08/08/2026
SIMBA TAYO BUKAS HA.
Alam kong marami kang iniisip, pinagdadaanan, problema at mga pagsubok na kinakaharap ngayon.
Pero sana wag mong isantabi ang Panginoon.
Siya ang sagot sa bawat pinagdadaanan natin.
Siya ang solusyon sa bawat suliranin.
Maaaring bukas ay maraming dahilan para hindi ka makapagsimba.
Pero sana, kahit sandali lang at kahit ilang oras lang ay masamba natin siya kasama ang iba.
Simba muna tayo.
Deserve mo ng pahinga.
Pahinga sa ingay ng mundo.
Pahinga mula sa nakakapagod na sistema.
Pahinga dahil sa sunod sunod na problema.
Mga Hebreo 10:25
25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.
Kaya see you bukas.
God bless.