Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan

Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan 'Ang Batingaw' is the official information bulletin of the Diocesan Shrine and Parish of Saint Augustine, Poblacion, City of Baliwag, Bulacan

This Page is operated by the Ang Batingaw, Commission on Social Communications of the Diocesan Shrine and Parish of Saint Augustine, Baliwag City, Bulacan

MASS SCHEDULES: (as of 01 January 2026)
Monday - Saturday : 5:30 am, 7:00 am, and 5:30 PM (LIVE)
Sunday: 5:30 am, 7:00 am (LIVE), 8:30 am, 10:00 am, 4:00 pm, 5:30 pm (LIVE) and 7:00 pm

CONFESSION:
- Every after Mass
- Thursdays from 4:30pm to

5:30pm

DEVOTIONS:
Monday - Holy Spirit
Tuesday - Divine Mercy (after 7:00am Mass) | Holy Face of Jesus (every 3:00pm)
Wednesday - Our Mother of Perpetual Help (7:30am and 5:00pm)
Thursday - Saint Augustine (5:00pm)
Friday - Most Sacred Heart of Jesus (Holy Hour every 4:30pm)
Saturday:
1st Saturday - Our Lady of Fatima (4:00am Dawn Procession, 5:30am Mass)
1st Saturday - Our Lady of Lourdes (6:15am Procession, 7:00am Mass)
4th Saturday - La Purisima Concepcion de Baliuag (6:00am Rosary and Novena)

For PARISH or GROUP PILGRIMAGES, you may contact us at:
[email protected]

Team Ministry:

Monsignor Narciso S. Sampana, P.C., V.G. Shrine Rector and Parish Priest

Father John Paolo T. Tolentino
Parochial Vicar

Father Francis Protacio S. Cortez, III
Resident Priest

Pistang Bayan : Every 2nd Sunday of May
Pistang Patron : Every August 28th

26/08/2026

๐Š๐”๐Œ๐”๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐๐€๐ƒ๐’

Isang makabuluhang kuwentuhan at pagbabalik-tanaw sa mga biyaya ng Panginoon sa mga nagdaang-taon sa ating parokya at dambana.

Sa pangunguna ng ating Hermanos Mayores para sa Pistang Patron 2026, Sis. Arcie Baltazar at ang buong Pamilya Baltazar, inimbitahan ang mga naging lingkod-pari sa ating dambana at parokya sa mga nakalipas na taon.

Part 6: Msgr. Andy Valera
naglingkod bilang Kura Paroko mula 2013 hanggang 2021

Salamat po, Msgr. Andy, sa iyong patuloy na paggabay, pagmamahal at sa pagiging bahagi ng makulay na kasaysayan ng ating pamayanan. Isang malaking karangalan ang muli kang makasama!

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ | Pagdiriwang ng Ika-anim na Arawng Nobena kay San AgustinNaging makabuluhan...
26/08/2026

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ | Pagdiriwang ng Ika-anim na Araw
ng Nobena kay San Agustin

Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Ika-anim na Araw ng Nobena kay San
Agustin nitong Lunes, Agosto 24, 2026. Bahagi ito ng siyam na araw na paghahanda para sa paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Patrong si San Agustin, na dinaluhan ng mga deboto at ibaโ€™t ibang
samahang patuloy na nagpapalalim ng kanilang pananampalataya.

Pinangunahan ng Bagong Nayon SPCY ang pagdarasal ng Rosaryo, habang
pinangunahan naman ng Bangong Nayon SPPC ang Nobena. Nakibahagi rin sa
pagdiriwang ang ibaโ€™t ibang samahan, kabilang ang Commission on Family and Life, Legion of Mary, Samahang Apostoles, Christian Family Movement, at Couples for Christ.

Ang Banal na Misa ay ipinagdiwang sa mabiyayang presensya ni Lub. Kgg. Prudencio Padilla Andaya Jr., CICM, D.D., Obispo ng Cabanatuan, ganap na ika-5:30 ng hapon.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Bishop Andaya ang buhay at espirituwal na
paglalakbay ni San Agustin, partikular ang malalim na paghahanap ng tao sa
kahulugan, katuparan, at layunin ng buhay.

