05/11/2025
ANG PAGKAKALOOB SA MGA PAMPUBLIKONG PANGANGARAL
Ang pangangaral na may pagtanggap ng mga kaloob ay paraan ng Dios upang ang tao’y bigyan ng malayang pagkakataong maipakita niya ang pag-ibig sa Dios at sa mga mangangaral ng salita ng Dios. Sa Mateo 10:42 “At sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya.”
Nang ang mga unang alagad ni Cristo ay humayo upang ipangaral ang kanyang mga salita meroong mga tao na kinilos ng Dios upang magkaloob ito ang tumugon sa pangangailangan ng kanyang mga alagad sa Lucas 10:8 “At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:” at sa kanilang pagkakaloob sa mga alagad ng Panginoon na nangangaral ng mabuting balita hindi ito kalilimutan ng Panginoon dahil ang ginawa nilang pagkakaloob ay sa Panginoon nila ito ginawa sa Mateo 25:34-35 “Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: Sapagka't ako'y nagutom, at ako'y inyong pinakain; ako'y nauhaw, at ako'y inyong pinainom; ako'y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy; at sasagot naman ang mga matuwid na meroong pagtataka sa verse 37 “Kung magkagayo'y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka? At ang magiging tugon sa kanila ng Panginoon sa verse 40 “At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.”
Ang mga alagad ni Cristo’y nag-iwan ng sa kanila’y pakinabang at lubusang itinalaga ang kanilang buhay upang dalhil ang mabuting balita sa mga tao sa Marcos 8:34 “At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sa pangangaral marami silang titiisin gaya ng mga pang-uusig dahil kahit ang ating Panginoong Jesus ay pinag salitaan din ng iba’t ibang masasamang paratang ang halimbawa nito tinawag siyang matakaw, manlalasing at ang nagsalita nito sa kanya ay mga taong relehiyoso rin sa Mateo 11:18-19 “Sapagka't naparito si Juan na hindi kumakain o umiinom man, at sinasabi nila, Siya'y mayroong demonio. Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.” At mga nag salita nito sa kanya ay mga taong relehiyoso na walang ibang iniisip kundi pasamain ang ating Panginoong Jesus.
Ganito rin ang mga nararanasan natin bilang isang tunay na alagad ng Panginoon na meroong mga relehiyoso na walang ibang inisip kundi pasamain ang pangangaral na meroong pagtanggap ng mga kaloob. Ano ang kanilang mga maling paratang na ginagawa bakit daw ipinangangalakal ninyo ang salita ng Panginoon at gagamit pa sila ng mga talata sa biblia na hindi naman nila na uunawaan kanilang bibintangan tayong atin daw pinangangalakal ang salita ng Panginoon.
Ano ang totoo tumatanggap tayo ng mga kaloob na gaya ng utos ni Cristo na sa alin mang bayan na inyong puntahan tanggapin ninyo ang anomang ipagkaloob sa inyo ng tao Lucas 10:7-8 “At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahay-bahay. At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:
Dahil pagsinabing ipinangangalakal mo ang salita ng Panginoon ito’y sapilitan at meroong naka fix na halaga o may presyo kang ibinibigay sa tao ito ang ipinag babawal ng Panginoon na lagyan mo ng presyo dahil pag may presyo na parang pinababayaran mo na ang salita ng Panginoon sa Mateo 10:8 “Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.” Kaya halimbawa kung ang isang alagad ni Cristo ay nag pray sa may sakit at ito’y binigyan nya ng presyo ito ang bayad’
Ngunit sa ating pangangaral tumatanggap man tayo ng mga LOVE OFFERING hindi ito bayad dahil hindi naman tayo nagbibigay ng presyo sa pangangaral nasa tao na kung gusto niyang mag offering sa gawain ng Panginoon. Samakatuwid hindi bayad sa pangangaral ating mga pagtanggap ng mga kaloob dahil hindi naman tayo nagbibigay ng presyo o wala namang naka fix na halaga kung ano lang ang kusa nilang ipagkaloob nasasakanila kung gusto nilang mag love offering sa gawain ng Panginoon ito ay nasasa kanilang kapasyahan, hindi naman pipilitin kung ayaw nilang magkaloob. Ang katwiran naman ng iba diba ang Dios ay mayaman bakit kailangan pang magkaloob, totoo mayaman ang Dios Siya ang may likha ng lahat ng mga bagay , pero ang tanong bakit pa iniutos ng Panginoon tumanggap ng mga kaloob sa gitna ng mga tao ganito ang sinasabi sa mga Awit 68:18 “Sumampa ka sa mataas, pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag; Tumanggap ka ng mga kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
Samakatuwid paraan pala ito ng Dios upang makita ng Dios ang puso ng isang tao kung siya’y may pagmamalasakit sa gawain ng Panginoon at paraan narin upang mapalapit siya sa Dios dahil meroon mabuti siyang damdamin sa gawain ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga pagkakaloob. Dahil ang pagkakaloob ay paraan ng Dios para makita ng Dios ang kanyang puso kung meroon siyang mabuting damdamin sa gawain ng Panginoon at sa mga alagad niya na nagdadala ng mabuting balita ( Mateo 10:42)
Saan naman nagagamit ang mga kaloob na ito? Ito’y nagagamit sa ating mga pangangaral ng salita ng Dios tulad ng telebisyon, radyo, mga pag iimprinta ng mga babasahin , pagpapatayo ng mga bahay sambahan mga pangangailangan ng mga mangangaral at mga social services na ating itinutulong sa mga tao tulad ng pagsasagawa ng mga Medical Mission, mga pag kukrusada sa iba’t ibang bansa upang ipangaral ang evanghelio sa lahat ng dako.
Samakatuwid pagnakita ng Dios ang iyong puso na meroong kang pagmamalasakit sa Kanyang gawain dito sa lupa at sa mga alagad Nya na nagdadala ng mabuting balita hindi iyan makakalimutan ng ating Panginoon sa Hebreo 6:10 “Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.