. Mapasadlak man tayo sa dilim ng gabi, asahan nating may araw na sisikat at mamamayani para sa atin.

PANALANGIN
O Jose, ikaw na nagdamdam ng lubhang sakit ng mawala sa inyong piling ang Batang Hesus, nagpakabalisa sa tatlong araw na paghahanap sa iyong sinisintang anak, tulungan mo nawa kaming huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng dilim at lumbay. Ituro mo nawa sa amin ang liwanag na dulot ng iyong anak-anakang si Jesus nang sa gayo’y matanto namin na ang lahat ng bagay ay may dahilan at naaayon sa kalooban ng Ama. Ikaw rin nawa ang magsilbing daluyan ng liwanag para sa amin, tulad ng iyong asawang si Maria na patuloy na gumagabay sa amin sa pagtahak sa daan patungo kay Jesus. Amen. Hesus, Maria at Jose.

Ama namin…
Aba Ginoong Maria…
Luwalhati…

San Jose, Ipanalangin mo ako.

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

14/03/2026
“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi n...
14/03/2026

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”

Ikalimang Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ng Bayan ng Baras.

PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW NG NOΒΕΝΑ
Kabanalbanalang Ama at Patriarka San Jose, na nagdamdam nang malaking kasakitan sa puso, nang sabihin sa iyo ng Anghel, na ikaw ay lumakad nang madali, at pumaroon sa Egipto kasama si Hesus at ang kabanalbanalang ina Niya, sapagkat si Hesus ay hinahanap at talagang papatayin, ng mabangis na Haring Herodes. Nakahapis rin naman sa iyo, ang madlang hirap at panganib na dinalita ng Niño Hesus, at kanyang mahal na Ina, sa mga landas na dinaanan ninyo, sa ganoong kahabang paglalakbay. Ngunit mas nangibabaw ang tuwa at ligaya sa kaluluwa mo, nang sa pagpasok sa Egipto ay nakita mo na ang mga idolo at diyos-diyosan na sinasamba sa lupaing iyon, ay nilayasan ng demonyo, nabuwal at nasira sa harap ni Hesus na Siyang Diyos na totoo;

Alang-alang sa dakilang sakit at tuwa na ito, isinasamo namin sa iyo, ipanalangin mo kami at hingin mo sa Diyos, na masira sa amin ang mga idolo ng labis na pag-ibig sa sarili, at ang mga pagnanasang hindi matuwid, at si Hesus lamang, ang mamahay at maghari sa mga puso namin; at gayundin, ang tanging inaasahan namin sa pagsisiyam na ito, kung nararapat sa kaluwalhatian ng Diyos at kapurihan mo.
Amen. Hesus, Maria at Jose.

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”Ikaapat na Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ...
13/03/2026

“Jose kami'y kaawaan, sa buhay at kamatayan”

Ikaapat na Araw ng Pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ni San Jose, Pintakasi ng Bayan ng Baras.

PANALANGIN SA IKAAPAT NA ARAW NG NOΒΕΝΑ
Kabanalbanalang Ama at Patriaka San Jose, na nagdamdam ng malaking kasakitan, nang iyong marinig ang hula ni Simeon; na si Hesus ay magtitiis ng maraming pangungutya at hirap, upang ay masakop at mapagaling; at sinabi niya na ang puso ng kabanal banalang Maria, ay mahahapis na parang inulos ng sundang. Sa kabila ng tagpong ito, ikaw din naman ay nagkamit ng tuwa at ligaya, nang masiwalat sa iyo ang pagtubos sa sangkatauhan, dahil sa pasyon at kamatayan ni Hesus, at nang malaman mo na dahil sa sa kamahal-mahalang dugo Niya, ay marami ang magkakamit ng Langit;

Alang-alang sa sakit at tuwa na ito, isinasamo namin sa iyo, ipanalangin mo kami, at hingin mo sa Diyos, na kami ay makinabang sa mga bunga ng Mahal na Pasyon, at nang kami ay malayo sa kasalanan, at manatili sa buhay ng grasya, at upang aming makamtan, ang biyayang ninanasa namin sa pagsisiyam na ito, kung nararapat sa kaluwalhatian ng Diyos at kapurihan mo.
Amen. Hesus, Maria at Jose.

Address

San Jose Street , Brgy. San Juan
Baras
1970

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Obreros de San Jose de Baras posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Obreros de San Jose de Baras:

Share

Rooted in devotion

For more than 334 years, San Jose has been entrusted as the keeper and patron of the lakeside town of Baras, located in the province of Rizal. Being an old church, it is already expected that there are traditions and festivities related to faith and religion. This is true for several occasions, however not so much in favor of its Patron Saint.

Usually, for towns or barrios established during the Spanish era, Fiestas will always be dedicated to its Patron Saint. The setting is much different in Baras, where its town fiesta is celebrated on the last Sunday of January, a far cry from San Jose’s main feast which is March 19th, the Solemnity of St. Joseph, spouse of the Blessed Virgin Mary.

This created the spark among the faithful to move towards the direction of building a community that is devoted to San Jose, the Patron Saint for all causes* (St. Thomas Aquinas). The spark ignited a flame to bring the much deserved attention to San Jose, especially during the celebration of his Solemnity. Throughout the years, various activities were initiated and added each year to create a festive atmosphere that will be planted in hearts of Baraseños and other devotees. All of which were animated by God’s grace, and was rooted solely in devotion.

With the help of its Spiritual Director, Rev. Fr. Redney Cruz, and through the leadership of Bro. Von Ryan Geronimo, an organization to support this cause was formed, and was named Obreros de San Jose de Baras. ‘Obreros’ was founded with a mission: To propagate the devotion to San Jose de Baras; and be the lay workers of the Church inspired by San Jose’s humility and piety. The mission has already started a long time ago, and we are just carrying the same aspiration of the silent devotees who lived before us. Devotion is the root of our action, and all this we do for the honor or San Jose, and for the greater glory of God.