Aniya:
โ€œItinuturo sa atin ni San Agustin na sa ilalim ng lahat ng ating paghahanap ay may
isang mas malalim na uhawโ€”ang uhaw para sa Diyos.โ€

Ipinaalala rin ng Obispo na ang paghahanap ng tao sa Diyos ay hindi lamang
nagsisimula sa sariling pagsisikap ng tao. Sa halip, sa liwanag ng pananampalataya,
natutuklasan natin na ang Diyos mismo ang unang naghahanap sa atin.
โ€œGayundin ang nangyari kay San Agustin. Akala niya siya ang naghahanap sa Diyos.
Ngunit sa liwanag ng pananampalataya, natuklasan niya na ang Diyos pala ang
unang naghahanap sa kanya. Ito ang isa sa pinakamagandang katotohanan ng ating
pananampalataya.โ€

Sa paggunita kay San Agustin, muling pinaalala sa mga deboto na ang buhay ng
pananampalataya ay hindi lamang tungkol sa paghahanap natin sa Diyos. Ito rin ay pagkilala sa katotohanang ang Diyos ang unang naghahanap, tumatawag, at
umaabot sa tao.

Sa ganitong diwa, naging makabuluhang pagkakataon ang novenario upang sama-samang manalangin, magnilay, at muling pagtibayin ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng halimbawa at inspirasyon ni San Agustin. Isang paalala na sa kabila ng lahat ng ating hinahanap sa buhay, ang
pinakamalalim na uhaw ng puso ay ang uhaw para sa Diyos.

Article by: CAV, Ang Batingaw
Photos by: GC, Ang Batingaw

NOBENA SA KARANGALAN NI SAN AGUSTIN -IKAWALONG ARAW-Sa katahimikan ng puso namin, Panginoon, nawa'y lagi ka naming masum...
26/08/2026

NOBENA SA KARANGALAN NI SAN AGUSTIN
-IKAWALONG ARAW-

Sa katahimikan ng puso namin, Panginoon, nawa'y lagi ka naming masumpungan sa pananalangin. Ikaw ay maka-ulayaw at makatagpo. Nawa'y matagpuan Ka namin sa aming kalooban, tulad ni San Agustin na sa labas naghahanap, Ikaw, sa kalooban niya natagpuaan, at kami'y sa pag-ibig Mo'y mag-aalab. Ito ay aming samo, sa pamamagitan ni Jesukristo at ng Espiritu Santo. Amen.

Ama namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

San Agustin, mahal naming patron,
ipanalangin mo kami.

AGOSTO 26 | Paggunita kina San Liberato, Maximo, Bonifacio, Siervo y RusticoMga Agustinong Martir ng GafsaSan Liberato d...
26/08/2026

AGOSTO 26 | Paggunita kina San Liberato, Maximo, Bonifacio, Siervo y Rustico
Mga Agustinong Martir ng Gafsa

San Liberato de Gafsa
Siya ang punong monghe ng pitong Agustinong Martir na pinaslang sa Gafsa noong magkaroon ng decreto ang Bandalong hari na si Hunerico na ipasara lahat ng mga monasteryo, kung saan sila ay hindi nakaligtas.

Ang mga monghe ay ikinulong at di naglaon ay ipinag-utos na paslangin dahil ayaw nilang talikuran ang ating Panginoon. Sila ay isinakay sa bangka at ipinalaot sa dagat upang sunugin. Ilang ulit tinangkang sunugin ang bangkang naglululan sa kanila ngunit ito ay hindi masunog-sunog. Ipinasya ng hari na sila ay ibalik sa dalampasigan upang doon paghahampasin ng sagwan sa ulo hanggang sa mamatay. Ang kanilang mga labi ay itanapon sa dagat, na siya namang iniahon ng kanilang mga kasamahang hindi nadakip upang mabigyan ng isang marangal na libing.

San Maximo de Gafsa
Si San Maximo ang pinakabata sa pitong Agustinong martir ng Gafsa, Tunisia. Tinatayang 15 taong gulang lamang siya. Bago siya paslangin, siya ay binigyan ng pagkakataon na tumalikod sa kanyang Pananampalataya at mga kasama, na sinagot niya ng:

โ€œWalang makapaghihiwalay sa akin sa aking amang si Liberato, o sa mga itinuring kong mga kapatid sa monasteryo na umaruga at nagpalaki sa akin. Natutunan ko sa kanila kung paano matakot sa Diyos, at ninanais kong magpakasakit kasama nila...โ€

San Bonifacio de Gafsa
Siya ay isang diacono. Ang pinakahuling patong ng vestiduras ni San Bonifacio na kulay rosas ay tinatawag na dalmatica. Ang dalmatica ng isang diacono ay may dalawang guhit na pahalang, samantalang ang tunicela ng subdiacono ay iisa lamang ang guhit na pahalang bilang pagkakakilanlan.

