27/12/2025
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!”
At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
Juan 19: 25-27
27 DISYEMBRE
KAPISTAHAN NI SAN JUAN EVANGELISTA
Ang imahen ng SAN JUAN EVANGELISTA, na bahagi ng mga pagdiriwang tuwing Semana Santa sa Parokya ng Inmaculada Concepcion sa Baliuag ay nasa pangangalaga ng Pamilya Evangelista.
Photo: Parokya ng Inmaculada Concepcion - Baliwag