27/05/2024
"Ikaw ang Biyaya ng Diyos, sa Sambayanan, ikaw ang awit sa labi ng Birheng matimtiman, ikaw ang liwanag kung madilim man ang Buwan, ika'y Pilipino, ISANG PARI NI KRISTO".
Ating samahan ang ating Kura Paroko, Reb. Pd. Joselito A. Santos sa pagdiriwang ng Banal na Misa Pasasalamat sa Kanyang ika-20 Taong Anibersaryo ng pagkapari, sa darating na Miyerkules, Ika-29 ng Mayo, taong 2024 sa ganap na ika-6:00 ng gabi.
Patuloy nating ipagdasal ang patuloy na pagdaloy ng Biyaya at kalakasan para sa ating kura-paroko, sa ilalim ng paggabay ng ating Mahal na Ina, ang Birhen ng Antipolo at ng ating patrong, San Jose Manggagawa.
.LitoAt20