San Siervo y Rustico de Gafsa
Dalawa sa pitong martir ng Gafsa na subdiacono. Noong unang panahon, sila ay isa sa mga naglilingkod sa altar, na ang pangunahing tungkulin ay awitin ang Epistola, tanganan ang Ebanghelaryo habang ipinapahayag ng diacono ang Salita ng Diyos, at ihatid sa Mesa Altar ang patena at kalis na magsisilbi namang lunduyan ng Katawan at Dugo ni Kristo.

๐•๐„๐‘๐๐”๐Œ ๐ƒ๐Ž๐Œ๐ˆ๐๐ˆ : ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ซ๐š๐ฐ-๐š๐ซ๐š๐ฐ |   UNANG PAGBASA2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni ...
25/08/2026

๐•๐„๐‘๐๐”๐Œ ๐ƒ๐Ž๐Œ๐ˆ๐๐ˆ : ๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ซ๐š๐ฐ-๐š๐ซ๐š๐ฐ |

UNANG PAGBASA
2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, iniuutos namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, na layuan ang mga tamad at ayaw mamuhay ayon sa mga tagubilin namin sa inyo. Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami nahiyang magtrabaho nang kamiโ€™y nariyan pa. Hindi kami tumanggap ng anumang bagay kaninuman nang hindi namin binabayaran. Nagpagal kami araw-gabi upang hindi maging pasanin ng sinuman sa inyo. Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatang maghintay ng inyong tulong kundi upang kayoโ€™y bigyan ng halimbawang dapat sundan. Nang kasama pa namin kayo, ito ang tagubiling ibinigay namin sa inyo: โ€œHuwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw gumawa.โ€

Ang Panginoon na bukal ng kapayapaan ang siya nawang magkaloob sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon. Nawaโ€™y sumainyong lahat ang Panginoon.

Akong si Pablo ang sumulat ng pagbating ito: Binabati ko kayo. Ito ang aking lagda sa lahat ng sulat ko. Ganito ako sumulat.

Nawaโ€™y sumainyong lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa Dโ€™yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhikaโ€™y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligayaโ€™t uunlad ang kanyang buhay.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa Dโ€™yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa Dโ€™yos.

ALELUYA
1 Juan 2, 5

Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng Dโ€™yos Ama
ang sumunod sa Anak nโ€™ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, โ€œSa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyoโ€™y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng taoโ€™y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

โ€œSa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, โ€˜Kung kami sanaโ€™y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.โ€™ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayoโ€™y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(mga teksto mula sa awitatpapuri.com)

PANALANGIN SA UMAGASa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.Ama,dinggin mo ang aming pang-umagang panala...
25/08/2026

PANALANGIN SA UMAGA

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Ama,
dinggin mo ang aming pang-umagang panalangin. Tulungan kaming tumahak sa โ€™yong liwanag at mamuhay sa katotohanan. Sa iyo, muli kaming isinilang bilang mga anak ng kaliwanagan: Kami nawaโ€™y iyong maging saksi kahit saan mang dako
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.


25/08/2026
๐€๐๐€๐Œ๐๐„๐’๐ˆ๐’ |  #๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”"Itinuturo ni San Agustin na sa ilalim ng lahat ng paghahanap ay may mas malalim na uhaw ...
25/08/2026

๐€๐๐€๐Œ๐๐„๐’๐ˆ๐’ | #๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

"Itinuturo ni San Agustin na sa ilalim ng lahat ng paghahanap ay may mas malalim na uhaw -ang uhaw para sa Diyos... Akala ni San Agustin siya ang naghahanap sa Diyos. Ngunit sa liwanag ng pananampalataya, natuklasan niya na ang Diyos pala ang unang naghahanap sa kanya."

Lub. Kgg. Prudencio P. Andaya Jr., CICM, D.D.
Obispo ng Cabanatuan | Agosto 24, 2026

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ | Prusisyong Agustino 2026Natunghayan ng mga deboto at mananampalataya sa Lu...
25/08/2026

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐ง๐ ๐š๐ฐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐  ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐ฉ๐ž๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ | Prusisyong Agustino 2026

Natunghayan ng mga deboto at mananampalataya sa Lungsod ng Baliwag ang mga Santo at Beato na bahagi ng Banal na Orden ni San Agustin at mga Santong may mahalagang papel sa buhay ni Apo Gusting nitong ika-23 ng Agosto 2026, araw ng Linggo, bahagi ng pagdiriwang ng nalalapit na Pistang Patron 2026 sa ating Dambana at Parokya ng San Agustin.

Sinimulan ito ganap na ika-5 ng hapon kung saan ang anotasyon ay pinangunahan nina Sis. Lourdes Bernardo, Bro. Enrique Torrente, Sis. Recci Joy Viรฑas, at Bro. Adrian Phillip Mallari.

Ang naging ruta ay mula sa patio ng simbahan patungo Plaza Naning (Jollibee Side), Palengke, J.P. Rizal St., P. Angeles St., R.E. Chico St., B.S. Aquino Ave., Plaridel St., T. Bugallion St., Cagayan Valley Road, Plaza Naning, at pabalik sa Simbahan, kung saan binasbasan ang mga imahen at mga deboto na nakibahagi sa prusisyon.

HANAY NG PRUSISYONG AGUSTINO

Mga Huwaran ng Pagbabagong-Buhay ni San Agustin

1. APOSTOL SAN PABLO
Pista: Hunyo 29
Apostol de los Gentiles y Martir
Pamilya De Leon - Garcia

2. SAN ANTONIO ABAD
Pista: Enero 17
Fundador del Movimiento Eremitico
Pamilya Rayos - Ignacio

3. SAN AMBROSIO DE MILAN
Pista: Disyembre 7
Obispo, Doctor de la Santa Iglesia,
Teologo, Orador
Pamilya Laya

Mga Beatong Agustino

4. BEATO ANSELMO POLANCO FONTECHA
Pista: Pebrero 7
Obispo y Martir
Pamilya Lasco

5. BEATO FEDERICO DE RATISBONA
Pista: Nobyembre 29
Religioso
Pamilya Quetua - Trinidad

6. BEATO ESTEBAN BELLESINI
Pista: Pebrero 3
Presbitero
Pamilya San Juan - Cano

7. BEATA ELENA VALENTINI CAVALCANTI DE UDINE
Pista: Abril 23
Viuda y Religiosa
Pamilya Simbulan

8. BEATA CRISTINA CICCARELLI DE Lโ€™AQUILA
Pista: Enero 18
Virgen, Abadesa, Profetisa y Visionaria
Pamilya Tengco - Burgos

9. BEATO JUAN BUFALARI DE RIETI
Pista: Agosto 2
Religioso Eremitico
Pamilya Cruz

10. BEATA JULIA DE LA RENA DE CERTALDO
Pista: Enero 9
Virgen Reclusa
Pamilya Maรฑaco - Cruz

11. BEATA CRISTIANA DE SANTA CRUZ
Pista: Enero 4
Virgen y Religiosa
Pamilya Mercado - Santos

12. BEATA VERONICA DE BINASCO
Pista: Enero 13
Virgen y Mistica
Pamilya Esteban

Mga Santong Agustino

13. SAN ALONSO DE OROZCO
Pista: Setyembre 19
Musico, Predicador y Escritor Mistico
Pamilya Hernandez - Manuel

14. SAN EZEQUIEL MORENO Y DIAZ
Pista: Agosto 19
Patron de los Agustinos Recoletos en Filipinas
Recolecto, Misionero, Obispo de Pinara y Pasto
Pamilya Peralta - Santos

15. SANTA MAGDALENA DE NAGASAKI
Pista: Oktubre 20
Recoleta, Virgen y Martir
Patrona de la Tercera Orden de los Agustinos Recoletos
Pamilya Espiritu at
Pamilya Chico

16. SAN JUAN STONE DE CANTERBURY
Pista: Oktubre 25
Presbitero y Martir
Pamilya Cruz - Navoa

17. SANTA RITA DE CASCIA
Pista: Mayo 22
Viuda, Religiosa, Estigmatista,
Abogada de los Casos Imposibles
Pamilya Faustino

18. SANTA CLARA DE LA CRUZ DE MONTEFALCO
Pista: Agosto 17
Virgen, Monja y Abadesa
Pamilya Rodriguez - Tengco

19. SAN JUAN GONZALEZ DE SAHAGUN
Pista: Hunyo 12
Confesor, Predicador, Presbitero y Eremitaco
Pamilya Clarin

20. SANTO TOMAS DE VILLANUEVA
Pista: Setyembre 22
Arzobispo de Valencia, Padre de los Pobres
Pamilya Cunanan - Cruz

21. SAN NICOLAS DE TOLENTINO
Pista: Setyembre 10
Confesor, Presbitero, Mistico,
Patrono de las Almas del Purgatorio
Pamilya Silvestre - Cortez

