27/08/2026
MALIGAYANG KAPISTAHAN!
San Agustin de Hippo
Dakilang Patron ng Lungsod ng Baliwag, Bulacan Kapistahan: Agosto 28
Si San Agustin ay ipinanganak noong Nobyembre 13, 354 sa Tagaste, Africa. Anak siya nina Patricius at Santa Monica. Noong kabataan niya, matalino pero ligaw — naghanap siya ng katotohanan sa maling lugar. Napadpad siya sa bisyo, kayabangan, at maling paniniwala.
Pero hindi siya kinalimutan ng Diyos at ng panalangin ng kanyang ina. Dahil sa luha ni Santa Monica at sa mga pangaral ni San Ambrosio, nagbalik-loob siya. Nabinyagan siya noong 387 sa Milan.
Naging pari, obispo, at isa sa Apat na Dakilang Doktor ng Simbahan. Ang mga sulat niya tulad ng Confessions at City of God ang gumabay sa Simbahan hanggang ngayon.
Kilala siya sa linyang: "Nilikha Mo kami para sa Iyo, Panginoon, at hindi mapapahinga ang aming puso hangga't hindi ito nagpapahinga sa Iyo."
Dito sa Baliwag, Bulacan, siya ang *Dakilang Patron* ng bayan at ng Simbahang Parokya ng San Agustin. Sa kanyang pamamagitan, pinagpapala ang mga taga-Baliwag sa pananampalataya, edukasyon, at pagkakaisa.
Panalangin kay San Agustin, Patron ng Baliwag
O Dakilang San Agustin,
Patron ng aming mahal na Lungsod ng Baliwag,
Ikaw na naghanap, naligaw, at natagpuan ang katotohanan kay Kristo.
Idalangin mo kami sa Diyos.
Bigyan mo ng karunungan ang mga mag-aaral ng Baliwag,
lakas ang mga magulang at manggagawa,
at pagkakaisa ang aming mga tahanan at barangay.
Tulad mo, turuan mo kaming magsisi, bumangon,
at ialay ang talino at puso para sa Diyos at bayan.
Sa pamamagitan ng panalangin ng iyong inang si Santa Monica,
gabayan mo ang Baliwag na maging lunsod ng pananampalataya,
pag-ibig, at paglilingkod.
San Agustin de Hippo, Dakilang Patron ng Baliwag,
ipanalangin mo kami. Amen.
Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...
VIVA SAN AGUSTIN DE BALIWAG!
VIVA APUNG GUSTIN!
Nakiisa sa mayasang Kapistahan ang Sambayan ng Diyos sa Barrio ng Calantipay kasama ang aming Pintakasi Apung Dela Paz!
Pagbati Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan!