29/07/2026
๐๏ธ REQUIESCAT IN PACE, PADRE HAM ๐๏ธ
PAG-ALALA AT PANALANGIN PARA KAY REB. P. HAMILTON F. CRUZ, M.S.P.
(Pebrero 28, 1978 โ Hulyo 29, 2026)
May mabigat na pusong ipinababatid sa lahat ang pagpanaw ng ating minamahal na Reb. P. Hamilton F. Cruz, M.S.P. noong Hulyo 29, 2026. Siya ay naging mahalagang bahagi ng ating parokya bilang nakikibahaging pari at tagapagdiwang ng Banal na Misa.
Sa kanyang panahon ng paglilingkod sa Simbahan, ang kanyang kababaang-loob, kabutihan, at patnubay ay nagbigay-lakas sa ating pananampalataya at naglapit sa atin sa Panginoon ay hindi malilimutan.
Ang buong pamilya ng Bisita ng Banal na Krus ay nakikiramay at nagdadalamhati sa kanyang paglisan. Ang kanyang tapat na paglilingkod, panalangin, at buhay na saksi ng pagtatalaga sa Diyos ay mananatiling buhay sa ating mga puso.
Nawaโy tanggapin siya ng Panginoon sa Kanyang walang hanggang kaharian at gantimpalaan ang kanyang tapat na pagkakawanggawa bilang pastol ng Kanyang kawan.
Igawad nawa sa kanya ng Panginoon ang liwanag na walang hanggan.
Sumakanya nawa ang walang hanggang kapayapaan. Amen.