22. SAN GUILLERMO ERMITAร‘O
Pista: Pebrero 10
Monje de Maleval
Pamilya Cabingao at
Pamilya De Guzman

23. SAN FULGENCIO DE RUSPE
Pista: Enero 3
Abad y Obispo de Africa del Norte
Pamilya Buรฑing - Cruz

24. SAN MAXIMO DE GAFSA
Pista: Agosto 26
Monje y Martir
Pamilya Marcos at Pamilya Santos

25. SAN RUSTICO Y SAN SIERVO DE GAFSA
Pista: Agosto 26
Subdiaconos y Martires
Pamilya Imperial at Santos

26. SAN BONIFACIO DE GAFSA
Pista: Agosto 26
Diacono y Martir
Pamilya Fernando - Ramos

27. SAN LIBERATO DE GAFSA
Pista: Agosto 26
Abad y Martir
Pamilya Flores - Yabut

28. SAN POSIDIO DE CALAMA
Pista: Mayo 16
Obispo, Discipulo y Compaรฑero y Biografo
de San Agustin
Pamilya Juaiting

29. SAN ALIPIO DE TAGASTE
Pista: Mayo 16
Obispo, Discipulo y
Compaรฑero de San Agustin
Pamilya Santos - Rodriguez

Mga Patron ng Banal na Orden ni San Agustin

30. PATRIARCA SAN JOSE
Pista: Marso 19 at Mayo 1
Protector de la Orden de San Agustin
Pamilya Alcaraz - Roberto

31. SENOR SANTO NIร‘O DE CEBU
Pista: Ikatlong Linggo ng Enero
Patron de la Provincia Agustiniana de Cebu
Pamilya Clarin

32. NUESTRA SEร‘ORA DE LA SALUD
Pista: Nobyembre 17
Devocion Particular de la Orden de los
Agustinos Recoletos
Pamilya Gutierrez, Ignacio, at Taruc

33. NUESTRA SEร‘ORA DE LA REGLA
Pista: Nobyembre 21
Patrona Personal de San Agustin
Pamilya de Leon

LOS FESTEJADOS:

Ang mga Pinararangalan at Pinagpipistang Patron ng Banal na Orden ni San Agustin

34. SANTA MONICA DE TAGASTE
Pista: Agosto 27
La Madre de San Agustin
Espejo de Esposas, Modelo de Madres,
Consuelo de Viudas
Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng San Agustin at
Pamilya Rodriguez - Tengco

35. SAN AGUSTIN DE HIPONA
Pista: Agosto 28
Padre y Doctor de la Santa Iglesia,
Doctor de la Gracia
Obispo, Gran Escritor y Teologo, Patron de Baliuag
Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng San Agustin at
Pamilya Rodriguez - Tengco

36. NUESTRA SEร‘ORA DE LA CONSOLACION Y CORREA
Pista: Setyembre 4
Patrona, Madre y Reina de la Orden de San Agustin
Pamilya Silvestre - Cortez

Patuloy ang paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng ating Dakilang Patron na si Apo Gusting. Viva San Agustin!

Article by: LMC, Ang Batingaw
Photos by: FV, Ang Batingaw

PANALANGIN SA GABISa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.Panginoon,punuin ang gabing ito ng iyong kali...
25/08/2026

PANALANGIN SA GABI

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

Panginoon,
punuin ang gabing ito ng iyong kaliwanagan. Humimlay nawa kami sa kapayapaan at gumising nang may kagalakan upang harapin ang liwanag ng bagong araw sa iyong pangalan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


Address

Diocesan Shrine And Parish Of Saint Augustine
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 9am - 12pm
1:30pm - 5pm
Tuesday 9am - 12pm
1:30pm - 5pm
Wednesday 9am - 12pm
1:30pm - 5pm
Thursday 9am - 12pm
1:30pm - 5pm
Friday 9am - 12pm
1:30pm - 5pm
Saturday 9am - 12pm
1:30pm - 5pm
Sunday 9am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Batingaw - Saint Augustine Parish Baliwag, Bulacan:

Shortcuts

Share