08/11/2025
๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ | ๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐-๐๐๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ข๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ก๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐
Manalangin tayo.
+Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Diyos Espiritu Santo. Amen.
Amang Makapangyarihan, itinataas namin sa Iyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng Iyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.
Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa Iyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.
Lumalapit kami sa Iyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog naming gawin Mo kaming mapanagutang katiwala ng Iyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus na aming Panginoon, kaisa ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.